Kabanata 2

18 1 0
                                    

Kabanata 2:


"Bye manang!" paalam ko kay manang Elsa na nakatayo ngayon sa gate dahil siya ang magsasarado nito kapag nakalabas na ang aming sasakyan.

Si dad ang maghahatid sa akin ngayon sa school dahil same naman ang oras ng pasok namin at same lang din naman ang aming daan.

"Is there something bothering you Riza?" tanong ni dad. Tumingin siya sa kamay kong kanina ko pa pinipisil at saka tumingin sa aking mata at muling tumingin sa daan.

"Ah..wa-wala po dad." sabi ko sabay ngiti. Niyakap ko na lang ang aking bag at lumingon sa bintana para libangin ang aking sarili. Mukhang napansin niyang may gumugulo sa aking isipan  dahil tila hindi ako mapakali.

Madalas ko kasing pisilin ang aking mga kamay kapag kinakabahan o natatakot ako.

Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako. Di ko kasi maiwasang maisip ang mga pwedeng mangyari. Kung magiging maayos ba ang araw na ito o magulo? Magiging masaya kaya o malungkot? Kakausapin kaya nila ako o hindi? Magkakaroon kaya ako ng kaibigan o wala?

"Bye dad!" paalam ko. Humalik muna ako sa kanyang pisngi bago tuluyang bumaba ng kotse. "Enjoy your first day my princess." nakangiting sabi ni dad bago ko isara ang pinto ng sasakyan. Ngumiti lang ako sa kanya at tumalikod na.

Sa totoo lang kaya ako kinakabahan dahil siguradong wala akong kakilala o former classmates na pwede kong maging friends dahil nakagraduate na ang mga kabatch ko, kaya posible talagang ma-out of place ako sa kanila.

Huminto kasi ako ng isang taon sa pag-aaral dahil sa isang aksidente, kaya ito, naiwan ako.

Marami akong kasabay na estudyanteng naglalakad ngayon. Sa kanan ko ay may grupo ng mga lalaking nag-uusap at sa bandang unahan naman ay may grupo ng mga babaeng nagtatawan. Mas lalo akong nahiya at nakaramdam ng lungkot, pakiramdam ko mag-isa at bagong salta lang ako sa eskwelahang ito.

Napalingon ako sa kaliwa, kung saan may babaeng naglalakad sa aking gilid. Mag-isa lang din siya habang busy sa pagkagat ng burger na hawak niya. Napalingon siya sa akin at itinaas ang burger niya na para bang inaalok ako.

Parang bigla naman akong nahiya. Nakangiti siya at nakatingin sa akin na parang sinasabing gusto mo? Ngumiti lang din ako at umiling sabay yuko. Nakakahiya baka isipin niyang nagugutom at naiingit ako sa kinakain niya.

Pero muli akong napatingin sa kaniya nang makita kong binitawan niya lang sa daan ang plastic ng burger. Tumingin ako sa plastic at saka sa kaniya. Napatingin rin siya sa plastic at sa akin.

Mukang nahalata naman niya ang tumatakbo ngayon sa isip ko at kung ano ang nais kong ipahiwatig sa kaniya, kaya pinulot niya 'yon sabay ngiti sa akin. Parang nahiya siya sa ginawa niyang pagkakalat. At mukhang dahil sa labis na hiya sa akin ay binilisan niya ang kanyang paglalakad upang hindi niya na ako makasabay.

Napangiti naman ako nang makita kong itinapon niya ang basura sa tamang tapunan nang mapatapat siya sa basurahan.

Samantalang ako naman ay naglalakad na parang nasa buwan. Nililiitan ko lang ang aking mga hakbang. Parang ayaw ko pang pumasok, parang hindi pa ako handang harapin ang panibago kong mundo. Pilit kong pinapakalma ang sarili sa kaba at pinalalakas ang loob laban sa takot.

Nang marating ko na ang aking room ay mas lalong lumakas ang kaba sa aking dibdib. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. Pagpasok ko ay may ilang lumingon at tumingin sa akin, habang ang iba naman ay walang pakialam at patuloy lang sa pakikipag kwentuhan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at inilibot ang aking mata para humanap ng mauupuan. Napangiti ako nang makita ko ang babae na nakasabay ko kanina. Nakayuko siya at nakaupo sa bandang likuran. Mukhang hindi niya ako napansin dahil busy siya ngayon sa pagta-type sa kanyang cellphone. Napatingala lang siya nang makita niyang may dumaan sa harap niya. Nagulat pero napangiti rin siya nang tumabi ako sa kaniya.

Verleden of HedenWhere stories live. Discover now