Lambingan

1.1K 16 0
                                    

*IAmTheGoodWife*

Part20

Odette*
POV

Niyakap ko si Leo ng mahigpit. Nakangiti kameng dalawa na nagbukas ng Labi para sa isa't-isa. Napakatamis at napakasarap. Pareho kameng may Luha sa mga Mata habang naghahalikan. Sobrang saya ko tuloy. Mabubuo na yung pamilya na pinapangarap ko.

"Odette. Mahal na mahal kita." Mangiyak-ngiyak nyang sabi.

Maging ako naiiyak din.

"Mahal na mahal din kita Leo."

Nagtitigan kame sa Mata ng isa't-isa. Nagtataka pa sya sa sinabi ko kaya ngumiti ako. Senyas na magsalita na sya.

"T-Talaga? Mahal mo na ko? Totoo ba yan?" Sabi nito.

Tumango ako. Sinunggaban nya ulit ako saka niyakap ng mahigpit. Niyakap ko din sya ng mahigpit. Saglit lang at marahan kameng huminto sa paghahalikan at tumingin na sa isa't-isa.

"Namiss kita. Sobrang namiss." Sabi nito.

"Namiss din kita. Sobra." Sabi ko.

Binuhat ako nito saka isinakay sa Kotse nya. Pagkasara nitong Pinto naglakad na sya palipat sa kabila at sumakay na dito sa Driver Seat nya.

"I love you Odette..." Sabi nya.

"I love you too Leo." Sagot ko.

Nagngitian pa kameng dalawa tapos ay pinaandar na nya itong Sasakyan. Habang nagmamaneho hawak-hawak nya tong Kaliwang Kamay ko't hinahalik-halikan nya. Kita ko pa sa mga Mata ni Leo ang Luha nya. Lumuluha itong nakangiti na patuloy paring hinahalikan ang Kamay ko.

*

Nandito kame ngayon sa tapat ng Restaurant. Inalalayan nya kong makababa dito sa Kotse. Naglakad kame papasok nang magka-hawak ang kamay. Napakasaya ko tuloy na tinitingala si Leo. Bakas din sa mukha nyang masaya sya.

"Welcome Ma'am and Sir. This way po..." Sabi ng Waitress.

Nakasunod kame ni Leo sa babae. Ramdam kong hinihigpitan pa ni Leo ang pagkaka-hawak nya sa kaliwang kamay ko. Nakakaramdam tuloy ako ng kilig. Sobrang kilig.

"Here po Ma'am and Sir..." Sabi ng Waitress.

Naupo kame ni Leo. Nahiya pa ko nang halikan nya ko sa Noo. Nakita ng mga tao yun. Kumilos lang ako ng normal para hindi mukhang Awkward. Ang dami pa namang nakatingin. Saka na kame umorder ng makakain. Naalala ko tuloy. Katatapos ko lang kumain kanina sa Apartment. Pero nakakaramdam parin ako ng Gutom.

"Gusto ko mag gulay..." Sabi ko.

"Okay. Sige, anything you want." Masayang sabi ni Leo.

Naghanap pa kame dito sa Menu ng maoorder. Pagkatapos mag order. Nagtitigan kame ni Leo. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ngayon.

"Kamusta ka naman sa Work mo? Uhm, nagpupunta pa ba si Marco dun?" Sabi nito.

"Oh'Uhm, h-hindi na kase sinabi kong ayaw ko na e..." Sabi ko.

"Oh, alright. How about your work? Hmm. Baka naman magpunta pa sya dun."

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan na sabihin sa kanya na Buntis ako. Na hindi na muna ko magtatrabaho dahil sa ipon ko nalang ako kukuha ng panggastos. Basta hindi ko alam ang sasabihin ko.

"You okay? May problema ba sa Work mo?" Sabi nya.

"Uhm. B-Bed rest ako e. Kailangan kong magpahinga ng matagal na matagal..." Sagot ko.

Gulat ang reaksyon nya. Takang-taka sa sinabi ko. Napalunok tuloy ako. Napapakamot ulo pa. Nag-aalala tuloy si Leo. Umabante sya sa pagkaka-upo at marahan nyang hinipo ang kanan pisngi ko.

I am the Good Wife (COMPLETE)Where stories live. Discover now