HER HERO HER BELOVED MAN 17

89 9 2
                                    

Chapter 17

Halos magtakip ng kaniyang tainga niya si Shaira dahil sa magkakasunod na sermon sa kaniya ng Mommy niya. Nalaman kasi nito ang binabalak niyang pagpunta sa bicol. At mukhang natunugan siya sa pinaplano niya.

"Ano bang iniisip mo Shaira? Napahamak ka na 'di ba at gusto mo pang maulit iyon? Anak naman!" Hestirikal nitong sabi sa harapan niya.

"Mom, nagiingat naman po ako."

"Nagiingat? The last time you went there napah-Basta hindi ka pupunta sa lugar na 'yon!"

"Mommy!"

"No. Listen to me Shaira, ayoko ng mapahamak uli. At kapag may nangyari pa sa 'yo ay baka hindi ko na kayanin pa!" Halos naiiyak ng sabi nito.

Napatigil siya.

"Mommy, bakit ba ayaw mo akong pagkatiwalaan? Am I not old enough to walk alone for myself?" Wala sa sariling nasambit niya.

"Anak, Hindi sa ganon."

"Pero iyon ang nararamdaman ko, Mommy. You can't even untrust me. You always make me feel that, I'm still seventeen years old even not." Pahina ng pahina ang boses niyang iyon.

Natahimik ang mommy niya sa sinambit niyang iyon.

"Ayoko lang mapahamak ka anak, alam mo naman nagiisa ka lang sa buhay namin ng daddy mo tapos mawawala ka pa." Narinig pa niya uling sabi ng ina niya.

"Mommy, please, trust me this time." Nakikiusap na sabi ni Shaira sa kaniyang ina.

Ilang segundo itong hindi umimik.

"Payagan mo anak mo. Kailangan mo siyang pagkatiwalaan sa pagkakataong ito. Just let her." Narinig niyang sabi ng kaniyang ama.

Kaagad na lumingon rito ang Mommy niya.

"Pero-"

Lumapit ang Daddy niya sa Mommy niya at inakbayan ito.

"Sweetheart, Hindi natin malalaman kung kaya ng anak mo ang mabuhay ng magisa kung hindi natin magagawang magtiwala sa kaniya. Oo, aminado akong natakot din ako sa nangyari sa kaniya noong nakaraan isang buwan pero hindi sapat iyon para tuluyan tayong mawalan ng tiwala sa kaniya." Saad ng kaniyang ama.

Hindi nakakibo ang Mommy niya.

"Kung mawawalan tayo ng tiwala sa kaniya at didiktahan natin siya, She will not find her happiness. At hindi dapat natin ipagkait iyon sa kaniya." Muli pang saad ng ama niya.

Lihim siyang napangiti. Kaya mahal na mahal niya ang kaniyang ama ay dahil malaki ang tiwala nito sa kaniya. Para sa kapakanan niya ay gagawin nito ang lahat para maging masaya lang siya.

"Fine. Papayagan na kita. Basta ipangako mong hindi na mauulit ang nangyari sa 'yo. Mangako ka Shaira." Wika ng kaniyang ina sa mariin na tono.

Ngumiti si Shaira saka tumayo at lumapit sa magulang niya. Yumakap siya sa mga ito ng mahigpit.

"Pangako ho Mommy, Hindi na po mauulit 'yon sa akin." Sabi niya sa may tonong may lambing.

MY LOVE MY HEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon