Kabanata 6

0 0 0
                                    

Sa wakas ay nakapagpahinga narin ang tatlo sa kanilang pag-lalakbay, naging maganda ang gising nila lalo na't sinalubong sila ng mga huni ng ibon, kahit marami na silang naririnig na ingay sa labas ay mararamdaman mo parin ang kapayapaan na dulot ng napakagandang lugar...

Nakaramdam ang tatlo ng excitement sa mga pwedeng mangyayari sa unang araw nila sa lugar, nagkasabay pa silang magbukas ng pinto na may mga ngiti sa mukha..

"Good morning Mazie!!! Good morning Kiefer!!"

Masayang bati ni Obi na sinuklian naman  kaagad ng dalawa..

"Good morning rin Obi!! ganon din sayo Kiefer!!"

"Good morning Mazie!! Good morning Obi!!"

Nabaling ang kanilang atensyon sa bagong dating...

"Kumusta ang tulog niyo mga bata? Maayos ba?"

"Oo naman po Lola ang lambot ng kama!!"

"Kita ko nga apo!! Sa itsura mo palang alam ko ng maganda ang inyong naging tulog!!"

Natatawang ani ng matanda kay Obi..

"Maraming salamat po pala sa pagpatuloy niyo sa amin!!"

"Wala iyon Kiefer ijo!! O sya sumunod   na kayo sa akin at handa na ang agahan!!"

"Yes kakain na excited na ko!!"

"Puro nalang pagkain ang laman niyang utak mo!!"

Sabay batok ni Mazie kay Obi...

"Aray naman ang sakit kaya!!"

"Alam ko!! ako kaya ang nag batok".

Mataray na sabi ni Mazie..

"Hahahaha.... Kayo talagang dalawa ay nakatuwa!! Kayo ba ay mag kasintahan?"

"Nakakadiri naman yan Lola hindi ako papatol sa payat!!"

Nasusukang ani ni Mazie sa matanda na ikinatawa lamang nito..

"Sinong payat na tinutokuy mo ha? hindi kaya ako payat !!"

Natatawa nalang ang matanda sa kanila.

"Pfffffftttttt"

"Edi ikaw sino pa ba!! tignan mo nga si Kiefer oh nagpipigil ng tawa dahil totoo!!"

Nagpatay malisya naman kaagad ang lalaki...

"Wag mong subukang tawanan ako Kiefer tatamaan ka sakin!!"

"Talaga bah!! Sige nga subukan mo!!"

Pakikisali ni Kiefer sa pag-aasaran ng dalawa...

"Tama na iyan mga bata.."

Nabaling ang kanilang atensyon sa matanda na natutuwa silang pinagmamasdang nag-aasaran..

"Baka hihintay na tayo ng aking apo sa hapagkainan.."

"Mabuti pa nga Lola"

Sang-ayon ni Kiefer sa matanda...

****

Pagdating nila sa hapagkainan ay nakahanda ang samot saring pagkain...

"Magsiupo na kayo.."

Utos ng babaeng manggagamot sa kanila..

"Kamusta naman ang inyong tulog?"

"Okay naman po.."

Magalang na sagot ni Mazie dito..

"Huwag na ninyo akong eh po-po parang napakatanda ko naman sa tawag na iyan"

"Ahh sige"

Nahihiyang tugon ni Mazie dito..

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: May 06, 2021 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Ang Babaeng May Mahihiwagang Mga KamayWo Geschichten leben. Entdecke jetzt