Kabanata 5

0 0 0
                                    

Tatlong minuto na silang hindi gumagalaw at tinitignan lamang ang babaeng nakatayo sa harap nila, nahinto lamang ito ng may dumating...

"Ina nandyan kana pala, bakit ginabi po kayo?"

Napatingin ang tatlo sa kanya, nabigla ito ng makitang hindi nag iisa ang manggagamot..

"Pasensya na po hindi ko alam na may kasama pala kayo!!!"

Pag-papaumanhin nito...

"Okay lang"

"Ayos lang"

"Ayos lang"

Kanya kanyang sagot ng tatlo..

"Fara!! sabihan mong mag handa sila ng pagkain at mga gamot sa kanilang sugat!!"

"Opo ina!!"

Tatalikod na sana ito ng may maalala..

"Naalala ko po pala ina, hinihintay kang dumating ni Lola Baliara sa loob..

"Bakit hindi pa siya nag pahinga sa kaniyang silid?"

"Hinihintay niya po ang gamot ni Dara.."

"Sige pupuntahan ko na siya.."

Pagkatapos sabihin yun ng babaeng bagong dating ay umalis rin ito kaagad..

"Halina kayo ng magamot yang sugat niyo at makapagpahinga.."

"Wala ba kayong pagkain?"

Walang hiyang tanong ni Obi na ikinatawa ng manggagamot, binatukan naman siya ng dalawa...

"Pagkatapos niyong magamot ay ituturo nila ang daan ng hapagkainan.."

"Gutom na po kasi kami.."

Biglang tumunog ang tiyan nilang tatlo, napakamot nalang sila ng kanilang batok ...

Nag simula silang maglakad papasok ng palasyo, bawat madadaanan nila ay gusto nilang huminto at pagmasdan....

May nadadaanan silang ipintang makukulay pero hindi nila maintindihan, may mga litratung iginuhit at napakaganda..

May iba-ibang desinyo ang makikitang nakasabit, may mga ipinintang mahirap intindihin dahil malalalim ang ibig sabihin...

"Magandang gabi Ina!!"

Tango lamang ang isinagot nito, hindi  maintindihan ng tatlo kung bakit ina ang tawag sa manggagamot marami ba itong anak....

Pero napakabata pa nito paano ito nagka-anak...

"Zellia saan ka nanggaling?"

Tanong ng matandang nakasalubong nila..

"Kaninang umaga kapa umalis bakit ginabi ka? at"

May sasabihin pa sana ito ng makita sila sa likod, biglang nanlaki ang mga mata nito..

"O diyos ko!!anong ginawa mo sa kanila?"

Napatingin dito ang matanda at biniyan ng matalim na tingin, napakamaot naman ang manggagamot sa kaniyang mga palad....

Napansin nilang naka suot pala ito ng kulay asul na gloves sa dalawang kamay...

"Tignan mo ang ginawa mo dito!!, Tignan mo ang itsura nila...

Nabigla sila ng yumuko ang manggagamot ang akala nila ay wala itong kinatatakutan, pero matanda lang pala ang makakapagpatiklop dito...

"O sya mga bata sumunod kayo sa akin at gagamotin natin iyan ng makakain na kayo..

Mag sisimula na sana silang mag lakad, ng may dumating na babaeng humahangos..

Ang Babaeng May Mahihiwagang Mga KamayWhere stories live. Discover now