Kabanata 2

1 1 0
                                    


Nagsimulang mag lakbay ng madaling araw ang tatlong estudyante at hindi pa sila nakakasalamuha ng kakaibang hayop, ng sumapit ang gabi ay napagdesisyonan nilang huminto upang magpahinga at ipagpapatuloy na lamang kinaumagahan.

Sinabihan sila ng kanilang professor na aabutin ng dalawang araw papunta sa gitna ng gubat, Kung saan sinasabing makikita ang tirahan ng kanilang hinahanap.

Pero hindi paman sila nag tatagal sa kanilang pagpahinga, ng nagsisimulana na namang magreklamo Si Obi Valmer ang lalaking palaging nakangiti kung iyong titigan.

Pero lagi itong kinaiinisan ni Mazei Thani ang babaeng sweet at may maamong mukha.

Kaya lagi silang nasasaway ni Kiefer Stamp ang lalaking tahimik ngunit maaalahanin.

Nang dahil sa bibig ng dalawa kaya sila napapagalitan.

"Ang daming insektong nangangagat, ang kati ng mga braso ko"

"Alam mo Obi daig mo pa babae kakareklamo"

"Paki-alam mo ba!! Buhay ko to wala kang paki-alam!!"

"Nakakarindi kasi yang boses mo!! Ang sakit sa tenga!! Alam mo ba yun?"

"Hindi ko alam Mazie, kung naririndihan ka sa boses ko takpan mo yang tenga mo"

"Itikom mo yang bibig mo ka-"

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Mazie ng sumabat na Si Kiefer..

"Pwede bang manahimik kayo kahit sandali, nakakarindi ang boses niyong dalawa"

Nahinto ang dalawa sa pag babangayan dahil sa pagsita ni Kiefer.

Maya-maya naging seryoso ang kanilang naging usapan.

"Matagumpayan kaya natin ito Kiefer?"

"Hindi ko rin alam Mazie"

"Paano kung hindi"

"Hindi tayo babalik"

Napatingin ang dalawa kay Obi, makita sa mukha niya ang determenasyon, nakikita nanaman ng dalawa ang ganitong ugali ni Obi.

Minsan pag nasa misyon sila ay may ugali talagang ganito si Obi, nagiging seryoso nawawala ang mapagbirong Obi na lagi nilang kasama.

"Anong hindi tayo uuwi?"

"Mazie narinig mo ba ang sinabi ni professor Cloffe, malaki ang maitutulong niya sa academya"

"Tama siya Mazie hindi tayo pwedeng sumuko nalang basta-basta"

" Ehh anong naman ang kaya ng isang matandang manggagamot?"

"Malay ko tita ko ba siya, baka ang buhok niyang puro puti ay pupunta sa ilong mong malaki hahahahahahaha"

"Hindi malaki ang ilong ko gago, puro talaga kalokohan laman yang utak mo"

Pinaghahampas siya ni Mazie habang tawa ng tawa sina Obi at Kiefer.

"Wag mo kong tawanan Kiefer, wag kang gumaya dito sa bugok nato"

Sabay turo kay Obi

"Hahahahahahahahaha"

"Sige tawa pa, sasaksakin talaga kita"

Sabay pakita ng patalim nilang dala

"Tama na Obi baka patayin ka nyan"

Bulong ni Kiefer kay Obi na narinig naman ni Mazie

"Narinig ko yun, papatay talaga ako"

"Hihinto na teka hihinga muna ako"

Ang Babaeng May Mahihiwagang Mga KamayWhere stories live. Discover now