Paper Planes and Porcelains

131 6 2
                                    

Rosé's POV

Nasa library ako ng aking paaralan. First day ko pa lang dito sa paaralan na ito. I'm a 4th year college student. I'm actually studying tourism.

Mag-isa lang ako dito sa mapayapang parte ng library. Specifically, sa isang aisle na walang tao.

I'm looking for a book that would be interesting to read. What got my attention was the book that was out of the shelf.

Just beside a porcelain vase.

Kukunin ko na sana ito nang biglang may kamay na bumangga sa aking kamay. 

Ano yun? Bat ba parang nakuryente yung kamay ko?

" I'm sorry miss pero akin kasi tong libro. I've left it here pala."

Tinignan ko siya at parang bumagal ang ikot ng mundo.

Nanghina yung mga tuhod ko nang ngumiti siya sa akin.

Siya na ba, Lord?

"I'm Lalisa Manoban, by the way. You can call me Lisa."  sabi niya na may malawak na ngiti habang inilahad ang kanyang kamay.

"Roséanne Park, but my parents call me Chaeyoung." sabi ko tas inabot ang kanyang kamay.

Ang lambot

"Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita at nag-iisa ka lang dito. If you don't have friends here, I'll be one!"

Napatawa naman ako sa kanyang pagsigaw. I composed myself first before speaking,

"Oo, bago lang ako dito. So FRIEND, can you perhaps tour me around since may 30 minutes pa before magsimula yung klase"

Agad naman siyang tumango at agad na kinuha ang aking kaliwang kamay. 

Why do I feel like I found the one?

"Let's go!" sigaw niya at tuluyan na kaming lumabas sa library.

•°•°•

Hindi pa namin naikot ang buong school dahil sa kalakihan nito. Habang nag-iikot kami, napapansin ko na maraming mga estudyante ang nakatingin sa amin at nagbubulungan.

May ibang kinikilig habang tumitingin kay Lisa, may iba naman na parang hihimatayin na.

I feel you girl.

Tatanungin ko na sana siya tungkol sa status niya sa school pero abala siya sa pagkukuwento ng mga bagay na nangyari sa bawat parte ng paaralan.

Sikat ka ba Lalisa? Mga babae at lalaki na estudyante dito naglalaway sayo eh.

"May kaagaw ba ako sayo?" napansin ko naman na huminto siya at lumingon sa akin.

Don't tell me she heard it. Stupid thoughts!!!

"May sinabi ka ba Chaeng?" nakangiti niyang tanong.

"Ah, oo. Nagtatanong lang ako kung ano yung kurso mo"

Umiling-iling siya ng konti at inakbayan ako habang patuloy kami sa paglalakad.

Luh. Bat ka ba ganito?

"Business Management yung kinuha ko. How about you?" tanong niya sa akin.

"Tourism yung sa akin." sagot ko.

"Aaahh. Bagay sayo yung course mo dahil matangkad ka tas..." umatras siya at tinignan ako mula paa hanggang sa mata.

Nagkatitigan kami ng ilang segundo at dun, masasabi ko na isa itong mahabang-habang kwento para sa aming dalawa.

"Yaaah Lisa! Ang pervert mo!!!" sabi ko sabay hampas ko sa kanya.

LIFETIME ( ChaeLisa )Where stories live. Discover now