SIMULA

19 2 0
                                    

"Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ni amang habang nakasilip sa loob ng bumanggang sasakyan. 


"Dalawang oras pa bago dumating ang ambulansya amang! Baka hindi siya umabot!" Sigaw ko sa pag ka taranta. 


"Eduardo tignan mo ang bata." Sabay sabay kaming napatingin sa lalaking nasa loob nang sirang sasakyan. May binubulong ito habang nakakunot ang noo niya balot ng dugo ang kalahati ng mukha niya dahil sa aksidente. 


"May sinasabi siya Eduardo. Lapitan mo, jusko!" Sigaw ni Inang at hinampas ang braso ni Amang para lumapit ito sa lalaki. Lumapit si Amang sakaniya at pinakinggan ang binubulong nito. 


"Open. Open daw." Tinignan kami ni Amang habang nakikinig siya sa sinasabi ng lalaki. "Open the door daw." 


"Buksan mo ang pinto amang." Lumapit ako sakaniya para tulungan siya sa pag bubukas ng pinto. Pag bukas ng pinto ay kagad siyang lumabas sa loob at sumalampak sa lupa. Mabilis kong kinapa ang pulso niya para tignan kung buhay pa siya dahil nakita ko na nawalan siya nang malay. 


"Nawalan siya ng malay Amang. Halika't ipasok natin siya sa loob." Tulong tulong kaming tatlo at maingat namin siyang binuhat papasok ng bahay. Hiniga namin siya sa sofa at kumuha si Inang nang tuwalya at maligamgam na tubig para mapunusan siya. Ginamot namin ang sugat niya sa mukha at pilay sa kaniyang braso. 


"Sige na mag pahinga na kayo, ako na ang mag babantay sakaniya." Tumango kami ni Inang kay Amang. Sinulyapan ko ng isang beses pa ang lalaki bago ako sumunod kay Inang sa taas. 


*** 


Kinaumagahan, maaga kaming nagising lahat at inaabangan ang pag gising ng lalaki. Nakita ko na mahimbing pa din siyang natutulog sa sofa. 


"Lu, ikaw muna ang tumingin sakaniya mag sisibak lang ako ng kahoy sa likod. Ang inang mo ay pumunta muna saglit sa palenkge."


"Sige ho Amang." Tumango si Amang at pumunta sa likod ng bahay.  Habang nag hihintay ng oras nag linis muna ako dito sa loob ng bahay. Nag hugas ako ng pinggan at nag walis. Habang nag wawalis ako may narinig ako nag salita gamit ang matigas na accent. 


"Where am I?" Napatingin ako sakaniya. Nakaupo na siya ngayon at hawak ang ulo niya, nakakunot ang noo niya at nakatingin sakin. 


"Who are you?" Tanong niya ulit.


"Uh do you understant tagalog?" Tanong ko sakaniya. Binitawan ko ang walis na hawak ko at lumapit sakaniya. Tinitignan niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa tanong ko. 


"Okay so english speaking ka." Umupo ako sa upuan sa tabi ng sofa na inuupuan niya. 


"Ah pano ba to.. you had an accident yesterday. You know car crash?" Hinawakan niya ang bandana sa ulo niya at tinignan ang braso niya.  


"Where am I?" 


"You're in our balay. You know balay?" Umiling siya. "It's uh.. bahay. A house." Ginala niya ang paningin niya sa bahay namin at binalik ang tingin sakin. He has olive green eyes. 


"Where is this place exactly?" 


"It's a province. Isla Aldovia." Sagot ko. Tumango siya hinawakan niya ang ulo niya at pumikit. 


"What's your name?" Tanong ko sakaniya. Dumilat siya at parang nagulat sa tanong ko. Tinignan niya ako ng matagal, nailang ako sa tingin niya dahil ngayon lang ako nakakita ng ganung klaseng kulay ng mga mata. Ang ganda. 


"I.. I don't know." Sagot niya. 


"Do you remember anything?" Umiling siya. Biglang pumasok si Amang sa loob ng bahay at nagulat sa nakita. 


"Jusko ho salamat naman at gising ka na!" Napapalkpak pa siya sa nakita niya. Nakita kong nagulat itong katabi ko dahil sa reaction ni Amang. Natawa ako. "Kamusta naman ang pakiramdam mo iho?" Kumuha siya ng upuan at umupo sa tapat ng lalaki. 


"Hindi siya-" 


"Okay naman ho. Medyo masakit lang ang ulo ko." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Napatingin ako sa kaniya.


"Nag tatagalog ka!?" Nagulat siya sa biglang pag taas ng boses ko. 


"Lu! Bakit mo naman siya sinisigawan?" Pumasok sa balay si Inang at tinapik ang balikat ko. Tinignan niya ang binata. "Kamusta ka na? May masakit ba sayo iho?" Tinignan niya si Inang at umiling. Nag paalam saglit si Inang para makapag luto ng tanghalian namin habang inuusisa namin ni Amang itong englisherong lalaki. 


"Ano bang pangalan mo iho?" 


"Hindi ko po matandaan."  Sabi niya habang nakahawak sa ulo niya. Tumayo si Amang mula sa pagkakaupo at lumabas ng bahay. Maya maya bumalik siya at umupo ulit sa harap namin. 


"Walang laman ang sasakyan mo iho. Wala ka man lang bang wallet baka nadun ang id mo?" Kinapa ng lalaki ang bulsa ng pantalon niya pero wala siyang nakuha. Nag tinginan kami ni Amang dahil mukhang mahihirapan kami sa lalaking 'to. 


Maya maya tumawag na si Inang mula sa kusina dahil kakain na ng tanghalian. Tinulungan namin siya makatao. Matangkad siya, matangkad na ako pero mas natangkadan pa din niya ako, umakbay siya sakin at napahawak ako sa tiyan niya, matigas iyon mukha siyang nag wowork out dahil maganda din ang pangangatawan nito. Maputi din ang kutis niya, parang kutis nang mga mayayaman. Inalalayan namin siya hanggang sa makaupo siya sa upuan. Tumabi si Amang sakaniya, sa tapat niya ako at katabi ko naman si Inang. 


Nilagyan siya ni Inang nang kanin at ulam para makapag simula na siyang kumain. Unang subo niya sa pagkain ay napahawak kagad siya sa ulo niya. Nataranta kami at kagad siyang inabutan ng tubig. Uminom siya at binaba ang baso hinimas ni Amang ang likod niya. 


"Okay ka lang ba iho?" 


"Adi." 


"Naalala mo na ba ang pangalan mo?" 


"Adi na lang po ang itawag niyo sakin." Sabi niya at nginitian kami. 

ParalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon