KABANATA 3

16 4 1
                                    

Dedicated to youngkore
Enjoy reading!♥️

°°°

Folk's POV

Kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa IU ni Jomar nang makasabay namin ang babaeng may kulay berdeng scarf sa kaniyang buhok.Nakasuot din ito ng uniporme ng isang guro sa secondarya.Gusto ko sanang tingnan ang kabuohan ng mukha nito ang kaso mabilis na itong naglakad.

Naghiwalay na din kami ng landas ni Jomar dahil magkaiba ang room at building na pinapasukan namin.
8:30@m pa ang start ng class namin at nasa 8:04 @m pa naman kaya may kaunting oras pa ako para maglakad lakad muna papunta sa direksyon ng building namin.May kalayuan din kasi ito.

"A pleasant morning to everyone! My name is Sosilia Ebarle and I will be your new class adviser starting today!"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon.Nilingon ko ang silid-aralan ng ika-siyam na baitang pangkat Cactus na nasa kanan ko at ayon siya,ang babaeng customer kagabi.Nakatayo ito sa harapan ng mga estudyante at katabi nito si Mrs.Ejada,ang punong-guro.

Sosilia pala pangalan niya

"Mr.Yu?! Bakit nasa labas ka pa?"

Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang boses ni Professor Tigol,ang prof namin sa Calculus.

"Good morning,prof." Bati ko sa kaniya.

Kumunot ang noo nito.

"Pumasok kana." Utos nito sa'kin.

"Papasok na nga po ako eh." Nagkakamot ng batok na sabi ko at tatalikuran na sana siya nang pigilan niya ako.

''Teka lang,pakipasa naman nitong log book ko sa admin office.May pupuntahan pa kasi ako." Ani Professor Tigol.

"Ah okay po,Prof." Sabi ko na lang at tinanggap ang log book nito.

"Don't cha worry,may additional points ka mamaya!" Masayang sabi pa nito.

Wala na akong nagawa kundi sundin ang utos ng kalbo naming professor sa Calculus.Nakakahiya din kasing tumanggi dito baka sumabog ito dahil sa galit.Mababa pa naman pasensya ni Prof.

Pagkatapos maihatid sa admin office ang log book ni Prof.Tigol ay pumasok na ako sa room namin.Mabuti na lang at wala pang prof.As usual maingay na naman na para bang nasa palengke ang mga kaklase ko.May kaniya-kaniya pa silang kumpulan.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at saka ang kulay itim kong earphone para makinig ng musika.

Habang nakapamulsang naglalakad,ramdam ko ang mga matang nakatingin sa'kin at ang pagtahimik ng kapaligiran.
Well,ganyan naman sila dati pa.Napapahinto sila sa kanilang ginagawa at natatahimik sa tuwing dumadating na ako.

"Hi,Folk!" Boses iyon ni Nhova sa likuran ko.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa upuan ko na nasa likurang bahagi.

"Ang snob at cold mo talaga,Folk." Rinig kong sabi pa nito.

Huminto ako sa paglalakad at nakataas ang kaliwang kilay na nilingon ko siya.Tinanggal ko din ang isang earphone na nakalagay sa tenga ko.

"Sabi ko ang gwapo mo talaga,Folk." Namumula ang pisngi na sabi ni Nhova.Hindi din ito makatingin sa'kin.

"Tsk."

Umupo na ako sa upuan ko.Ilang minuto din ang lumipas ay saka pa lang dumating ang professor namin at nagsimula na itong magturo.

°°°

•||Enjoy reading,tamaders! Comments and votes are highly appreciated.Love lots♥️||•

Folk Yu ( F Boys Series #2 )Where stories live. Discover now