CHAPTER 28

5K 148 62
                                    

"Rhys pov"

"Doc. Lopez may i remind you that you have 2 operation in before 30 minutes" saad sakin ni grace, assistance sa front desk.

Its been 5 years simula noong umalis ako ng pilipinas at sa ilang taon na iyon marami nang nag bago. Tinignan ko ang mga snow na bumabagsak mula sa bintana ng opisina ko. Tinanggap ko ang offer na trabaho at hindi naman ako nag sisis na tinanggap ko ito.

Malapit na mag pasko pero Nag dadalawang isip ako kung uuwi ba ako sa pilipinas o hindi.

"Tok tok" rinig ko mula dito ang pagkatok sa pintuan ng opisina ko. Tinanggal ko ang white coat ko saka inilapag sa may sabitan.

"Nakabusangot ka nanaman?" Tanong nya
May dala dala pang bouquet ng balaklak.

"Hindi kaba nag sasawang dalhan ako ng bulaklak? May plano kabang gawing garden ang opisina ko?" Tanong ko sa kanya habang inaamoy ang bulaklak na binigay nya.

"Pag hiniling mo sa sakin gagawin ko love. Ganon kita kamahal haha." natatawang saad naman nya sabay halik sa pisnge ko.

"Corny mo naman" natatawa kong saad sa kanya. Ang ganda ng mga bulaklak alam na alam nya talaga kung anong gusto ko.

Yes we have been in a relationship for two years now pinatunayan naman ni kyle ang sarili nya sa akin at kung gaano nya ako kamahal, at higit sa lahat nagawa nya akong ipag laban.

"Love natanggap mo ba yung email ng bestfriend mo?" Tanong nya sakin habang tinitipa nya yung cellphone nya.

"email? Wala naman akong natanggap na email sa kanya" sagot ko naman. Connected naman kami at hindi ko pinutol ang communication namin.

"Ahm siguro invitation yun para sa opening ng clinic nya sa tagytay, remember nag patayo sya ng clinic nya" saad ko dito. Saka ako umupo sa tabi nya.

Maluwang naman ang opisina ko dito isa ako sa mga doctors. May sariling toilet saka kwarto dito kasi ako minsan natutulog if madaming kaylangang operahan at obserbahan na mga patient. Meron ding sofa kung saan kami ngayon nakaupo ni kyle.

"Love?" Tawag sakin ni kyle. Nakayakap ako sa kanya habang naka sandal yung ulo ko sa dibdib nya.

"Do you have plans na umuwi sa pilipinas?" Nabigla ako sa tanong nya na dahilan ng pag kakabitaw ko sa pagkakayakap ko.

"Wala" direchang sagot ko sa kanya saka ako tumayo. Wala akong balak umuwi ng Pilipinas kahit gustong gusto ko nang makita sila mommy at daddy sobrang namimiss ko na sila.

"Dahil ba  sakanya?." Tanong naman nito. Napabaling ako sa kanya habang kinukuha ko ang Stethoscope ko.

"No love" Agad namang sagot ko sa kanya. Ayokong isipin ni kyle na dahil lang doon kaya ayaw kong umuwi sa pilipinas. Ayaw kong umuwi dahil marami pang trabaho ang kelangan kong tapusin.

"Alam mo namang nag iipon ako para makapag patayo na tayo ng sariling clinic diba?" Paliwanag ko sa kanya. Saka ko hinawakan yung magkabilang pisnge nya.

"kaya naman kitang bigyan eh Kung gusto mo kahit ngayon na"natatawang saad nya sakin. Binitiwan ko sya saka ko hinampas yung braso sa braso.

"Baliw ka talaga" saad ko naman sa kanya.

"Teka nga! Wala kabang shift ngayon?" Tanong ko naman dito. Ang aga nya kasing nag punta dito alas 3 palang ng hapon sa pag kakaalam ko alas sais ang closing ng pinag tratrabahuan nya. Mag kaiba kami ng clinic dahil meron ding nag offer sa kanya ng work.

"Wala na, nakipag palit ako ng oras" natatawa nyang saad habang pinag lalaruan yung signature stamp ko.

"kelan kaya mapapalitan itong  apelyedo mo"Turo nya sa pangalan ko na naka sulat sa table ko. Bat naman kaya nya natanong?. Minsan talaga itong si kyle pabigla bigla nag tatanong.

Nabigla naman ako sa tanong nya. Tinignan ko sya at hindi ko masagot yung sinabi nya kahit hindi naman nya ito sinabi ng patanong. Hindi sa ayokong mag pakasal sa kanya, ayoko dahil hindi pa ako ready.

"Siguro pag marami na akong clinic" pabiro kong saad sa kanya. I want to be married kung alam kung may maipang gagastos na ako sa mga pangangailangan ng mga magiging anak ko.

"Wala kang pupuntahan?" Tanong ko sa kanya. 10 minutes nalang kasi at may Operation pa ako na gagawin maiiwan lang sya dito mag isa.

"Wala, uuwi nalang muna siguro ako. Antok na antok na ako eh" Directcho kasi yung shift  nya kahapon kaya siguro napagod.

"Sa condo mo ha, wag sa condo ko" biro ko naman. Hobby nya yan makitulog sa condo ng iba kahitmay sarili naman syang condo. Palagi nyang dahilan di daw masaya sa condo nya, baliw diba.

Tumayo na sya saka lumapit sakin. Hinalikan nya yung noo ko saka ako niyakap. Niyakap ko din naman sya ng mahigpit. Mahal na mahal ko to eh.

"Bye love, see you later. Wag mag papakapagod ah" saad nito sa akin.

" I love you" dagdag pa neto.

Natawa naman ako dahil medyo napalakas yung pag kakasabi nya sa akin nun dahil nasa pinto na sya. Kumaway naman ako sa kanya saka ngumiti.

"I love you too" pasigaw ko namang sagot. Saka ako kumaway sa kanya.

Noong nakaalis na si kyle inayos ko na yung sarili ko at aktong lalabas na pero narinig kong nag ring yung cellphone ko.

"Hello" saad ko dito, hindi ko na tinignan yung caller dahil sinasarado ko yung pinto.

"Hoy bruha!" Pasigaw na saad sakin ni kate. Si kate pala Yung tumawag.

"Uwi ka dito?" Tanong nya.

"Diko pa sure eh" sagot ko naman.

May mga dumadaang pet owner at nag ssmile sila sa akin pag nakikita nila ako. Natutuwa talaga ko pag nakikita ko silang nakangiti.

"Bat dimo sure?" Tanong nya ulit.

"Busy kasi" natatawang saad ko.

"balak mo bang kunin lahat ng pera dyan sa paris, bruha ka talaga" biro naman nya sa akin.

Nakita ko na hinahanap ako nung assistant nurse. Kumaway sya sa akin at itinuro yung relo nya. Tinignan ko yung oras at 5 minutes nalang bago kami mag start.

"Sige kate, I'll call you later. I have things to do pa. Goodbye lav yah" saka ko binaba yung tawag.

Nag lakad na ako papunta sa operating room at nag disinfect na ako bago ako pumasok. Pag ka pasok ko sa kwarto sinuotan nila ako ng operating gown saka surgical gloves. Its a white pomeranian ang magiging mommy na.

Successful naman ang operation at apat na cute na puppies ang baby ni whitty. Sobrang pagod ko ngayon.

"Bye doc" paalam sakin ng isang in-charge nurse.




____________________________________
Guys huhu sorry na!❤️ Ngayon lang ako nakapag UD katatapos lang ng exam eh semester break na hehe. Stay safe everyone lovelots❤️❤️





my husband is my professorWhere stories live. Discover now