KABANATA 1

29 7 4
                                    

Dedicated to BlindRedeemer
Enjoy reading!♥️

°°°

Folk's POV

Nagising ako nang makaamoy ako ng hindi maipaliwanag na amoy na nagmumula pala sa paa ng kaibigan ko.

"Tangina bro! Ang baho ng paa mo! Pwe!" Sabi ko sabay tabing sa paa nito na nakapatong pala sa mukha ko.

"Anong nangyari bro?! May nangyari ba? Emergency?!" Natatarantang tanong nito matapos mapabalikwas ng bangon.

Magulo ang kulot nitong buhok  at saka medyo gusot ang  puti nitong sando na suot.Nakataas ang kaliwang kilay nito na may ahit.

"Tangik!" Binatukan ko siya.

"Aray naman bro!" Sabi nito at hinimas ang ulo.

Inilibot niya ang paningin sa madilim na silid.Madilim pa sa labas.

Kinapa ko ang mumurahing cellphone para tingnan kung anong oras na ba at nahanap ko ito sa ilalim ng aking unan.Binuksan ko iyon.Umilaw ito at lumantad ang babaeng napanaginipan ko kanina.Siya ang ginawa kong lock screen wallpaper.Nakangiti ito at ang kanang mata ay nakakindat sa akin.
Nakuha ko lamang ang picture niya sa Facebook dahil iyon ang kasalukuyan nitong profile picture.Naisipan kong i-saved at ginawa kong lock screen at home screen wallpaper ng cellphone ko.

"Bro?" Napatingin siya kay Jomar nang marinig ang inaantok nitong boses.

"Ano?" Tanong ko sa kaniya.

"Anong oras na?"

"Oras na para bumili ka ng relo."
Pamimilosopo ko.

Mahina niya akong tinadyakan.
Magkaiba kasi ang posisyon namin kapag natutulog. 'Yong ulo ko,kaharap ng  mga paa niya. 'Yong ulo niya naman ay kaharap ang mga paa ko.

"Alas-tres pa naman.Tulog ka na muna bro." Sabi ko.

Ungol lang ang isinagot nito.

Bumaba ako sa hinihigaan naming kama hawak ang cellphone ko na nagsisilbing ilaw.

Naglakad ako patungo sa maliit naming banyo para umihi.
Pagkatapos umihi ay naglakad ako sa hindi kalakihang kusina.Binuksan ko ang ilaw doon pagkatapos ay inilapag ang cellphone sa ibabaw ng mesa kapagkuwan ay naupo.

"Walang hiya! Panaginip lang pala 'yon.Tangina akala ko totoo na." Mahina kong mura sabay tampal sa noo ko nang maalala ang makatotohanan kong panaginip.

Pinindot ko ang app na Facebook at napagpasyahan na mag-online muna dahil maaga pa naman.Hindi na ako babalik sa pagtulog dahil mahihirapan na ako.

Matapos makapaglog in ay bumungad sa kaniya ang latest post ni Roselle. 'Can't sleep🙁' ang nakalagay na caption nito na limang segundo lamang ang nakakaraan.
Umani kaagad ito ng walong libong reacts,limang libo na comments,at saka tatlong libong shares.Ganyan siya kasikat.

"Ang layo na talaga ng narating mo,naaalala mo pa kaya ako?"

Hindi ko namalayan na may sariling utak ang kamay ko at nagcomment ito doon ng 'Same🙂'. Makalipas ang ilang minuto ay nagpopped out ang notification ko sa screen at ang sabi ay 'Roselle Salva reacted to your comment on her post'.

Nanlaki ang mga mata ko at kaagad pinindot iyon at nakitang nagreact nga ito doon ng 'care react'. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.Sobrang hindi inaasahan ang nangyari!

Roselle noticed me!

Para akong baliw dahil sa nagtatalon ako sa tuwa at gusto kong humiyaw ang kaso baka magising ang kaibigan ko at ang matabang landlady ng inuupahan naming bahay na si Aling Lagring.

"Napansin niya talaga ako?! Tangina ka Folk Yu!" Mura niya sa sarili sa mahinang boses.

Lumipas ang ilang oras ay napagpasyahan kong magkape muna habang chinacharge ang cellphone kong lowbatt na.Nag-init muna ako ng mainit na tubig sa takuri kapagkuwan ay inilagay iyon sa stove.Hinintay kong uminit iyon at saka nagtimpla ng kape para sa aming dalawa ng kaibigan ko dahil kakalabas lamang nito sa kwarto.

"Morning,bro." Bati nito sa'kin kapagkuwan ay humikab.

"Good morning din bro." Nakangiti kong bati sa kaniya sabay bigay sa kape na tinimpla ko.

"Ang saya natin ngayon ah.Anyari bro? Magkuwento ka naman." Natatawang sabi nito sa'kin.

"Napansin lang naman ako ng hinahangaan ko." Casual kong sagot.

"Ay weh? Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jomar.

"Oo nga,bro." Sagot ko naman.

"Sino ba 'yang hinahangaan mo na nakapansin sayo? At saka saan ka ba napansin?"

"Si Roselle Salva lang naman.Sa Facebook niya ako napansin." Mayabang na sagot ko sa kaibigan ko.

"S-si R-Roselle Salva?! Amporkchop! Paano nangyari 'yon bro!" Manghang tanong ni Jomar.

"Secret para bibo." Sagot ko pagkatapos ay nilagok ang natitirang kape sa baso ko.

°°°

•||Enjoy reading,tamaders! Comments and votes are highly appreciated.Love lots!♥️||•

Folk Yu ( F Boys Series #2 )Where stories live. Discover now