Huli

1K 14 1
                                    

*IAmTheGoodWife*

Part9

Odette*
POV

Agad kong nilingon si Marco. Aba at nakangisi pa ito saken. Nakakainis na hindi ko maintindihan pero nasasaktan ako sa ginagawa nya saken. Iniisip ko. Anong bang kasalanan ko at ginaganito nya ko.

"Marco. Ano bang problema mo? Nananahimik na ko." Sabi ko.

"Hmm. Wala naman akong problema. Pwera nalang pag hindi ka sumunod sa Gusto ko. Magkaka Problema ka. And i'll make sure of that." Gigil na sabi nya.

"Sumunod?? Bakit naman ako susunod sayo? Pwede ba. Lubayan mo ko. Masaya na ko sa buhay ko."

"Hindi ka sasaya sa iba. Saken lang Odette. Kapag sa iba ka sumama sisirain ko yang Buhay mo!" Sigaw nya.

Maiiyak na tuloy ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Bakit ganito si Marco. Bakit hindi pa sya sawa na saktan ako. Ano kayang kailangan nito saken at kailangan pa nyang sirain ang samahan namen ni Leo.

"Hindi ka sasaya kahit kanino. Saken lang. Saken ka lang sasaya. Tandaan mo yan. Pumunta ka sa Bahay ko. Bukas ng hapon alas tres. Pag hindi ka lumitaw. Nakikita mo tong mga Litrato na to. Isesend ko to kay Leo." Gigil na sabi nya saka na sya tumalikod samen.

Naglakad sya palayo samen ni Ionny saka na ko naiyak. Nakakabigla kase yung pag-uusap naming yun. Tila mabubuwal ako sa sama ng loob. Inalalayan agad ako ni Ionny saka pinapakalma.

"Halika girl. Wag mong pansinin yung demonyo mong Ex. Isend nya kay Leo kung gusto nya. Sasabihin naman natin kay Leo na walang malisya yun e." Sabi nito.

"Sana nga. Pero baka mawala si Leo saken. Baka pandirihan nya ko pag nakita nya yun..." Iyak ko.

"Hindi. Wag mong isipin yun. Tara na. Hayaan mo yung Demonyo na yon."

Sumunod nalang ako. Naglakad na kame ni Ionny. Sumakay kame agad sa Jeep na huminto sa kanto na to. Sa Apartment ang uwi namen.

*

Makalipas ang ilang minuto

Nandito na kame sa Apartment ni Ionny. Sya na tong nagbukas ng pinto. Nag-aalala ako ngayon kase iniisip ko yung Litrato namin ni CJ. Ang pangit ng kuha nun. Sobrang pangit at para kameng naglalandian sa kuha nun. Para bang may something kame.

"Halika na." Aya ni Ionny.

Naglakad na kame papasok sa Apartment na to.
Isinara nya yung pinto saka ni-lock. Dumiretso ako sa Kwarto. Balak ko na kaseng maglinis ng Katawan. Naghubad agad ako saka pumasok sa CR. Binuksan ko tong Shower at nagsimula nanaman ako sa pag-iyak.

"Ano bang ginawa kong mali sayo..." Iyak ko.

Nasasaktan na ko sa ginagawa ni Marco. Iniisip ko kung ano bang ginawa ko sa kanya para saktan nya ko ng ganito. Nag-aalala tuloy ako. Pag hindi ako lumitaw bukas ng Alas Tres. Isesend daw nya kay Leo yung mga Litratong yun. Masisira yung pinagsamahan namin ni Leo.

"Jusko. Paano na to."

Nagpatuloy na ko sa pagha halfbath. Habang nagsasabon ako ng katawan humahagulgol na ko ng iyak. Nahihirapan ako magdesisyon para bukas. Ayaw ko kaseng masira yung samahan namin ni Leo lalo't nagsisimula palang kame.

*

Makalipas ang ilang minuto.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magtoothbrush nagbihis na ko saka kumain kasabay si Ionny.

"Hays." Bulong ko.

habang kumakain. Iniisip ko parin kung lilitaw ako bukas sa Bahay ni Marco. Nagpa plano ako. Siguro, pupunta ako tapos kukuha ako ng tyempo para mabura ko yun. Pagkatapos. Aalis ako agad.

I am the Good Wife (COMPLETE)Where stories live. Discover now