Panimula

1.1K 112 124
                                    

Panimula :

"Kailan pa siya nawawala?" Tanong ko kay Aki.

"Isang linggo na Lord Luna." Aniya habang nakatayo sa harap ko.

Mariin akong napapikit dahil sa nalaman kong nawawala si Javex. "Si Aya, kamusta?" Tanong ko pa.

"Patuloy po siya sa paghahanap kay Javex. Nakikipag-usap pa siya sa mga pulis. Makakasama sa anak--"

"Anak?" Gulat na tanong ko sa sinabi ni Aki.

Tumango siya sa sa'kin. "Napag-alaman naming isang buwan na siyang buntis." Ani Aki na bahagyang ikinaawang ng bibig ko. I didn't expect that.

"Ako mismo ang pupunta kay Aya." Wika ko. Lumapit ako sa cabinet ko at kumuha ng itim na coat. Makulimlim sa labas at tag-lamig na rin ngayon. Maya-maya ay baka umulan na rin.

"Babalik akong kasama na si Aya." Sabi ko.

"Pero--"

"I need to protect her and their child." Tugon ko. Hindi ko na hinintay pang magsalita siya. Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa garahe ng bahay ko. Pumasok ako sa kotse at nagmaneho na.

Ilang oras lang ay nakarating na ako sa bahay ni Javex at Aya. Nagpark ako sa hindi kalayuan sa bahay nila. Napansin ko rin ang mga half breeds na inutusan kong bantayan si Aya. Lumabas ako ng kotse at papalapit pa lang ako sa bahay ng maramdaman ko ang isang pamilyar na presensya.

Nasa loob ito ng bahay ni Aya. Nakabalik na pala siya? Ngunit parang may kakaiba sa presensya ni Javex. Tinago ko ang presensya ko gamit ang kapangyarihan ko at nagpatuloy sa paglalakad palapit sa bahay.

Palihim akong pumasok at nakita ko sa sala si Aya na umiiyak habang nakayakap kay Javex. Paulit-ulit ito sa tanong na saan ba nagpunta ito at bakit siya biglang umalis.

Si Javex ay malungkot na nakayakap kay Aya. Nang mas nakalapit ako sa kaniya ay doon ko nakumpirma ang kakaibang presensyang nararamdaman ko sa kaniya. He is not the normal Javex that Aya knew.

"Hindi na ako magtatagal. Hindi na ako babalik, Aya. Alagaan mo ang sarili mo." Ani Javex ng humilay sila sa yakap ng isa't-isa.

Bahagyang napakunot ang noo ko. Hindi niya alam na may anak siya kay Aya?

"No, Javex. Saan ka na naman ba pupunta? Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit mo kami iiwan ng--"

"Goodafternoon." Singit ko sa kanila. Hindi maaaring malaman ni Javex na may anak siya kay Aya lalo na sa sitwasyon nila.

Nakita ko ang gulat kay Javex na naging alarma sa presensya ko.

"Sino ka?! Paano ka nakapasok?" Tanong ni Aya.

Humarang sa harap niya si Javex. Mapait akong napangiti. Noon ay sa akin ang atensyon mo. Ngayon naman ay naging masaya ka kay Aya at nagkaanak pa kayo. Sino ang may gawa sa'yo nito Javex?

"Alam kong kilala mo na ako Mr. Braven." Wika ko kay Javex. Seryoso lang itong nakatitig sa akin habang si Aya ay takot na nakatitig sa akin.

Kung ang half breed na Aya ang nasa harap ko ngayon ay baka yumakap na siya sa akin at hindi natatakot. Ngayon ko na lamang sila muling nakaharap.

Ginamitan ko si Aya ng kapangyarihan ko para pakilusin ang utak niya para antukin ito at makatulog. Agad na sinalo ni Javex ang asawa at binuhat ito.

"Anong ginawa mo?!" Galit na tanong niya. Malungkot akong ngumiti. Bakit ka nagagalit sa akin ngayon, Javex?

"Natutulog lang siya. Sino ang gumawa niyan sa'yo?" Tanong ko.

"You're Dright Luna, aren't you?" Tanong nito.

"Paano ka naging bampira Javex?" Tanong ko. Masyadong mahigpit ang pagbabantay ng mga Haellios ko sa kanila ngunit nagawa pa rin nilang gawing bampira si Javex. Bakit? Bakit si Javex at Aya pa ang pinuntirya nila? Bakit kailangang madamay na naman sila?

Naging itim at pula ang mata ni Javex. Matalim ang titig nito sa akin. Kahit naging bampira siya ay hindi na talaga babalik ang ala-ala nito noon kasama ako at mga kaibigan namin.

"Sorry, but I have to do this." I said. Pinatigil ko ang lahat ng parte ng katawan niya para hindi siya makakilos. Kinuha ko si Aya at binuhat.

"I'll help you both. Aalagaan ko muna si Aya para sa'yo." Wika ko.

Hinawakan ko ang kanang pisngi niya at ngumiti. "Mag-iingat ka."

Tumalikod na ako at iniwan siya. Naglakad ako palapit sa kotse ko. Pinasok ko sa backseat si Aya at inihiga roon. Sumakay na ako sa driver's seat at nagmaneho na.

I will save them. Ililigtas ko silang tatlo.

Suicide Notes (SU BOOK 3)Where stories live. Discover now