TWO

5 1 0
                                    


"Maraming salamat Mayor Isa!" 


"Walang anuman ho. Nagagalak ho akong tulungan kayo." Sagot ni Mayor. Hindi mag kamayaw ang mga tao sa pag abot ng kamay ni Mayor para makipag kamay sakaniya. Tapos na kami sa isang baryo, papunta na kami sa huling baryong aabutan namin ng tulong. 


"Mauna na ho kami. Mag iingat po kayong lahat." Hulin kaway ni Mayor bago sumakay sa sasakyan. Nasa harap ako, si Adi ang nag da-drive, mag katabi naman si Mayor at Jonna sa likod. 


Pagkarating namin sa huling baryo. Naka set up na ang mga tent at nakapila na ang mga tao. Nag hiyawan sila ng makita nila si Mayor at ang truck na may dala ng mga relief goods. 


"Kuya patulong naman." Nag patulong ako mag paakyat sa taas ng truck para makatulong sa pag aabot ng mga relief. Si Jonna at Adi ang kasama ni Mayor sa baba. 


Nakita kong masaya ang mga tao sa tulong na binigay ni Mayor Isa. Tunay na mabait si Mayor, malambot ang puso niya sa mga taong nangangailangan ng tulong. Byuda na si Mayor, namatay ang asawa niya dahil sa sakit na prostate cancer nung nakaraang taon. Simula noon ay naging malambot na din ang puso niya sa mga binatilyo at isa na don si Adi. 


Eksakto alas kwatro ng hapon ng matapos ang pamimigay namin ng relief. 


"Wala munang uuwi ha. May kaunting salo salo sa bahay, nag paluto ako doon na tayo dumerecho." Sambit ni Mayor. Nag hiyawan ang mga kasama namin. Baba na sana ako ng maalala kong medyo mataas pala itong truck. Nag hanap ako ng tutulong sakin pero lahat sila busy.


"Come here." Napalingon ako kay Adi na nasa baba ng truck. Nakalahad ang mga bisig niya. 


"Ayoko nga baka i-prank mo lang ako." 


"Wag ka ng maarte hindi kita ipa-prank." Sumimangot ang mukha niya. Nakalahad pa din ang mga bisig niya. Nakita kong wala na sila Mayor don, panigurado na nauna na sila sasakyan. 


Humawak ako braso niya, malaki iyon at matigas. Siya naman ay humawak sa bewang ko para alalayan ako sa pag baba ko pero nag kamali ako ng baba. Natalisod ako dahil hindi ko nakita na meron palang tali na naka suot sa sapatos ko. 


"Aah!" Napa tili ako. Tumumba kami ni Adi sa damuhan at lumanding ang mukha ko sa matigas niyang dibdib.


"Lu! Adi!" Sigaw ni Jonna. Dali siyang pumunta saming dalawa para alalayan kami sa pag tayo. Ang ilang trabahador din ay dumalo para tulungan sa pag tayo si Adi. Nakahawak ako ilong ko dahil iyon ang tumama sa dibdib niya nung bumagsak kami. Pag tayo ni Adi ay kagad siyang lumapit sakin at hinawak ang mga braso ko. 


"Are you okay? Are you hurt?" Inusisa niyang mabuti ang mag kabila kong braso tinitignan niyang mabuti kung may sugat ba dun. Tinignan niya ang mukha ko kung may galos, hinawakan niya ang panga ko at tinignan mabuti ang mukha ko. Nailang ako dahil masyadong malapit ang mukha niya sakin. 


"O-okay lang ako." 


"Are you sure?" Tanong niya ulit. Tumango ako. Napabuntong hininga siya at dumerecho na sasakyan. Hinarap ako ni Jonna sakaniya meron siyang makahulugang ngiti sa labi niya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ParalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon