Chapter 1

891 104 124
                                    

Chapter 1 :

Months have passed but we don't have any news to demons. Tila nagtago ang mga ito at babalik na lang upang maghasik ng lagim.

"Mango, orange, apple or strawberry?" I asked Aya. Nakaupo ito sa sofa habang nanonood. Kalmado ito hindi tulad noong unang tumapak siya sa bahay ko bilang tao. Walang tigil ito sa pagtili at pagsigaw na nais makalabas at puntahan si Javex.

Dahil hindi ko pwedeng hayaan na makalabas siya ay nanatili ito sa bahay at nakasanayan na rin akong makasama. Naging maayos ang pakikitungo namin sa isa't-isa at tila naging magkaibigan ulit katulad ng dati.

"All." Nakangiting sagot nito habang nakatayo ako sa gilid niya.

"Fruit salad ka nalang. Or shake?" Tanong ko. Hindi ko na siya hinahayaang kumilos ng kumilos kaya ako na ang gumagawa para sa kaniya.

"Fruit shake with fruit salad." Aniya at tumawa.

"Demanding." Biro ko na muli niyang tinawanan.

Naglakad na ako patungo sa kusina. Kumuha na ako ng mga gamit at prutas na kakailanganin ko. Hinuhugasan ko palang ang mga gamit ng maramdaman kong may papasok ng gate ng bahay. Si Dion 'yon.

May key fob ito na connected sa lock ng bahay ko kaya pwede siyang makapasok at makalabas. Hinayaan ko siyang buksan ang gate at ang pinto hanggang tuluyan itong makapasok.

Natapos kong hugasan ang mga prutas. Naisaayos ko na rin ang mga gagamitin ko. Sinimulan ko na magbalat ng mansanas. Nakakadalawang balat palang ako ng pumasok na siya sa kusina.

"Sipag." Aniya.

"Wala ka bang trabaho?" Tanong ko kahit na alam ko namang oras at araw ng trabaho niya ngayon.

"Free time." Maikling sagot niya.

"Baka tumakas?" Pag-aasar ko. Tinawanan lang ako nito.

"Kabuwanan na ni Aya." Ani Dion.

"Yes, and we have to prepare." Tugon ko.

"Kaya niya ba? Kinakaya pa ba ng katawan niya?" Tanong nito.

"Kakayanin. Hindi siya mapapatay ng anak niya." Tugon ko habang kalmadong hinihiwa na ang mansanas.

"Is that sure?" Paniniguro ni Dion.

"Yes, I am monitoring her health. If the child is doing something wrong I quickly use my power to prevent Aya from getting hurt."

"I know that all babies are a blessing but Javex and Aya's baby is different from normal babies." Ani Dion.

"Dion, we just need to protect the both of them. That baby will be normal even if she is a vampire." Tugon ko sa kaniya.

Noong tumira si Aya sa bahay ko ay naramdaman kong may kakaiba sa ipinagbubuntis niya. Nalaman kong may dugo itong bampira at mas nananalaytay ang dugong bampira nito kaysa sa tao. Doon ko napagtantong nabuo ang bata noong bampira na si Javex.

Ibig sabihin ay bampira na siya bago pa man siya mawala ng isang linggo noong pinuntahan ko sila sa kanilang bahay.

Noong una ay nagulat at naguluhan ako sa dapat kong gawin ngunit tinuruan ako ni Papa Kalixon kung paano ko gagawin ng tama ang lahat. Pinapili niya ako kung anong nanaisin ko. Ang mamatay si Aya at ang anak niya, ang mabuhay si Aya at mamatay ang bata o mabuhay silang dalawa.

Una ay maaaring mamatay si Aya at ang anak nito kapag pinagpatuloy ang pagbubuntis. Iinumin at maaaring maubos ng bata ang kaniyang dugo sanhi para mamatay silang dalawa. Ikalawa ay papatayin ko ang anak nila ni Javex at hahayaan kong mabuhay si Aya. Ikatlo ay ang bubuhayin ko silang dalawa na pinakaimposibleng mangyari. Ngayon lang nagkaroon ng case na nagkaroon ng bampirang anak ang isang tao.

Suicide Notes (SU BOOK 3)Where stories live. Discover now