HER HERO HER BELOVED MAN 7

97 11 5
                                    

Chapter Seven

Maaga palang ay nagising na si Shaira at kasulukuyan na rin siyang nagkakape sa balcony. Hinanap niya kanina ang binata pero hindi niya ito makita. Basta pagkagising niya kanina ay naabutan na lamang niyang nakabukas ang ilang bintana at pintuan. May nakahain na rin almusal pero hindi pa iyon nagagalaw at nababawasan. Marahil hinintay muna siya nitong magising bago maunang kumain.

Asan kaya ang lalaking iyon? Nangahoy kaya?

Mostly kasi sa mga taong nakatira sa tagong o liblib na lugar ay madalas ang gawin ng mga tao roon ay mangaso ng mga kahoy para magamit sa pangluluto. Minsan naman ay magsibak.

Nasagot lamang ang tanong niyang iyon sa isip ng matanawan niya ang bulto ng lalaking hinahanap. Nangaso nga ito dahil may ilang sukbit itong kahoy sa balikat. Pero ang mas nakaagaw ng pansin sa kaniya ay ang hubad nitong katawan.

Sheyt! Ang macho nga talaga ng antipatikong ito. Tamang-tama may kape na ako. Pandesal na lang ang kulang. Yummy!

"Done staring?"

Bahagya siyang napakurap ng marinig ang boses nito malapit sa kaniya. Naginit ang buong mukha niya.

Sheyt talaga!

Ngayon lang niya kasi napansin na nasa harapan na pala ang binata at halos namamayagpag ang matitigas nitong pandesal sa katawan na para bang kaysarap lamutakin na kahit anong oras.

Bakit ba kasi siya nakahubad Jusko! Pwede naman kasing mangaso ng nakadamit pero ang lalaking ito mas piniling ibalandra ang pawisan nitong katawan sa harapan niya. Naglalaway tuloy siya.

"A-ano bang pinagsasabi mo. Nakatingin lang ako sa mga dala mong kahoy noh." Depensa niya saka kunwaring umirap rito para maibsan ang pagkakapahiya.

"Ah. Akala ko kasi sa katawan ko ka nakatingin. Nakababa kasi mata mo."

Sira-ulong 'to ah!

"Psh. Bakit ka ba kasi nakahubad? Dapat nakadamit ka habang nanganga-Teka, nangaso ka ba talaga?"

Marahan itong tumango at tuluyan ng ibinaba ang bitbit na mga kahoy na nasa balikat pa rin nito.

"Araw-araw mo bang ginagawa iyan?" Ang tinutukoy ay ang pangangaso nito.

"Yeah. Mostly if when needed."

"Kaya naman pala."

Tumaas ang dalawa nitong kilay.

"Wala. Sabi ko magpahinga ka na para makakain na tayo. Nakakahiya. Ikaw pa ang nagluto, sana ginising mo na lang ako kanina para ako na ang nagluto ng almusal." Wika niya habang nakababa ng tingin sa paanan niya.

Napansin din niyang walang sapin ang paa ang binata.

"Bakasyunista ka kaya marapat lang na asikasuhin kita."

"Pero hindi mo ako bisita para asikasuhin. Nagkataon lang na iniligtas mo ako sa masasamang tao na iyon."

"Pero sumama ka sa akin kaya bisita na rin kita." Giit pa nito sa kaniya.

MY LOVE MY HEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon