CHAPTER 24

4.3K 136 21
                                    

"Rhys pov"


"tok tok"

rinig kong pag katok sa pinto ng kwarto ko. Katatapos ko lang maligo, today is special day. Monday ngayon at graduation na namin, ang saya lang dahil ang tagal ko ding nag aral at tadaaaa gragraduate na ako hihi.


"anak hindi ka paba tapos?" tanong ni mommy sa kabilang pinto.


"wait mommy mag bibihis lang ako"sagot ko naman.


nakalatag na yung mga gagamitin ko sa kama ko, yung toga saka dress and then yung stilleto ko. Nag suot lang muna ako ng pambahay saka ko kinuha yung robe ko saka ako lumabas.


"bat andyan kapa mommy?" tanong ko sa kanya, nadatnan ko kasi si mommy na nasa labas ng pinto kong kwarto ko.


"hinihintay kita, btw andyan na yung mga mag aayos sayo" nakangiting sagot naman sakin ni mommy. Bumaba na kami at nadatnan namin yung dalawang babaeng mag aayos sakin, well hindi pala babae yung isa.


"maam ito na poba yung aayusan namin?" tanong ni gwen kay mommy. Gwen yung nakita kong pangalan sa name plate na eh. "yes darling hihi" hagikhik naman ni mommy saka ako tinulak ng bahagya papalapit na mga mag aayos sakin.


"hindi na po ata namin kaylangang ayusan itong anak nyo maam" nakagiting saad nito kay mommy.


"what?" tanong ko naman. Bakit naman ayaw akong ayusan? ngumiti naman ito sakin saka nilagyan ng kung ano yung buhok ko para hindi maging sagabal sa gagawin nila.


"ang ganda nyo napo kasi maam,hindi nyo na nga po ata kaylangan ng make up eh" bola naman ni ate sakin. Ngumiti naman ako sa kanya saka nag pasalamat.


habang ginagawa nila yung mga dapat nilang gawin nag cellphone muna ako. Habang nag sscroll ako sa instagram ko may nakita akong post ni charles box ito na may ribbon na hindi ko sure yung kulay dahil naka black and white na filter ito pati yung kulay ng box hindi ako sure kung anong kulay, tinignan ko yung caption 'amore' ang nakalagay na caption dito. Hindi ko naman ito maintindihan kaya hinayaan ko nalang pero alam ko naman na kay alexa na ito ibibigay.


tinignan ko ang itsura ko sa salamin tapos na palang ayusan ni gwen yung muka ko saka malapit nadin nilang matapos yung pag aayos sa buhok ko.


"Ang gandaaaa mo" medyo patili na bati ni gwen sakin. Ngumiti naman ako sa kanya naiilang ako pag ibang tao yung nag sasabi sakin ng mga bagay na ganun.


"Salamat" ngumiti ako sa kanya saka tumayo na.


Nag paalam na ako sa kanila na aakyan na ako. Narinig ko pang nag uusap sila sa living area ng bahay. Pumasok ako sa kwarto ko at dumiretcho sa vanity table ko. Pinag masdan ko yung itsura ko doon. "Malapit ka ng maging ganap na vetmed" saad ko sa sarili ko. Sa journey ko sa pag aaral, madaming nangyareng hindi maganda at merong namang magaganda. Naging part si charles sa pag kamit ko ng pangarap ko pero wala na sya sa pag kuha ng diploma ko.


Ngumit ako saka tumayo na para mag bihis "okay lang yan rhys, hindi lang sya ang lalaki sa mundo" pag aalo ko sa sarili ko, ayaw kong umiyak dahil masisira ang make up ko.


8:30 ang start ng graduation ceremony sa school at 7:28 na kaya nag madali na akong nag bihis. Sinuot ko yung dress ko na color pastel pink na hanggang sa taas ng tuhod, sinuot ko narin yung stilleto ko tinignan ko yung buong itsura ko sa body mirror ko sa kwaro. "Congrats rhys" bati ko sa sarili ko saka ko tinap ng tatlong besses yung balikat ko.


Bumaba na ako nadatnan ko naman sila mommy saka daddy sa sala mukang hinihintay ako naka ready na din sila kinuha sakin ni mommy yung toga ko na color silver na may tatlong guhit sa right arm well ganun naman daw talaga ang design ng toga ng DVM. Napalingon ako sa hagdan at nakita kong naka ayos nadin si kuya anthony, wait sasama ba sya?


"Lets go lil sis" akbay nya sakin, agad ko naman itong tinangal saka inirapan. "anoba kuya! magugulo yung buhok ko" reklamo ko sa kanya hangang inaayos ng bahagya yung buhok ko. Tumawa pa sya nung nakita akong naiinis hmp.


"hindi kaba susunduin ng asawa mo?" tanong sakin ni kuya, napa angat naman ako ng tinigin sa kanya at napahinto ako sa pag aayos ng buhok ko. Hindi pa nga pala alam ni kuya yung nangyare sa amin ni charles, hindi sa ayokong sabihin natatakot kasi ako dahil alam kong bubugbugin nya si charles pag nakita nya ito.


"No, sasabay sya atin anthony" sagot naman ni daddy habang nakatingin sya sa relo nya. "tara na baka ma late pa tayo" ngumiti naman ako kay daddy at tinignan ko si kuya, nag tataka sya at parang may gustong itanong. sorry kuya, promise sasabihin ko sayo pag uwi huhu.


sumakay na kami ng sasakyan at si kuya ang nag drive, nasa passenger set si daddy at nasa likod kami ni mommy katabi ko. Nakarating naman kami sa university, medyo marami naring tao ang dumating base sa mga sasakyan na naka park dito sa parking lot. Bumaba na kami at nakita ko naman si kate kasama sila tita.


"kate!" tawag ko sa kanya. mukang nag titipa ito sa cellphone nya, lumingon naman sakin si tita at mukang sinabi nya kay kate na andito na ako. "Bruha ka ang tagal mo ha" saad sakin ni kate. "gandaaa mo rhys" dagdag nya pa. "nuba! ako lang to" sagot ko naman saka kami sabay tumawa.


"hello po tita" saad ko sabay halik sa pisnge ni tita, ganun din kay tito. Ngumiti lang naman sila sakin at binati ako ng congratulations saka sila pumunta kila mommy dahil nakasunod sakin ang parents ko


Nakita kong nag uusap na sila mommy saka parents ni kate at nakisali din doon si kuya anthony. "congrats sis" bati ko kay kate. "congrats din" sagot naman nya. "oh asan si kyle?" tanong ko kay kate. hindi ko pa nakikita yung lalaking yun ah, jusko late nanaman ata. "hindi ko pa nga din nakikita eh" sagot naman ni kate. "tara na" aya ko kay kate. Bago kami makapasok sa gymnasium nakita namin si kyle na parang inaantay kami ni kate.


"wow, kala namin late ka pero mas nauna ka pa pala sa amin." saad ni kate. "Ang dami kasing arte ng mga babaeng katulad nyo kaya kayo natatagalan" saad nya sabay tawa. "woah nag muka kanang tao kate!" biro nya kay kate, tumawa naman ako pero inirapan ako ni kate haha. "ikaw muka ka paring demonyo" sagot naman ni kate "harsh" sagot ni kyle.


"Ang ganda mo lalo rhys" ngiti sakin ni kyle "pag si rhys ang ganda ng bati" pang aasar ni kate kay klye. "may gusto kaba sa kaibigan ko ha?" diretchong tanong ni kate kay kyle. Nailang naman ako kaya iniba ko yung topic kahit hindi pa nakakasagot si kyle.


"Asan parents mo kyle?" tanong ko naman sa kanya. Hindi ko pa kasi nakikita yung parents ni kyle at hindi ko din sila kilala, hindi naman kasi namin ito napag kukuwentuhan dahil hindi naman nababangit ni kyle. "Andun na sa loob" sagot naman nya sakin. "tara na pasok na tayo" aya samin ni kyle. Pero bago kami makapsok sa loob nakita ko si charles na nakatingin sa aming tatlo, nakakapag taka naman hindi nya kasama si alexa.






--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Guys pasensya na ngayon lang naka UD sobrang naging busy sa online class. KEEP SAFE EVERYONE LOVELOVE ^-^

my husband is my professorWhere stories live. Discover now