Chapter 10

499 12 0
                                    

𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Pagkadating sa dorm agad kong inayos ang sarili ko at naligo dahil baka dumating na si Ash at sunduin ako. Pagkatapos ko maligo ay naghanap na ako ng isusuot ko at may nakita akong dress kaya iyon na lang ang isinuot ko. Hanggang itaas ng tuhod ko lang yung dress ko at tinernuhan ko lang ito ng sandals na 1 inch lang at shoulder bag. Pagkatapos ko mag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto at naabutan ko pa yung dalawa na nakaupo sa may sofa habang nanunuod. Napatingin saken sila pareho at nagulat.

"Wow bruha anong nagyari sayo bat ka nakasuot ng ganyan?"- takang tanong ni Hanna.

"Tsk! Hindi ba obvious may date ako at saka ang ganda ganda ko tas tatawagin mo pa rin akong bruha."- nakangusong sabi ko.

"Sino bang kadate mo?"- tanong naman ni Ellaine.

"Tsk! Malamang yung mahal ko."- sabi ko na medyo may pagkapilosopo.

"What?! Nakausap mo na agad si Ash?"- takang tanong ni Hanna.

"Yes!"- nakangiting sagot ko.

"Huh?!"- naguguluhang tanong ni Ellaine.

"Si Hanna na lang magkukwento sayo."- sabi ko sabay labas ng dorm dahil nagtext na saken si Ash na nasa may lobby na raw siya.

𝐀𝐬𝐡𝐭𝐢𝐧𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕

"Uy hintayin mo kami dito ah salubungin ko lang si Gwen sa may lobby."- sabi ko kay Kevin.

Si Kevin kasi ang maghahatid samin dahil hindi ako pinayagan ni mommy na magdrive at saka nagtanong na rin ako kay Kevin kung saan magandang dalhin si Gwen at yun na nga tinulungan ako ni Kevin at siya na rin ang ginawa kong driver. Lumabas na ako ng kotse at naghintay sa may lobby. Nakasuot ako ng dress na abot hanggang itaas ng tuhod ko. Di naman kasi ako tomboy kaya nagsusuot pa rin ako ng damit pambabae. Lumipas ang ilang minuto at nakita ko na si Ash na kakababa lang ng elevator. Napangiti ako ng malaki ng makita ko siya. Nakasuot din siya ng dress gaya ko. Sinalubong ko siya.

"Let's go?"- sabi ko at tumango lang din siya habang nakangiti.

Pumunta na kami sa may kotse at nakita kong kumunot ang noo niya ng makita niya si Kevin sa may driver set dahil nakabukas ang bintana. Napatawa ako sa itsura ni Gwen.

"Haha wag mo tignan ng ganyan si Kevin dahil kaibigan ko lang yan at saka ikaw lang ang mahal ko."- sabi ko kay Gwen.

"Eh bat kasama natin siya?"- nakangusong tanong niya.

Napatawa na lang ako sa sobrang cute niya.

"Haha don't worry baby. Siya lang ang maghahatid satin sa date natin dahil bawal ako magdrive."- sabi ko at inaya ko na siyang sumakay.

"Hi Gwen! I'm Kevin at kaibigan ako ni Ash."- masayang pakilala ni Kevin sa sarili at makikipagkamay pa sana kay Gwen pero tinabig ko yung kamay niya.

"Aray naman napaka possessive mo namang girlfriend."- pabirong sabi ni Kevin saken.

Napatingin naman ako kay Gwen na nasa tabi ko lang at nakita ko pa siyang namula. Naoangiti na lang ako at sinabi na kay Kevin na magdrive na.

"Magdrive ka na nga nahihiya na sayo yung baby ko eh."- sabi ko kay Kevin at agad naman nitong sinunod.

Tahimik lang si Gwen habang bumabyahe kami napangiti na lang ako dahil sobrang cute niya tignan. Hinawakan ko ang kamay niya at nakita kong nagulat siya at naoatingin saken. Nginitian ko lang siya at ganun din naman ito saken. Tahimik lang ang naging biyahe namin hanggang makarating kami sa mamahaling restaurant. Sabi saken ni Kevin bago namin sunduin si Gwen ay mas maganda raw na sa classic restaurant ko muna dalhin si Gwen para sa unang date namin kaya di na ako nagtaka na dito niya kami dinala. Pumasok na kami ni Gwen sa restaurant at nagpaiwan naman si Kevin dahil ayaw niya raw magpasira ng moment namin.

Pagkapasok namin ay may nag-assist naman agad samin.

"Good for two."-nakangiting sabi ko sa nag-aassist.

"This way po mga maam"- nakangiting sabi nito at inihanap kami ng magandang pwesto.

Maganda ang lugar na ito at tahimik lamang. Masasabi mong napakaclassic talaga ng restaurant. Naupo na kami ni Gwen sa upuan at tinanong naman agad kami ng waiter kung anong order namin. Pagkatapos namin sabihin ang order namin ay umalis na ang waiter at sinabi samin na maghintay lang daw ng mga twenty minutes.

Tahimik lang si Gwen habang tumitingin sa paligid.

"Nagustuhan mo ba ang lugar na ito?"- nakangiting tanong ko kay Gwen.

Tumingin siya saken at ngumiti ng pagkatamis tamis bago nagsalita.

"Oo sobrang ganda at nagustuhan ko lalo na yung mga pagkain mukang masarap."- nakangiting sabi niya.

Napatawa na lang ako dahil ang cute cute niya talaga kahit saang anggulo. Lumipas ang 20 minutes at dumating na rin yung order namin at nagsimula na kaming kumain.

Kumain lang kami ni Gwen at nag-usap lang tungkol sa sarili namin. Pagkatapos ay lumabas na rin kami ng restaurant at hindi ko na alam kung saan kami balak dalhin ni Kevin basta sinabi ko lang sa kanya na dalahin lang kami sa simpling lugar.

Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang