Chapter 12

450 15 0
                                    

𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Pagkatapos namin kumain dinala ako ni Ash sa Luneta Park. Masyadong common na tong Luneta pagmagdedate pero kinikilig ako dahil kasama ko si Ash. Nung bata ako madalas dalahin ako nina mommy dito pero tuwing umaga lang hindi ko alam na ganto pala kaganda ang Luneta pag gabi. Ang daming ilaw na iba't-iba ang kulay at makikita mo rin sa palagid ang ibang mga magkasintahan na magkahawak ang kamay habang naglalakad at nag-uusap. Napapatingin na lang ako sa mga magkasintahan na sobrang sweet sa isa't-isa. Napansin ata ni Ash na tumitingin ako sa ibang couples at nagulat na lang ako ng biglang hawakan niya ang kamay ko kaya't napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya ng deretso sa dinadaanan namin. "Shit ang lambot ng kamay niya."- kinikilig na sabi ko sa isip ko. Namula ako sa inisip ko. Naglalakad lang kami ni Ash habang lumilibot lang sa may fountain. Grabe ang sarap sa pakiramdam na naglalakad ng gantong oras ng gabi habang nararamdaman mo ang malamig na hangin na dumadampi sa balat mo habang hawak hawak mo ang kamay ng taong mahal mo. Napapangiti na lang ako sa sobrang pigil ng kilig ko habang napapatangin sa lupa. Inakit ako ni Ash na maupo sa isang upuan na bato na sakto lang para sa dalawang magkasintahan.

"Ang ganda dito noh?!"- sabi ni Ash na bumasag sa aming katahimikan.

"Oo nga first time ko lang dito pumunta ng ganitong oras."- sabi.

"Sa totoo lang first time ko rin dito, nung bata ako hindi ako pinapalabas nina mommy sa bahay. Tanging bahay at paaralan lang ang pinupuntahan ko, minsan lumalabas ako sa mall para bumili ng mga gamit ko kasama si kuya Andrey pero nung maka-graduate na si kuya ng college ay pumunta na ito ng ibang bansa kaya naiwan na lang ako mag-isa sa bahay kasi busy sila mommy. Okay lang naman saken kahit na mag-isa lang ako sa bahay kasama ang mga maids at saka naiintindihan ko naman kung bakit di na nila mommy magawa na kumain kasabay ko."- mahabang kwento na Ash.

"Grabe pala nung kabataan ng baby ko halos di pala siya makagala. Don't worry baby mula ngayon lagi ka ng gagala kasama ko."- sabi ko sa isip ko.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya kasi para siyang anghel na nagkukwento saken kaya di ko mapigilan ang sarili ko na mapatitig sa maganda niyang muka.

"Alam mo ba maraming nagbago saken mula nung makilala kita?"- sabi pa niya sabay tingin saken.

"H-huh? Pano mo naman nasabi yan?"-tanong ko sa kanya.

"Gusto mo bang ikwento ko sayo?"- nakangiting tanong niya saken.

"Oum.."- sagot ko naman sabay tango.

"Eh pano kung ayaw ko ikwento?"- nakangising tanong niya saken.

"Eh sige na kasi.. ikwento mo na saken."- nakangusong sabi ko.

"Haha saka ko na ikukwento sayo kasi lumalalim na ang gabi oh. Baka di na tayo makapasok sa dorm."- sabi niya sabay gulo ng buhok ko.

"Eh pwede mo naman ikwento saken eh."- nagpapacute na sabi ko haha.

"Sige na nga pero pag-uwi na lang sa dorm."- sabi ni Ash sabay tayo at aya saken pabalik sa kotse.

Naiwan nga pala namin dun si Kevin kasi ayaw niya daw kami guluhin kaya iniwan na namin. Mabait naman pala si Kevin haha muka kasi itong masungit na ewan. Akala ko dati kaagaw ko siya kay Ash pero alam pala nito na ako ang gusto ni Ash. Nagkwento kasi saken si Kevin nung nagpunta si Ash sa CR. Naikwento saken ni Kevin na mula nung first year college pa lang daw ako eh lagi na raw akong sinusundan ni Ash mula nung makita ako nito sa library habang nagbabasa at pasimpling kumakain. Naikwento rin saken ni Kevin na nagpatulong daw sa kanya si Ash kung saan daw ako maganda dalhin at yun na nga ang naisipan ni Kevin kaya laking pasalamat ko dito.

Naglalakad na kami ni Ash pabalik sa kotse habang magkahawak kamay pa rin.

"Maraming salamat Ash kasi nag-effort ka talaga na dalahin ako sa ganitong lugar. Sobrang saya ko na kasama kita."- nakangiting sabi ko habang patuloy lang kami sa paglalakad.

Nasa may tapat na kami ng kotse pero huminto saglit si Ash at may sinabi saken.

"Masaya rin ako dahil ikaw ang kasama ko. Maraming salamat kasi naappreciate mo lahat ng ginawa ko."- sabi niya habang nakatitig saking mga mata at napatitig rin ako sa kanya.

Nakita ko siyang napalunok at napansin ko na unti unti na siyang lumalapit saken. Ako naman ay tila napako sa aking kinatatayuan at hinayaan ko lang siya na lumapit saken. Napatingin na lang ako sa kanya at tila ba nahihipnotismo niya ako sa kanyang mga tingin at unti unti ko na rin inilapit ang aking sarili sa kanya. Malapit nang maglapat ang aming mga labi ng may magsalita sa may gilid namin at iyon ay walang iba kundi si Kevin.

"Ahem... baka nakakalimutan niyo na may kasama kayong single. Respeto naman."- pabirong sabi ni Kevin sa amen.

Napahinto kami pareho ni Ash at napalayo sa isa't-isa dahil sa hiya. Pumasok na kami ni Ash sa kotse at nagsimula ng magdrive si Kevin pabalik sa dorm.

Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎Onde histórias criam vida. Descubra agora