Chapter 22

293 7 0
                                    

𝐆𝐰𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Kinaumagahan ay nagising ako na ako na lang mag-isa sa dorm. Hindi umuwi si Ash sa dorm siguro ay sa kanila ito natulog. Si Hanna at Ellaine naman ay nauna ng pumasok kahit hindi pa naman oras ng pagpasok. Parang may hindi tama dahil may bumabagabag sa loob ko. Hindi ko na lang iyon inisip at kumain na lang ako para makapasok. Habang kumakain ako ay napatingin ako sa isang kalendaryo na nakasabit sa may likuran ng pinto.

"Bukas na ang first monthsary namin ni Ash pero di pa siya umuuwi. Asan na kaya siya."- malungkot na sabi ko sa aking sarili habang patuloy sa pagkain.

Agad ko rin tinapos ang aking pagkain at nag-ayos ng sarili bago pumasok sa school. Papasok na ako ng gate ng makita ko ang isang bulto ng taong kahapon ko pa hinahanap at napangiti ako. Lalapit na sana ako rito pero bigla na lang nawala ang ngiti ko ng makita ko siyang may kasamang lalaki na hindi ko kilala. Sumakay sila sa isang mamahaling kotse at napatingin na lang ako sa sasakyan habang umaalis ito papalayo sa kinatatayuan ko.

"Ash"- banggit ko sa pangalan niya habang nakatingin sa papalayong kotse at hindi ko namalayan na bigla na lang tumulo ang luha ko.

Maraming pumapasok sa isip ko pero ayoko naman na pangunahan siya gusto kong siya mismo ang magsasabi saken ng lahat ng bumabagabag sa loob ko. Ayoko isipin na niloloko lang ako ni Ash.

Pinilit kong ikalma ang sarili ko at pinunasan ang luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa klase ko. Pagdating ko sa room nandun na sila Ellaine at Hanna na masayang nagkukwentuhan.

"Gwen!"- pagtawag saken ni Hanna at nginitian ko lang ito ng pilit.

Ayoko na idamay pa sila sa problema ko. Problema ko toh at gusto kong ako rin ang aayos. Lumapit ako sa kanila at naupo sa bakanteng silya.

"Okay ka lang ba?"- tanong ni Ellaine.

"Oo okay lang ako."- sabi ko ng nakangiti kahit na sa loob ko ay hindi.

Pinilit ko munang kalimutan yung kanina at itinuon ang sarili sa pag-aaral. Gusto kong si Ash ang magsabi saken at ayokong paniwalaan ang nakita ko.

Dumating na ang aming sub teacher at nagsimula na itong magturo.

Natapos ang maghapon at ganun pa rin ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko pasan ko lahat ng kalungkutan dahil kahit na pilit kong ngumiti ay siya namang gustong tumulo ng luha ko. Naisip ko na masyado nanaman akong OA kaya pilit ko pa rin pinapakalma ang sarili ko.

𝐀𝐬𝐡𝐭𝐢𝐧𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Sobrang bigat ng loob ko habang nakikita ko si Gwen sa side mirror ng kotseng sinasakyan ko kasama si Kuya Ace. Nakita ko kung paano tumulo ang luha ni Gwen sa side mirror habang nakatingin sa kotse na sinasakyan ko. Kanina nakita ko siyang papasok sa gate at nakita niya ako na kasama si Kuya Ace. Nagkunwari akong hindi ko siya nakita dahil ayokong malaman niya ang pinoproblema ko. Gusto kong ako na lang ang mag-ayos ng kaunting gusot na toh.

"Wag ka mag-alala Gwen aayusin ko lang tong problema na toh at pinapangako ko na magiging masaya na tayo."- sabi ko sa isip ko habang nakatingin pa rin sa side mirror at unti unti ng nawala sa paningin ko si Gwen at nakita ko pa itong pumasok na ng gate.

Nalaman nila mommy na may jowa na ako at nagalit sila ng malaman nilang kapwa ko babae ang jowa ko kaya pinauwi ako nila mommy at kinausap. Saktong pagdating ko sa bahay ay nandun na rin si Kuya Ace dahil umuwi ito galing sa ibang bansa. Kinausap ako nila mommy tungkol sa pakikipagrelasyon ko sa kapwa ko babae. Sobrang nagalit sila saken lalo na si Daddy dahil hindi daw nila lubos maisip na babae rin pala ang gusto ko. Muntik pa akong sapakin ni Daddy dahil nasagot ko ito pero pinigilan iyon ni Kuya Ace. Umalis ako sa bahay ng walang paalam sa kanila at umuwi muna ako sa condo ko. Ayokong umuwi sa dorm dahil baka makita pa ako ni Gwen na ganitong itsura na mukhang maraming problemang dinadala ay baka magtanong pa siya at problemahin rin ito. Ako na ang aayos ng lahat ng ito kahit na hindi man lang ako nakapagpaalam kay Gwen kahapon. Maghapon lang akong nagkulong sa condo ko, tinatawagan pa ako ni Kuya Ace pero hindi ko ito sinasagot. Kinabukasan ay nagising ako dahil may nagdodoorbell sa pintuan ng condo ko. Pumunta ako sa may pinto at pinagbuksan ito upang malaman kung sino ang nagdodoorbell at bumungad saken ang mukha ni Kuya. Tinanong ko ito kung bakit siya nagpunta dito. Kinausap ako ni Kuya tungkol sa relasyon ko kay Gwen at sinabi niya na hindi daw naman siya galit saken dahil naiintindihan niya ako. Sobra akong natuwa nung sabihin iyon ni Kuya at nakausap na rin daw niya sila mommy at daddy at hindi na raw galit ang mga ito dahil siya na raw ang nagpaliwanag sa kanila tungkol sa pakikipagrelasyon ko at naintindihan daw naman ito nila mommy.

Nagpunta kami ni kuya sa university upang kausapin ang teacher ko dahil sa hindi ko pagpasok ng dalawang araw at naintindihan naman iyon ng mga teachers ko. Buti na lang at nandiyan si Kevin at siya muna ang namuno sa SC habang wala ako. Sakto namang pauwi na kami ni Kuya ay nakita ako ni Gwen pero nagkunwari akong hindi ko siya nakita. Gustong gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil kakausapin ko muna sila mommy at daddy.

Inlove Ako kay Pres. (GxG)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon