CHAPTER 4 "TELL ME WHERE IT HURTS"

1 0 0
                                    


Nagising bigla si Brixton na nakahiga sa kama, napansin niya na wala na siyang pang-itaas, at nakahubad na mga sapatos at medyas niya. Nakita din niyang nakabukas ang zipper niya at medyo lumawag ang suot nitong pantalon. "Oh my goodness anong nangyari kagabi?" tanong niyang kabado ng matandaan niya na bigla niyang hinalikan si Jino. Naalala niya talaga ito, at para siyang nahihiya dahil sa kanyang kalasingan mayroon na naman siyang ginawang kalokohan at di kanais-nais. "Nakakahiya naman kay Jino, shit!" sambit niya sa sarili. Tapos ay biglang pumasok si Jino at bigla siyang nagulat nang Makita niya ito, kinakabahan siya at hiyang-hiya at di makatingin ng diretso kay Jino. "Oh parang nakakita ka ng multo diyan?" tugon ni Jino na may dalang bulsita na may lamang mga pagkain pagkat amoy ni Brix ang bango nito. "Ah, wala lang, maaga kang nagising" sabi ni Brix. "Uo nag jog kasi ako dahil masyado akong nanghina kagabi sa ginawa natin" sabi ni Jino at biglang kinabahan si Brix, at nakaramdam naman ng hiya. "Naku, may nangyari bas a amin?" sabi niya sa kanyang isipan. "Oh bakit parang namumula at nahihiya ka diyan may problema ba?" ang tanong ni Jino. "Sabi mo kasi napagod ka sa ginawa natin kagabi, aahhmmm... ano bang ginawa natin kagbi?" tanong naman ni Brix na kabado. "Eh, ano pang ginawa natin kagabi eh di naglasing!" sagot ni Jino. "Ay uo nga naman pala, uminom pala tayo" sabi naman ni Brix at pilit tumawa. "Bakit ano bang nasa isip mo na ginawa natin?" tanong naman ni Jino, na bahagyang nakangiti. "Ah, wala lang naman" sagot naman ni Brix. "Naku! Iniisip mo na may nangyari sa atin ano??" tanong ni Jino na nang-iinis. "Heh! Tumigil ka nga di ako nag-iisip ng ganyan ah, sira!" sabi ni Brix at tumayo ito sa kama inayos ang pantalon nito at kumuha ng towel. "Bilisan mo ang pagligo mo at may pupuntahan tayo" biglang sabi ni Jino kay Brix. "Huh? Tayo? Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Brix. "Gusto kong samahan mo ako, mag-eenjoy tayo" sagot naman ni Jino. "Eh, mamasyal ka lang naman pala, eh di ikaw na lang" sagot naman ni Brix, na tinatamad. "Ah, basta ko gusto kong isama kita, isipin mo nalang, today is our first date!" sabi ni Jino, at tinitigan niya si Brix sa kanyang mga mata at natigilan si Brix at biglang nag blush. "Di ba exciting yon, kaya bilisan mo diyan!" patuloy na sabi ni Jino at hinimas nito ang buhok ni Brix saka lumabas ito sa kuwarto. Naiwang nakatayo si Brix, na namumula at di malaman ang kanyang magiging reaksyon ng biglang bumilis ang kaba ng kanyang dib-dib.

"Hoy! Nakikinig ka ba ha, Anya?!" tanong ni Liz. "Huh? Ah.yes ano ngayon ulit?" pagkaklaro nito kay Liz. "Ayan kasi absent minded ka na naman at nakatingin sa phone mo, si Jino na naman ba?" tanong ni Liz. "Mahigit sa isang lingo na pero di pa siya nakakabalik, at tanging mga short phrases lang ang mga reply niya sa akin" ang sagot naman ni Anya. "Well just let him be, siguro he was just taking the time of his life bago kayo e kasal, you know nag unwind lang yong nobyo mo" ang sabi ni Liz sa kaibigan. "Pero Liz, what if?" di nakapagpatuloy si Anya. "What if ano? Babae yong problema?" tanong ni Liz. "Uo what if ganoon nga" tugon naman ni Anya. "Akala ko ba buo ang trust mo sa boyfriend mo?" tanong ni Liz. "Eh sa di ko maiwasang mag-isip eh" tugon ni Anya. "Well, just let him be, men are like that, at saka kung sino man ang babaeng kasama niya ngayon, Im sure para-usan lang niya yon, I mean come on, di niya magagawang magkalat ngayon pat ikakasal na kayo" ang sagot naman ng kaibigan ni Anya. "Kung sa bagay tama ka nga, ako pa rin ang magiging original sa buhay niya" sabi ni Anya. "Yes dear, wala ng iba, so nasaan na yong rereport at e susubmit ko na" ang sabi ni Liz. At binigay ni Anya ang isang folder sa kaibigan. "Sige na Anya ako ng bahala dito, alam kong wala ka pang tulog kagabi, pahinga ka muna" tugon ni Liz. "Are you sure?" tanong ni Anya. "Yes you need rest, at huwag kang masyadong mag-isip, pagkabalik natin sa Pilipinas pag-usapan nyo ni Jino ang mga kaganapang ito, okay?" sabi ni Liz at nginitian nito ang kaibigan at tumayo papaalis at nagtungo sa conference hall. "Jino, I hope your okay" nag-aalalang sabi nito.

Naunang lumabas si Brix sa kuwarto nila ni Jino at bumili ng dalawang boteng mineral water, di siya nakatingin habang inilalagay niya ito sa kanyang bag kaya naman may bigla siyang nabangga na tao. "Im sorry" tugon ni Brix at nang Makita niya ang lalaking nakabangga ay nakilala niya ito. "Jeremy?" sabi ni Brix. "Brix? Right? You're here?" tanong ni Jeremy. "Yeah, Am just taking a break" tugon naman ni Brix, "That's good to hear" sabi naman ni Jeremy. "It's a good thing na naaalaa mo pa ako" patuloy na sabi ni Jeremy. "Well ikaw yong 3 weeks na instructor naming sa seminar last four months ago, so mahirap ko itong malimutan" sagot ni Brix, habang tinintingnan niya si Jeremy. Matangkad na lalaki si Jeremy, Moreno, tuypical na pang Adonis yong katawan sa napansin nga bngayon ni Birx ay mas lalong pang lumaki ang katawan nito [pati na ang mga muscles nito sa braso. Singkit ang mga mata ni Jeremy, medyo kulot ang buhok at matangos ang ilong paano ba naman kasi espanyol descend ang genes niya. "Uo nga naman" simpleng tugon ni Jeremy. "So may kasama ka ba dito?" tanong ni Jeremy. "Ah well, not exactly" sagot naman ni Brix. "Ako ang kasama niya ngayon" nagulat si Brix at napalingon nang marinig niya at Makita si Jino sa kanyang likuran. "Oh I see" sabi naman ni Jeremy na nagulat din nang Makita niya si Jino. "Ah, Jeremy si Jino, and Jino si Jeremy" pagpapakilala ni Brix sa dalawa. "Kumusta bro" sabi ni Jino at nakipag shake hands ito kay Jeremy. "So kaano-ano mo si Brix?" biglang tanong ni Jino, at nagtaka naman si Jeremy sa tanong nito. "Ah well, I am just..." dumugtong si Brix bigla. "Ah dati ko siyang trainor sa work ko" tiningnan ni Brix si Jino at nakita niya ang medyo balisa at seryoosng mukha ni Jino, mas lalo tuloy itong gumuwapo sa tingin niya. "Well, mauna na ako sa inyo babalikan ko pa yong mga kaibigan ko" parang nahihiyang sabi ni Jeremy, "Bye guys, see you around" at umalis na ito. "Oh ano namang klaseng mga tanong yon kanina?" tanong ni Brix na naiinis kay Jino. "Mga tanong lang naman yon bakit?" sagot naman ni Jino. "Asus tanong lang eh para naman napaka overprotective mo kanina" sabi naman ni Brix. "Eh wala lang akalas ko kasi siyang yong sira ulo mong nobyo" sagot naman ni Jino. "Eh sorry sir, di yon siya at kung sakaling siya man yon, bakit ka ba concern?" sabi naman ni Brix. "Huh? Concern baka mo, no, hindi naman" nahihiyang sagot ni Jino. "Uo, concern ka ba? O baka naman nagseselos ka?" pang-aasar na sabi ni Brix. "Hoy ano ka ba huwag ka ngang ano diyan!" sabi ni Jino na halatang nahihiya. "Weh! So nagsesleos ka nga ano?" nakangiting tugon ni Jino. "Tumigil ka na nga, hali ka na at may pupuntahan pa tayo!" sabi ni Jino, na naasar na at nauna itong lumakad kay Brix. Nakangiti naman si Brix sa naging reaksyon ni Jino, pakiradam niya tuloy ang ganda niya, at parang nobyo na niya si Jino.

"THE LOVE THAT YOU TAUGHT ME"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon