Kabanata 1

1 1 0
                                    

Ipinag-uutos ng  academya ang isang importanteng misyon sa tatlong estudyante, ang hanapin ang babaeng manggagamot sa gitna ng nakakatakot na gubat.

Ang gubat ng "Siarem" ang gubat na puno ng mababangis na hayop at may-hakahaka na ang mga pumapasok dito ay hindi na nakakalabas.

Kaya ganun nalang ang takot na nararamdaman ng tatlong kabataang binigyan ng misyong iyon, hindi nila alam kung ano ang makakasalamuha nila habang hinahanap nila ang sinasabi ng kanilang professor.

Pero sila ay nagtataka kung anong klaseng tulong ang kanilang makukuha sa isang babaeng manggagamot.

Ngunit kailangan paren nila itong makumbinseng tulongan sila kung sakaling may magaganap na digmaan.

Dahil ang kanilang academya ay may nababalitaang, muli na namang bumabangon ang "Dark Pyramid"

Ang dark pyramid ay mga taong nakikiugnay kang satanas, ng dahil sa tatlong paraan upang maging alipin ni satan kaya ito'y tinawag na dark pyramid.

Una ay kailangan mong kausapin si Satan sa pamamagitan ng isang orasyong matagal ng ipinagbabawal sa kanilang lugar.

Pangalawa ay kailangang pumatay upang mai-alay ang kaluluwa nito kay Satan.

Ang pangatlo ay ang iyong buhay.

Kailangan mong ipangako na kong ikay kakalas ay ang kapalit nito ay ang  iyong  buhay.

Ang napapasok lamang sa Dark Pyramid ay yung may mahihinang kalooban, at naghahangad ng sobrang kapangyarihan ayaw makuntinto kung ano ang meron sila.

Matagumpayan kaya ng tatlong estudyante ang kanilang misyon.

Mahanap kaya nila ang babaeng manggagamot.

Kung maski ito ay nakaranas ng kasakiman, kung ang puso nito ay natatabunan ng takot dulot ng nakaraan.

Gusto niyo bang malaman ang kahahantungan ng tatlong estudyante, gusto niyo bang malaman ang narasan ng babaeng kanilang hinahanap.

Gusto niyo bang masali sa buhay ng babaeng kaka-iba sa lahat.

Kung gusto mo malaman ang lahat ay
         Ating pasukin ang buhay ni
             
                "Cruezellia Criam"

Ang babaeng may mahihiwagang mga                       
                        palad!!








///// Olahhh hiiii po!! ngayon lang po ako nakasulat ng story, so sorry po kung hindi maganda gusto ko lang talagang ma try mag sulat kaya pasensya na!!!!!

   

Ang Babaeng May Mahihiwagang Mga KamayWhere stories live. Discover now