Chapter 6

8.1K 350 32
                                    


Chapter Six

"Eva, stop fidgeting."

Hinagkan siya ng binata sa noo habang nasa loob sila ng limousine. Pinadala iyon ng uncle ni Damien kanina para sunduin sila. Mula sa bahay bakasyunan, nagmaneho sila sa bayan at nag-check in sila sa isang hotel doon. Doon na rin sila nagbihis. Tinawagan niya ang kaibigan niyang stylist kahapon at pinakiusapan itong dalhan siya ng gown para sa function. Sa hotel na ito dinala ng kaibigan niya. Doon na rin sila sinundo ng limousine.

"Baka may mga kakilala kasi ako do'n. They might get shock to see me with you. Hindi pa formal na tinatapos yung engagement ko. And your uncle might hear about it and he might not—"

Pinutol siya ni Damien ng mga halik sa mga labi. He held her by the nape as his tongue plundered her mouth. She moaned and pressed herself closer to him. Kinagat nito ang pang-ibabang labi niya bago lumayo nang kaunti sa kanya.

"My uncle will like you, trust me."

Mainit ang mga pisngi niya at pinilit niyang tumango.

She started fidgeting at her gown again. She was wearing a red satin body hugging gown with a sweetheart neckline. Nakalugay lamang ang mahaba at tuwid niyang buhok. She had minimal make-up as well. Ayaw niyang magmukhang OA sa harap ng tiyo ni Damien.

Hinagkan siya ng binata sa leeg. "You look beautiful."

Nag-init lalo ang kanyang mga pisngi, napakagat labi siya. "You don't look too bad yourself."

"Oh really?" he grinned. Bago pa siya nito mahagkan ulit ay

huminto na ang limousine. Muli siyang nilukob ng kaba. Agad hinagilap ng binata ang isang kamay niya at hinagkan iyon.

"Everything's going to be fine, I'm here beside you."

Muli siya nitong dinampian ng halik sa mga labi bago sila lumabas ng sasakyan.

Isang makisig na matandang lalaki ang sumalubong sa kanila sa lobby.

"Damien!" Mainit nitong niyakap ang binata. Nilibot niya ang paningin sa paligid at nakita niyang may media na sa lobby at naroon na rin ang marami sa bisita. So far, wala pa siyang nakikitang kaibigan o malapit na kakilala.

"I'm sorry, are we late?" tanong ng binata.

Mabilis na umiling ang matandang lalaki. "Tama lang ang dating mo. We're going to start in a few minutes."

Napabaling ang tingin nito sa kanya at hindi niya mapigilan ang manigas. Agad siyang hinawakan sa likod ng binata.

"Uncle, this is Eva Alonzo. Eva, this is my uncle Jerardo Griego."

Agad siyang ngumiti sa tiyo Jerardo ni Damien pero nanigas ang ngiting iyon nang makita niya ang reaksyon ng lalaki. Tila may nalasahan itong hindi maganda.

"Uncle."

Rinig niya ang tension sa tinig ng binata. Naramdaman niya ang matinding kaba sa dibdib. Nangyari ang kinatatakutan niya. Ayaw sa kanya ng tiyo nito! Namawis ang mga palad niya.

Maagap na pinagsaklop ng binata ang mga kamay nila at pinisil nito iyon. Napatiim bagang ang tiyuhin nito nang makita iyon.

Tumitig ito sa kanya. "Eva Alonzo? By any chance, are you related to Francisco Alonzo?"

Tuluyan nang nanigas ang kanyang katawan. Oh, God, kilala nito ang tatay niya! Maaring kilala rin nito si Gedrick! Maaring akala nito ay fiancé pa rin niya ang lalaking iyon.

"Uncle, what are you doing?" Damien's voice was already tinged with anger. His hand slid around her waist as if giving her moral support.

"Let her answer it." Napakaseryoso ng matandang Griego. Bumaling ang tingin nito sa kanya.

Reckless PassionWhere stories live. Discover now