CHAPTER 27

4.8K 160 45
                                    

"Rhys pov"

"ANO BA RHYS HINDI KABA TITIGIL KAKA LAKAD DYAN?!" sigaw sakin ni kate. Grabe yung kaba ko ngayon nag hihintay kasi kami ng result ng exam sa internet ilang araw nadin kasi ang nakakalipas pag katapso naming nag take ng exam.

"Ano ba kate pano mo nagagawang maging chill dyan? hindi ka manlang ba kinakbahan? tanong ko naman sa kanya

"Baliw of course kinakabahan kaso dapat chill kalang" natatawa nyang saad sakin. Umupo ako sa sofa andito kasi kami sa condo ni kate nag hihintay ng resulta.

10 palang ng umaga Hindi pa kami nag uumagahan kaya pala tumutunong na yung mga ahas sa tyan ko.

"Ano bang makakain dito kate?" Tanong ko sa kanya habang binubuksan yung mga kabinet.

"nasa ref gaga" turo naman sakin ni kate.

Binuksan ko yung ref at madami ngang frozen foods doon. Kumukuha nalang ako ng bacon saka egg tapos hatdog, kumuha din ako ng spam.

Nag ready na ako ng pan saka ako nag painit ng manyika. Nag lagay din ako ng rice sa rice cooker. Late breakfast na ito 10 naman na.

"RHYSSSSSSSSSSS!" halos mabitawan ko Yung sandok na hawak ko dahil sa sigaw ni kate Sobrang rinig ko iyon dahil malapit lang Yung sala sa kusina.

Binitawan ko yung sandok saka ako pumunta kay kate. Jusko anyare dito bakit umiiyak.

"Halla! Bakit? Anong nangyare?" Sunod sunod na tanong ko.

"Doctor na tayoo sisss" maluha luha nyang saad sakin. Hindi ako makagalaw sa narinig ko.
Doctor nako?.

Tinignan ko naman yung screen ng laptop nya. Nakita ko dun yung pangalan ko saka yung no.
Nag si labasan na yung mag luha ko, finally.

"Wahhhhhhhh!" Halos tumalon talon pako sa tuwa. Niyakap ko ng mahigpit si kate.

" CONGRATS satin kate" maluha luha kong saad. Saka kami tumalon ng mag kayakap parin.

"Haha. Dali open ka social media mo rhys" saad sakin ni kate. Pinunasan ko naman yung mga natirang butil ng luha sa mata ko.

"Mamaya na, itutuloy kopa yung niluluto ko." Saad ko naman saka ako pumunta sa kusina.

Itinuloy ko yung niluluto ko malapit naman na itong matapos, nagugutom nadin kasi ako.

"Hoy bruha kakain na" saad ko kay kate. Nag checheck ata ng social media nya.

"Uy! Nag congratulate si Charles sakin" saad nya sakin habang papunta sa lamesa.

"hanapin mo pake ko kate" walang ganang saad ko sa kanya.

"Wag na nating pag usapan, bawal ang masamang balita haha"natatawa kong saad pero sa katunayan ayaw ko lang pag usapan dahil hanggang nababangit sya bumabalik sakin lahat ng sakit.

"So saan tayo mag cecelebrate?" Tanong ni kate habang kumakain ng bacon. Mabunan ka sana.

"Ewan kayo bahala" umupo ako saka kumuha ng egg saka bacon.

"Bar" saad naman ni kate saka ako nginisian.

"Bar then" natatawa kong saad. Syempre jusko ko din namang mag enjoy halos ilang week din akong nag dusa kaka review.

"Ayain mo din si kyle" saad ko kay kate. Para kung may malasing man may aalalay at alam kung Hindi ako yun hahaha. Alam ko namang lahat kami malalasing HAHAHA.

"Ako na mag huhugas ng plato" presinta ni kate. Tumayo ako saka kumuha ng bottled water sa ref.

"Aba dapat lang ako kaya nag luto"sabay irap ko sa kanya saka ako tumawa. Sarap asarin ni kate, hindi kasi sya marunong mag luto pero marunong naman syang mag hugas ng plato HAHA.

"Kate tara sa mall shopping" aya ko kay kate.
Trip kolang pumunta sa mall bakit ba.

"Tapos dun nadin tayo mag lunch" saad kopa.

"Sige, maligo kana susunod ako" sagot naman ni kate.

Pumunta ako sa kwarto at kinuha yung towel saka robe ko. Dalawa kasi ang kwarto dito pero iisa lang ang cr.

Pumasok ako sa cr saka ko ginagawa yung mga milagro char. Naligo ako ng maayos dahil ayoko naman mangamoy mabaho, sino namang gustong mangamoy ng mabaho diba?.

Lumabas ako Ng cr at nakit ko naman si kate na nag aayos ng susuotin nya madadaan mo kasi yung kwarto nya kumbaga mas malapit sa kanya yung cr.

"Kate ikaw na" katok ko sa pintuan nya. Slightly open lang naman kasi.

Nag punta na ako sa kwarto ko at nag bihis nya nag suot lang ako ng high waist tapos croptop na baby blue. Nag lagay din ako ng kunting bb cream saka liptint at kunting blush. Kinulot ko nalang yung ibaba ng buhok ko saka ko ilulugay.

Kinuha ko din yung shoulder bag ko sa cabinet. Nilipat ko yung wallet ko doon halos ilang linggo kasi na bagpack ang gamit ko para comfortable na mag dala ng madaming papers.

Nag suot lang ako ng din ako stilleto  para mas bagay sa suot ko.

Lumabas ako at pumunta sa sala. Tapos nadin pala maligo si kate nag bibihis na ata naririnig ko kasi na may music sa kwarto nya. Ganyan yan si kate nag papa music habang nag bibihis.

Umupo ako saka nilabas yung cellphone ko. Nag open muna ako ng Facebook ko andaming nag congratulate sakin nag post din kasi ako kanina ng screen shots ng pangalan ko sa mga nakapasa.

Nag thankyu ako sa kanila Hindi ko naman na ito maiisa isa dahil ang dami nila.

Next kong binuksan ay yung email ko.
Andami ding nag congratulate sakin sa email pero may isang pumukas ng pansin ko halos anim na offers ng trabaho.

Halos puro clinical doctor yon na nakanlocate sa cavite, tagaytay, pasig at iba pa.  Hindi pa naman ako nakakapag decide kung saan ako mag tratrabaho pero gusto ko sanang mag trabaho na agad.

Meron pa palang isang email sakin,Nagulat naman ako saka ko ito binuksan.

Offer pala ito ng trabaho  animal hospital natuwa naman ako dahil syempre that's my dream. Mas maganda kasi kung hospital, pero balak kong mag patayo ng clinic pag nakapag ipon na ako.

Pero hindi ito sa pilipinas.

Sa france ang location ng job. Sakto namang lumabas si kate sa kwarto nya, ayokong iwan si kate dito sa pilipinas kaya nag dadalawang isip ako na tumuloy sa france.

Pero sinasabi ng isip ko na umalis na dito sa pilipinas. Isa nadin itong paraan para maka limot sa mga nakaraang Hindi naging maganda.

Pwede naman sigurong sarili ko naman ang isipin ko

_________________________________________
Stay safe everyone ❤️
<3

my husband is my professorWhere stories live. Discover now