Kabanata 3

7 1 0
                                    


[Ally's POV]

Nagising ako sa biglang pagtunog at pagvibrate ng cellphone ko. Kinapa-kapa ko ang ibabaw ng small cabinet na nasa gilid ng aking kama upang hagilapin at kunin ito. Bagamat sobrang inaantok pa ako ay pinilit kong imulat ang aking mga mata upang tignan kung sino ang tumawag at nagtext sa akin. Papikit-pikit kong binasa ang pangalan ng tumawag. Missed call from Angelica Sinaniban.

Ano kayang problema ng babaeng 'to at napakaagang tumawag. Pagtingin ko sa oras ay 4:00 a.m. palang. Argh! 5:00 a.m. ko pa sana balak gumising. Kainis naman! Bagamat nasisilaw ako sa liwanag na nagmumula sa screen ng cellphone ay binuksan ko ang message niya at binasa. Hoy! Gising na Mr. Ally maAllyndog.

Ayan na naman siya sa tawag niyang maalindog. Ugh! Naiinis akong tawaging maalindog dahil parang napakapogi ko para sabihan ng ganyan eh hindi naman talaga ako ganoon kagwapo. Medyo lang. Hehe!

At bukod don may isa pa talaga siyang dahilan kung bakit tinatawag niya akong maALLYndog at 'yon talaga ang mas nakakabadtrip.

Nawala ang antok ko dahil sa inis. At kahit naiirita ako ay nagreply ako ng isang matipid na...Haist!

Hahaha! Nice nice nice gising na siya. Mula rito ay nakikita ko ang malaki niyang ngiti at naririnig ko ang mapang-asar niyang boses na parang kinulob sa kabinet.

Istorbo! Inis kong sagot.

Hahaha! Hoy! Dapat nga magpasalamat ka dahil ginising kita eh! Di mo na kailangan ng alarm clock diba, diba, diba? Kung alam mo lang kung gaano ko pa gustong matulog ANGGEEEE!

Iyon na nga 'yong nakakainis eh, mas nauna ka pa sa alarm ko. NAPAKAINGAY MO ANGGE!

HOY WAG MO KONG SIGAWAN MAY MGA NATUTULOG PA. Wow ha! Coming from you? Concern ka pa sa mga natutulog sa lagay na yan ha!

Tsk! Alam mo naman pala eh bakit nang-istorbo ka?

Hindi kita iniistorbo noh! Ginigising lang kita.

Ganon na rin 'yon, pareho lang 'yon.

Magpasalamat ka na lang! Baka nga kung hindi kita tinawagan tulo laway ka pa ngayon.

Kapal mo. Baka ikaw yon. Tch!

Pano mo nalaman? Pinagmamasdan mo ako kapag natutulog noh? Sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sa akin eh.

Mangarap ka!

Tsk! Nahiya ka pa, umamin ka na kasi na crush mo ako. Hahaha!

Yuck! Angge kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo.

Hahaha! Pumasok ka ng maaga mamaya maALLYndog.

Ayaw ko.

Bahala ka diyan hindi ako magre-reserve ng upuan para sayo. Aba tinakot pa ako. Edi wag! Para namang mauubusan ako ng upuan.

Ok lang.

Ah ganon. Bahala ka sa buhay mo Mr. maALLYndog. Tsk! Ayan na naman. Grr!

Hindi na ako makabalik sa pagtulog dahil nawala na ang antok ko, kaya bumangon na lang ako. Pagpunta ko sa kusina ay naabutan ko si kuya na iniinit ang spaghetti sa oven. Mas gusto kasi ni kuya na siya ang nag-aasikaso sa mga pangangailangan naming dalawa, ewan ko ba, kung tutuusin kaya naman naming kumuha ng maid pero ayaw niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Verleden of HedenWhere stories live. Discover now