Mga Bwisit Nagbabalik

1.1K 16 0
                                    

*IAmTheGoodWife*

Part8

Odette*
POV

Papalapit na ngayon ang impaktang Babae na si Mae saken. Malungkot ang reaksyon nya at base lang naman sa nakikita ko e nasa anim o pitong buwan na itong Tyan nya. Malaki na kase. Bilog na bilog pa.

"Bes. Mag-usap tayo. Please." Pagmamakaawa nya.

Inirapan ko sya saka gigil na sinagot nang... "Hmp! Ayoko. Umalis kana dito. Tyaka wag mokong ma Bes bes. Hindi kita Kaibigan kase Ahas ka..."

Lumuhod ito bigla sa harapan ko. Nagmamakaawa na patawarin ko sya sa nagawa nya saken na inagaw nya si Marco.

"Wala na yon. Wala na kong pakelam dun. Wala na kong pakialam sa inyo. Umalis kana dito. Magsama kayo ni Marco pareho naman kayong Baboy. Wala kong pakelam sa inyo..." Sabi ko.

Aba at umiyak na ito ngayon na akala mong inaapi.

"Hindi ako maaawa sayo Mae. Hinding-hindi ako maaawa sa gaya mong Ahas. Patalikod mo ba naman akong ginagago." Sabi ko.

Binuksan ko agad itong pinto saka dali-dali pumasok. Iniwan ko si Mae na nakaluhod at umiiyak dun sa labas. Tumakbo ako papunta sa Kwarto namin ni Ionny. Walang Tao dito kundi ako lang. Kaya, hindi ko na mapigilan. Naiyak na ko. Napakasakit kase nauwi kame ni Mae sa ganito. Tinuring ko syang Kapatid na halos kung saan lahat i she share ko sa kanya pero pagdating sa Asawa. Ibang usapan na yun. Pero nagawa parin nyang agawin saken si Marco. Dahil sa kanya nasira yung mahabang panahon na pinagsamahan namin ni Marco.

"Jusko. Bakit ako maaawa. Ginago nila ko..." Iyak ko.

Mahal na mahal ko si Mae. Sobra. Simula magka-isip kameng Dalawa magkasama na kame. Naglalaro at madalas pinagtatabi kame ng mga Magulang namin sa pagtulog. Pero ngayon. Pati sa Asawa ko e nakikitabi na din sya.

"Simula ngayon. Kailangan kong maging matapang. Hindi ako papayag na maawa basta-basta sa mga taong nanakit saken..."

Magsama sila ni Marco. Masaya na ko ngayon. Nagdasal ako mabuti na sana ay patahimikin na nila ko.

*

Paggising ko nakita ko ang Mukha ni Ionny. Nag-aalala sya habang pinupunasan ang Pisngi ko na basang-basa ng Luha.

"Anong nangyare Odette. Inaway ka ba nung Leo na yon?" Sabi nito.

"H'Hindi si Leo. Uhm. Yung dati kong Bestfriend. Nagpunta dito. Gusto makipag-usap pero. Pinagtabuyan ko sya. Tama lang yung desisyon ko diba?" Iyak ko.

Inalalayan ako ni Ionny sa pag-upo. Malungkot na malungkot ako dahil sa nangyare kanina. Hindi ko kase talaga inaasahan na pupuntahan ako dito ni Mae.

"Girl. Alam mo. Mas maganda kung umiwas ka muna. Basta iwas lang. Hangga't maari wag mo syang papansinin. Hayaan mo munang maghilom yang sugat ng kahapon mo." Mahinahon na sabi nito.

Niyakap ko si Ionny saka ito patuloy sa pagbibigay ng payo saken at nakikinig naman akong mabuti. Pareho kame ng pinagdaanan ni Ionny. Niloko din ito ng Asawa nya noon at ang masakit. Sa Kapatid nya sya pinagpalit nung dati nyang Asawa. Kaya ngayon nag-iisa lang si Ionny sa buhay dahil sa Ate nyang mang-aagaw at pinapalabas pa raw na si Ionny ang nagloko kaya gumanti yung Dati nyang Asawa.

"Basta. Ipahinga mo muna yang Puso mo. Hays. Ewan ko rin ba sa Ex Friend mo. Bakit nanggugulo pa." Sabi nito.

"Nagulat na nga lang ako. Sa loob ng isang taon ngayon ko lang ulit nakita at naka-usap yun." Sabi ko.

Pinapakalma na ako ni Ionny. Sabi nya kailangan kong magrelax at wag isipin ang mga taong sumira sa buhay ko. Pumikit ako tyaka yumakap sa kanya ng mahigpit.

I am the Good Wife (COMPLETE)Where stories live. Discover now