KABANATA 7

9 4 0
                                    


Dedicated to mysterious_lele
Enjoy reading!♥️

°°°

Folk's POV

"Tangina bro! Ba't hindi mo sinabi na si Roselle ang boss natin?!" Inis kong tanong kay Jomar nang makapasok kami sa inuupahan naming bahay.

"Sasabihin ko naman sana sa'yo bro ang kaso nakalimutan ko eh.Sorry na." Nagkakamot ng ulo na sagot ng kaibigan niya.

"Tangina ka talaga!" Mura niya dito kapagkuwan ay umupo sa pinakamalapit na upuan.

"Folk Yu ka rin!" Pabalik na mura ni Jomar sa kaniya.

Napahawak siya sa kaniyang sentido.

"Inis na inis ka dyan eh alam ko namang masayang-masaya ka sa kalooban mo." Biro sa kaniya ni Jomar.

Napaangat ang tingin niya dito.

Masaya ba talaga ako? Syempre masayang masaya!

"Ewan ko sa'yo." Sabi ko na lang.
Tumayo ako at naglakad papasok sa kuwarto para makapagpalit ng damit.

Sando na puti at saka sweat shorts lang ang napili niyang suotin.

"Bro! Halika dito,labas ka muna saglit dyan.May ipapakita ako sa'yo.Dalii!" Rinig niyang sigaw ni Jomar mula sa labas.

Kaagad naman siyang lumabas sa kuwarto nila.

"Bakit? Ano ba 'yon?" Busangot ang mukhang tanong ko sa kaniya.

"Nakita mo na ba ang latest post ng crush mo?" Tanong nito sa'kin at ibinalik ang paningin sa screen ng cellphone nitong Samsung.

Crush? Si Roselle!

"Ano ba kasi 'yon?" Tanong ko.

"Tingnan mo." Sabi niya at ipinakita sa'kin ang nasa screen ng cellphone nito.

Isa nga iyong latest post ni Roselle.
'Nî hao ma' ang caption nito kasama ang litrato nito.Napakaganda nitong tingnan sa suot na kulay pulang spaghetti dress.

"How are you daw?" Sabi ni Jomar sa'kin.

Tinaasan ko siya ng tingin.

"Anong how are you ka dyan?" Inis kong tanong sa kaniya.

Hanggang ngayon naiinis pa din ako sa tukmol na 'to.Sarap sapakin.

"How are you? Kumusta ka? Ganern bro." Natatawang sabi nito.

"Tangina mo talaga! Alam ko ibig sabihin ng nî hao ma na 'yan.Pinag-aralan natin 'yan noon." Sabi ko at binatukan siya.

"Sabi ko nga."

Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko.Ini-on ko iyon at pinindot ang app na Facebook.Nang ma-open ay kaagad kong isinearch ang pangalan ni Roselle at tiningnan ang pinakabago nitong post.
Tama nga si Jomar halos 52 seconds pa lang ang nakakaraan nang maipost iyon.

Katulad ng dati,umani kaagad iyon ng napakaraming reaksyon,komento at marami ding nag-share ng post na 'yon.

Lihim ko na lamang na pinusuan ang post ni Roselle.

"Wo hen hao." I'm fine. Mahina kong saad.

°°°

•||Enjoy reading,tamaders! Comments and votes are highly appreciated.
Love lots♥️||•

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Folk Yu ( F Boys Series #2 )Where stories live. Discover now