Chapter 9

13.9K 446 57
                                    


Chapter Nine

"Eva, we're here."

Masuyo siyang hinagkan ng nobyo sa sentido para gisingin. Kinusot niya ang mga mata at tumingin sa paligid. Nakahinto na ang Hummer ni Damien sa tapat ng bahay bakasyunan nito.

Hindi niya napigilan ang pagngiti.

She had many wonderful memories here. Iginala niya ang mga mata sa malaking villa. She missed this place. Ito ang unang beses na nakabalik siya rito matapos ang away nila sa Hotel.

Lumabas ang binata ng sasakyan at tinungo ang side niya ng pinto. Binuksan nito iyon at inalalayan siyang lumabas.

"Careful," anito sa pagbaba niya. Hindi niya napigilan ang pagtawa.

"I'm not invalid, Damien. We're not even sure if I'm pregnant yet."

"About that, let's visit the doctor tomorrow."

"Akala ko ba sa isang linggo pa darating yung gynecologist na pupuntahan natin?"

Napakagat labi ito na parang bata na nahuling pineke ang excuse letter nito sa klase.

"Uhm.. actually, matagal nang nakabalik yung gynecologist." Hinawakan siya nito sa likod at giniya papuntang pinto ng villa. Naguguluhan niya itong tinitigan.

"What?"

"Uhm...ano kasi." He looked at her sheepishly. "I was kinda worried that if you're not pregnant, you might suddenly pack your bags and leave."

Napaawang ang mga labi niya. Umungol ito. Binuksan nito ang pinto at giniya siya sa loob.

Hinarap niya ito at hinintay na magpaliwanag.

"Explain." Nakahalukipkip na siya.

He groaned and wrapped his strong arms around her waist. Isinubsob nito ang mukha sa kanyang leeg. His warm musky scent enveloped her and she forced herself not to get distracted. Napansin niya na habit nitong yakapin siya at isiksik ang mukha nito sa leeg niya kapag gusto siya nitong i-distract sa kung anong ginawa nito. And damn it was effective!

"Damien, you should really stop trying to distract me like this!"

Naramdaman niya ang pagngiti nito sa kanyang leeg. "Is it working?"

"Damien!"

Tumawa ito at dinampian siya ng halik sa leeg. Tumuwid ito pero nanatiling nayakap sa kanyang baywang. His thumbs drew lazy circles across her lower back.

"I was just worried. Alam mo na, dahil do'n sa mga sinabi ko sa 'yo sa hotel. I made you feel that I was only keeping you to make sure whether you're with child or not. I know you were still somewhat angry with me. Ayaw mong tanggapin yung mga ebidensyang binibigay ko at hindi pa talaga tayo bati bago kahapon. So I was worried that the only reason you're not completely kicking me out of your life is because of the possibility of pregnancy. Then what happens if you're not with child? Baka sa inis mo sa 'kin bigla ka na lang mag-alsabalutan at pumunta sa kung saan kapag nalaman mong wala namang bata na magpupuwersa sa 'yong manatiling konektado sa 'kin."

Nakakunot noo na ito at tila nag-aalala.

"Please don't be angry, I was just being stupid."

Sinubukan niyang magalit kahit kaunti pero hindi niya magawa. Medyo nainsulto siya dahil parang hindi na naman ito nagtiwala sa kanya pero hindi pa rin niya magawang magalit doon. For one, he was right; she was not the friendliest person to him these last two weeks. She blamed it on the hormones.

Reckless PassionWhere stories live. Discover now