I

28 3 1
                                    




"Lu! Pinapatawag ka sa opisina ni Mayor." Sabi ni Jonna habang may kausap sa telepono. Tumayo ako mula sa lamesa at dumeretso sa opisina ni Mayor. Kumatok ako ng tatlong beses bago ko buksan ang pinto. Nakaupo si Mayor Isabel at mukhang naguguluhan sa mga binabasa.


"Lu tulungan mo naman ako isa isahin itong mga bayan na nangangailangan ng tulong." Tumango ako at lumapit sa lamesa niya. Bukas ay mag sisimula na ang pag bibigay ng mga relief goods sa mga tabing bayan kaya medyo busy kami sa munisipyo. Bilang secretary ni Mayor Isabel, ay naging busy din ako dahil ako minsan ang pinapapunta sa bayan para bumili ng mga kailangan para sa relief.


"Ito ay kulang pa ng mga corned beef at mga tinapay. Kumuha ka kay Jonna ng pera at mag grocery ka muna sa bayan saglit." Tumango ako at lumabas ng opisina niya. Dumeretso ako pwesto ni Jonna para kumuha ng pondo.


"Jo, pambili daw ng corned beef at tinapay." Bungad ko kay Jonna tinignan niya ako habang ngumunguya siya sa bubblegum niya.


"Hindi pa rin kayo tapos diyan sa project niyo?"


"Hindi pa. Masyado madaming nangangailangan ng tulong ni Mayor Isa alam mo naman." Nag 'W' sign siya sa daliri niya at kumuha ng pera at binigay sakin. Nag pasalamat ako sakaniya at nag simulang mag lakad palabas ng munisipyo pero tinawag ako ni Jonna.


"Pahatid ka daw sa driver para di ka gabihin." Bumuntong hininga ako at tumango. Nag lakad ako papunta sa parking ng munisipyo pero hindi ko siya makita. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at dinial ko ang number niya.


"Ihatid mo daw ako sa grocery sabi ni Mayor Isa."


"Adi sino yan?" Narinig kong sabi sa kabilang linya. Napairap ako. May kasama nanaman siyang babae.


"I'll go ahead Christine. Salamat sa lugaw." Narinig kong sabi niya sa kabilang linya.


"Ano ka ba Adi hindi mo na 'to kailangan bayaran. Makita lang kitang busog okay na ako." Ugh!


"Nasan ka na ba? Ang init dito at mag sasara na ang grocery sa kabilang bayan! Kay Kiko na lang ako mag papahatid kung matagal ka pa diyan!" Binaba ko ang tawag at nag simulang mag lakad papunta sa pila ng tricycle.


"Lu! Napadaan ka? Wala ka atang kasama ngayon?" Wala busy kumain ng lugaw.


"Pwede ba ako pahatid sa grocery sa kabilang bayan? Inutusan lang ako ni Mayor."


"Sige ba! Yun lang pala. Sige sakay ka na." Tumayo siya sa bench nila at lumapit sa tricycle niya. Sasakay na sana ako ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.


"Paraluman." Tinignan ko siya. Nakapamulsa siya at bahagyang nakakunot ang noo dahil nasisikatan siya ng araw.


"Okay na. Kumain ka na lang ng lugaw kila Christine."


"I'm done eating. Let's go."



"Ayan naman si Rowena mag gulaman ka. Bunsulin mo sarili mo." Inirapan ko siya at sumakay sa trike ni Kiko. Pero bago pa mapaandar ni Kiko ang makina, hinablot na ako ni Adi sa loob ng tricyle.


"Mayor Isa called me. I'll be the one liable if anything happens to you. Don't be stubborn." Kinaladkad niya ako paalis sa pila ng tricycle at dinala sa parking ng munisipyo. Binuksan nya ang front seat ng Land Cruiser ni Mayor at sinakay ako don.


Isang taon na ang makalipas simula ang aksidente ni Adi sa tapat ng bahay namin. Iilan lang ang nakakaalam sa aming lugar ang nangyari sakaniya. Kinupkop siya ni Inang at Amang dahil wala itong ibang mapupuntahan at wala din siyang maalala pagkatapos ng aksidente. Isang buwan siya nag pahinga sa bahay bago siya sumubok sa labas. Sinasama siya ni Amang sa pala isdaan at sa bukid para may magawa ito. Nung napunta siya dito ay maputi ang kaniyang balat na parang kutis ng mayayaman pero nang mag tagal, naging kayumanggi ito dahil sa trabaho niya araw araw.


ParalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon