Chapter 1

15.2K 420 12
                                    


author's note: (24sept 2020)

complete ang kwentong ito rito sa wattpad. all chapters are posted here ^_^

this was written around 2012 and published around march2013, if i remember correctly.  for me, this is a sweet and simple story. walang masyadong drama. and i like it for its simplicity and heart. sana magustuhan niyo rin sina eva at damien ^_^

and of course, raw ang version na ito. ako lang ang nag-edit. may mga konting scenes din ata na nabago dito doon sa printed copies. pero i think very very light lang naman. wala namang pinagbago 'yung k'wento sa pinagkaiba nila. 

happy reading!



Chapter One

She was probably a criminal in her past life.

Mapait na tumawa si Eva sa isiping iyon. Pinahid niya ang mga luha sa pisngi at tumitig sa windshield ng kotse na hinahampas ng malakas na hangin at ulan.

Tumunga siya ng isa pang lagok ng Jack Daniels na hawak niya at marahas na pinunas ang labi nang mapaubo siya. Kahit ang katawan niya ay ayaw makisama sa kanya. Gusto lang niyang maglasing nang maglasing hanggang sa wala na siyang maalala.

Pero mauubos na niya ang bote ay malinaw na malinaw pa rin ang isip niya. Malinaw na malinaw pa rin sa kanyang alaala ang hitsura ng fiancé niya at ng haliparot nitong sekretarya na magkalingkis ang mga walang saplot na mga katawan. She could still hear their moans and groans as they f-ck each other to oblivion. Tinakpan niya ang bibig at sumigaw siya sa kanyang palad. Kitang kita pa rin niya sa isipan sa sahig ang mga ito, sa sahig ng mismong bahay na lilipatan nila ni Gedrick pagkatapos ng kasal nila sa isang linggo. They were f-cking at the very carpet she and Gedrick chose last week. Sumigaw siya at hinampas ang bote ng alak sa bintana ng passenger seat. Nabasag iyon at kumalat sa salamin at upuan ang mga bubog at likido.

Napuno ng hikbi ang loob ng kanyang sasakyan. Kitang-kita pa niya sa isipan kung paanong malamig siyang tinitigan ng nobyo at kung paano sinabi nitong umalis muna siya at mag-uusap na lang sila bukas ng umaga.

Marahas siyang tumawa.

Yes, sigurado siya, kriminal siya nung nakaraang buhay niya.

Dahil wala siyang makitang dahilan kung bakit kailangan niyang

pagdaanan ito sa buhay niyang ito. Niyakap niya ang nanginginig na katawan.

She was Eva Eunice Alonzo—sweet, gentle, goody two-shoes Eva Alonzo. She was never rude or cruel to anyone, she always tried to please everyone, she never hurt anyone, she never said bad things about anyone, she never even broke traffic lights!

Mapait siyang tumawa habang humihikbi. Pero tila walang silbi ang pagiging mabait niya kahit kanino, kahit sa mismong ama niya na dapat ay alagaan at protektahan siya. Lalo siyang napahikbi sa mga alaala. Naalala niya kung paanong umiiyak siyang tumungo sa mansion ng Daddy niya, kung paano niya sinabi rito ang nangyari at kung paanong pinakiusap niyang tapusin na nito ang engagement niya sa anak ng kasosyo nito. Naalala niya kung paanong kagaya ng nobyo, malamig siyang tinitigan ng ama at sinabihan siyang kumalma.

She laughed hysterically as her tears kept flowing madly.

Naalala niyang imbes na aluhin siya at ipagtanggol, malamig lamang nitong sinabi na hindi niya maaaring tapusin ang engagement. May bumili ng malaking porsyento ng mga stocks nila at nanganganib na kainin ng isang malaking korporasyon ang maliit na real estate firm nila. Naalala niyang idiniin sa kanya ng ama na ang anak ni Congressman Rivero na lamang ang pag-asa nila.

Reckless PassionWhere stories live. Discover now