Kabanata 1

28 1 1
                                    


KABANATA 1


Hindi ako makatulog, siguro dahil kinakabahan ako at parang ayaw ko pang dumating ang bukas. Halos magpaikot-ikot na ako sa kama para lang mahanap ang tamang posisyon kung paano ako makatutulog ng maayos at kumportable. 

"Hays! Hindi talaga ako makatulooog! Ano bang gagawinko?" para na akong baliw na kinakausap ang katabi kong manika. Bigla rin akong napabalikwas sa pagkakahiga ng maisip kong baka bigla na lang itong magsalita.

Napatitig ako rito, hinihintay kung sasagot nga sa akin. Bigla akong napasambunot sa sarili ko. "Nababaliw na nga akooo." sabi ko sabay subsob ng mukha sa unan.

Bigla akong lumingon sa manika, muli akong umupo at dahan-dahang kinuha ito. Nakatingin at nakatulala ako sa malaking manika na Hello Kitty habang pilit na inaalala kung saan nga ba nanggaling ito. Binili ko ba ito o iniregalo? At kalian pa ako nahilig sa Hello Kitty?

Hindi ko maintindihan pero parang may kakaiba akong nararamdaman sa manikang ito, tila ba may isang nakatagong kwento.

Maya-maya'y nakaramdam ako ng isang malamig na hangin, paglingon ko ay nakita kong gumagalaw ang kurtina dahil sa hangin. Nagulat ako at napatayo nang biglang makarinig ako ng ingay mula sa labas ng bahay. Napalunok muna ako bago lumakad, napakalas ng kabog ng aking dibdib. Pilit kong nilalabanan ang kaba na aking nararamdaman, maging ang paghinga ko'y halos akin na ring pigilan.

Dahan dahan akong humakbang palapit sa bintana. Bagamat natatakot ay sinubukan kong maging matapang. Pagdungaw ko'y  may isang tila aninong nakatayo sa ilalim ng puno. 

Napasigaw ako nang may biglang humawak sa aking balikat. "Manang ano ka ba? Ginulat mo naman po ako eh!" halos hingal kong sabi habang nakahawak sa puso kong muntik ng atakihin.

"Nakita ko kasing bukas pa ang ilaw ng kwarto mo kaya pinuntahan kita para sabihing matulog ka na." paliwanag niyang may kasamang utos. "Di po ako makatulog eh." parang bata kong sabi habang nakapout pa. "Ganon ba sandali hintayin mo ako, babalik ako rito." tumalikod siya at tuluyan nang lumabas ng aking silid.

Si Manang Elsa ang aming kasambahay at parang nanay ko na rin. Medyo may katandaan na siya, nasa edad limampu na. Simula nang mawala si mommy dahil sa car accident siya na ang nag-aasikaso  ng lahat dito sa bahay. 

Habang hinihintay ko si manang ay umupo muna ako sa aking kama. Nakalapat ang aking mga palad sa kama habang nakastraight naman ang aking mga paa at nakatingala sa kisame na tila nagmumuni-muni. Di ko alam bakit bigla na lamang akong napatulala sa ilaw. 

Maya-maya'y parang unti-unti na akong nasisilaw, tila nagiging isa na itong napakaliwanag na araw. Di ko maintindihan pero para akong dinadala sa ibang dimensyon. 

Nakatingala ako sa isang puno at tila may sinusundan ng tingin. May maliit na tila aninong umaakyat sa itaas ng puno. Halos mapapikit ako sa liwanag ng araw na tumatama sa aking mga mata na tumatagos sa pagitan ng mga dahon, dahilan upang hindi ko makita ng maayos at malinaw ang aking tinatanaw. Itinaas ko ang aking kamay at idinikit sa aking noo upang iharang sa sikat ng araw na nakasisilaw. "Bumaba ka na riyan at baka ika'y mahulog." pag-aalala kong sigaw. 

"Umakyat ka na lang ding kasi." sagot niya mula sa itaas ng puno. Base sa boses nito ay tila isa itong batang lalaki.

"Ayaw ko, natatakot ako at baka mahulog pa ako riyan."  napansin kong inihakbang niya ang kaniyang paa sa isang sanga at bumaba ng bahagya. Kumapit siya sa isa pang sanga na malapit sa aking ulo at yumuko para abutin ako.

"Halika ka na!" sabi ng isang batang maputi at medyo singkit ang mga mata. Matangos ang kaniyang ilong at may mala rosas na mga labi. Nakatingin siya sa akin habang dahan-dahang hinahangin ang kanyang buhok na tumatama sa kaniyang kilay. Sa pagkakataong ito ay naging malinaw na angkaniyang mukha. Marahil dahil inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at sa unti-unting paglaho ng labis na liwanag nang matakpan ng ulap ang araw. 

Verleden of HedenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon