Chapter 4

7.7K 331 8
                                    


Chapter Four

"You need to clean your attic," matabang na sambit ng dalaga habang hinahalukay nila ang isang kahon na puno ng mga anik-anik. Nasa loob sila ng attic at hinahanap ang lantern na alam niyang dito niya nilagay nang huli siyang pumunta dito. Nakahanap sila ng flashlight sa mga silid pero napagpasiyahan nilang maging handa at hanapin na rin ang debateryang ilawan.

"You have too many clutter here," she mumbled as they searched for the lantern.

Totoo ang sinabi nito, maraming mga kung anu-ano sa loob ng attic na iyon. Lumang mga larawan, mga damit, mga antique vases at chinaware na hindi na nila ginagamit. Ang tatay pa niya ang nagtago ng mga iyon. His father had a thing for holding on to old things even when they no longer needed it. He supposed nahawa na rin siya rito.

"I couldn't just throw them or sell them, antique 'yung iba sa mga 'yan," aniya habang itinutulak ang isang kahon.

"True. Ganyan din si Daddy, ang daming mga antique na kung anu-ano na hindi naman ginagamit. I get the point pero parang sayang lang. Sometimes you have to let go of some things so there could be room for new and more important things. Just pick the things that are most important and let go of the rest. Mas makakahinga ka ng maluwag kapag gano'n."

Napasulyap siya rito. Nakakunot ito habang tinititigan ang inaalikabok na mamahaling chinaware na nabuksan nito.

"I have a feeling you're not just talking about physical clutter."

Nagtaas ito ng tingin sa sinabi niya. Tapos ay nagkibit balikat ito. "Yeah, I guess. My mom is a well known ballet dancer, you know. Nang manganak siya iniwan niya 'ko kay Daddy. My Dad had always been bitter about it. Kahit na nag-asawa na ulit siya at may anak na rin sa stepmom ko, bitter pa rin siya. Kapag galit siya sa 'kin pinapaalala pa rin niya sa 'kin ang biological mom ko. That's just sad. Even now he's still angry. It's more than twenty five years and he's still hung up about it. He really had to let go of some things."

Muli, walang pait o galit sa pagsasalita nito. She was just talking about it as if she was commenting on the different types of baking powder. Napatingin ito sa kanya nang mapansin nitong nakatitig siya rito. Nahihiya itong tumawa.

"I'm sorry, did I make you feel uncomfortable? I don't usually talk about my life like this. It's probably the weather." Umiling ito at ibinalik ang atensyon sa mga chinaware.

Isinara nito ang kahon at inurong, tapos ay napasinghap ito. May inabot ito sa likod ng inurong na kahon.

"Hey, I found the lantern!" Ngiti nito at itinaas ang debateryang ilawan. He found himself smiling back at her.

"Balik na tayo sa kusina! I'm still kinda hungry. What do you want me to cook?"

Tumayo sila at pinagpagan ang mga sarili. Dahil sa brown out ay naudlot ang agahan nila. Kinuha niya rito ang ilawan at bago pa ito makapagprotesta ay hinila niya ang kamay nito. Her hand seemed to fit perfectly in his. She frowned at their entwined hands.

"The kiss meant nothing, you know. Nadala lang tayo sa atmosphere kanina," kunot noong sambit nito sa kanya.

Ngumisi siya at dinampian ito ng halik sa bibig.

She glowered at him and he grinned wider.

"Come on, I'm hungry too." At hinila na niya ito palabas ng

attic.

DATI ay hindi na niniwala si Damien sa kasabihan na The way to a man's heart is through his stomach. He thought that was stupid. Tingin niya ay napakababaw naman ng isang tao kung mahuhulog ang loob nito sa iba ng dahil lang sa pagkain. Pero habang natutunaw sa bibig niya ang mashed potatoe na niluto ni Eva, tingin niya ay baka talagang pakasalan niya ang babaeng ito para lang lutuan siya lagi ng ganito.

Reckless Passionजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें