HER HERO HER BELOVED MAN 16

80 8 11
                                    

Chapter Sixteen

Nasa hotel na uli si Shaira at kasama si Mike at naroon pa rin ang pinsan niyang si Reeyah. Kanina pa din niya napapansin ang panaka-naka nitong irap sa lalaki. Marahil hindi nito gusto ang presensya ng kaniyang Ex.

"Let's order?"

Marahan siyang tumango sa binata at kinuha ang menu. Ang pinsan naman niya ay hindi gumagalaw sa pwesto nito at tila walang balak umorder ng makakain.

"Hindi ka ba kakain Re?" Tanong niya sa pinsan.

Reeyah rolled her eyes and gazed Mike.

"If I'm not forgotten this is my hotel kaya kahit hindi naman ako umorder may magseserve pa rin ng pagkain para sa akin."

"Oh, that's great." Ika naman ng binata.

"Ikaw kausap ko?" Pasiring naman na sabi ni Reeyah sa binata.

"Ha?" Tila gulat na gulat naman ang binata sa pagtataray ng pinsan niya.

"Don't mind her. Medyo bad mood kasi siya ngayon kaya nagtataray." Wika niya kay Mike saka pinandilatan ang kaniyang pinsan. Umayos ka!

Pinaikot lang nito ang mata sa kaniya.

"Oo nga pala Mike, Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong niya sa binata matapos niyang mamili ng order.

Nagangat ito ng tingin sa kaniya at nginitian siya.

"I went to your house and asked your parents but they said, You're not there. Ang sabi ng Mommy mo ay narito ka raw sa Moonlight at kasama ang pinsan mo." Wika pa nito saka nilingon ang isa pang dalaga.

Napatawad na ito ng kaniyang magulang. Katulad ng paniniwala niyang hindi dapat nagtatagal ang galit sa isang tao kahit na napakalaki ng nagawang kasalanan ay dapat pa rin patawarin. Ika nga, Second chance is free to use when people wanted to change. At ganon ang ginawa nila. Binigyan nila ng pagkakataon ang binata iyon nga lang ay bilang civil sa isa't-isa.

"Buti pinayagan ka ng Girlfriend mong magpunta dito?" Narinig niyang tanong ni Reeyah kaya mabilis niya itong pinandilatan uli.

"Nagpaalam naman ako ng mabuti. So, she let me to go here."

"Bakit hindi mo siya sinama? Para naman may maipakain ako sa alaga kong pating." Sabi pa nito sa tonong nangaasar.

"W-what?"

"Wala. Sabi ko, tapusin mo ng mamili ng order mo baka kasi nagugutom ka na."

Dahan-dahan itong napatango sa pinsan niya.

"O-okay."

Napailing na lamang siya sa kaniyang pinsan. Mula ng malaman nitong niloko siya ng lalaki ay ganon na lamang ang galit nito at mantakin ba naman gusto pa nitong sugurin at sunugin ang tinitirhan nito kasama ang babaeng ipinalit sa kaniya. Halos daig pa siyang niloko. Siya na niloko umiyak lang pero ang pinsan niya halos gusto ng pumatay. Ganon kabayolente ang pinsang niyang ito.

Marami pa silang napagusapan at tungkol na rin iyon sa ipatatayong negosyo raw ng binata. Lihim siyang natuwa para sa binata. Dahil kahit papaano ay nagkaroon na rin ito ng pagkakaabalahan. Hindi kasi tulad noon sila pa ay umaasa pa rin ito sa magulang at halos lahat ng luho nito ay ibinibigay rito kaya naman laking tuwa na rin niya at medyo nagbabago na ang binata.

MY LOVE MY HEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon