CHAPTER NINE

681 36 6
                                    

WriterAtHeart

CHAPTER NINE

Minslet Kyo POV'

Hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkakasakal ng lalaking ito sa leeg ko habang nakasandal sa pader. Naiaangat na nga niya ako. Umiiyak ako tinanggal ang kamay niya na nakasakal sa leeg ko.

“Let go of her!” Malakas na sigaw ng isang lalaki. Binitawan naman ako ng lalaking ito.

Habol hininga akong napaupo at hinawakan ang leeg ko, napakasakit nito pero napatingin ako sa baba kung sino ang lalaking sumigaw.

Nang makilala ko ito hindi ko alam pero bigla nalang akong umiyak ng malakas na para akong bata.

“I-ian!” Sigaw at kasabay nun ang paglagay ng kamay ko sa mukha ko at tinatakpan ang mukha ko at pinipigilang umiyak pero nagulat ako ng sabay ng makarinig ako ng putok ng baril. Napatingin ako sa lalaking may hawak ng baril. Ngumisi ito at tumingin sa akin. Nagulat ako ng bigla niya akong sabunutan na halos diin na diin at pati anit ko ay sobrang sakit.

Hinawakan ko naman ang kamay niya para tanggalin ito dahil napakasakit pero pilit niya hinihila iyon para mas lalo akong masaktan. Nanghihina akong pilit na tinatanggal ang kamay nito. Hilong hilo nako. Hindi ko alam gagawin ko.

“Oh Mr. Wellingford come here. Save your lover. Save you fiancé.” Tinignan ko naman si Ian na umiiyak narin at nanginginig. Umiiyak akong umiiling ng magtama ang mata namin.

“D-don’t hurt her. A-ako nalang please. Please don’t.” Pakiusap na sabi ni Ian at umiiyak na lumalapit.

“N-no! IAN! DON’T COME HERE! PAPATAYIN KA NILA!” Sigaw ko naman sa kanya ng nakatapak na siya sa hagdan.

Mas hinigpitan naman ng lalaking ito ang paghawak sa akin samantalang ang isang lalaki naman na may hawak na kutsilyo kanina ay nagsisigarilyo at tawa tawa kaming pinapanood. Katabi lang namin ito. Nanginginig na lumalapit si Ian sa amin ng dahan-dahan at umiiyak.

Nang makalapit siya ay bigla naman hinila ng lalaking may hawak na kutsilyo si Ian at sinaksak ito sa tagiliran. Nanlalaki ang mata ko at tinignan ai Ian.

Nagsisimula ng lumabas ang dugo sa bibig niya. Napahawak si Ian sa tagiliran niya at napaluhod na humawak sa damit ng lalaking may hawak na kutsilyo.

“P-please d-don’t hurt her.” Pakiusap ni Ian habang umiiyak na nakatingin sa lalaking may hawak na kutsilyo.

“Oh ang isang Wellingford nag mamakaawa. Hindi ka isang Wellingford. Wag kang mag alala hindi siya mamamatay. KASI IKAW ANG MAMAMATAY!” Malakas na sigaw niya dito at tinulak si Ian sa hagdan.

Binitawan naman ako ng lalaki. Hilong hilo at hinang hina akong napaupo ng makita ko si Ian na nasa baba na ng hagdan at nagsisimula ng tumulo ang dugo sa ulo niya. Hindi ako makakilos. Nangibabaw sa akin ang boses nila Cassius at Accius na duguan at sugatan na lumapit kay Ian na naghihingalo.

“Young Master!” Sabay na sabi ng dalawa at pilit na ginigising si Ian pero bakit hindi ako makagalaw.

“HAHAHA! NAPAKA HINA MO PARA MAGING ISANG WELLINGFORD” Malakas na tawa ng lalaking tumulak kay Ian.

“MANANG MANA KA SA INA MO. NAPAKAHINA HAHAHA. MAMATAY KA. MAMATAY KA.” Sabi ng lalaking may hawak sa akin kanina at sabay silang nagtawanan. Tinuyo ko ang luha ko at tumayo. Napatingin naman saakin lahat.

Tinignan ko yung lalaking tumulak kay Ian bago ako ngumisi at hinila ito at binalibag sa babasaging lamesa doon. Nakahiga na ito ngayon. Ramdam ko naman na susugud na yung isa at balak akong paluin sa ulo ng baril. Ngunit umiwas ako at hinila ang kamay niya at pinaikot ito at siniko ko ang mukha niya.  Bago ko ito lakas pwersang buhatin at ihagis sa salamin doon.

Taming My Innocent Boyfriend | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon