Scroll In A Bottle

41 9 2
                                    

Chapter 6

For the first time in my entire life, I became conscious of my appearance.

Di ako magkaugaga sa pagtingin sa salamin kung maayos na ang itsura ko kahit pa wala namang okasyon. Ilang beses kong minura ang sarili dahil wala akong masyadong make-up sa kwarto. Nakakahiya kung makikihiram ako kay Mama. Argh! Nakakainis naman.

Tumayo si Maki noong nakita akong paparating. Umikot si Chichay sa hita nito at wala naman siyang problema doon.

"Calla! Good morning!" Naiilang akong naglakad papunta sa living room namin. Umupo ako sa isang sofa, katapat niya.

"Anong ginagawa mo dito?" mahina kong tanong, para di marinig ni Mama na nasa kusina.

"Di ba pinapaayos ko pa ang bisikleta mo? Naalala ko na wala ka palang gagamitin kaya sabay na lang tayo."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang maalala ang pagsakay ko sa bisikleta niya kahapon. Ang mga braso niyang kinulong ako at ang pabango niyang di ko pagsasawaan. Gusto ko man, masyado talagang nakakailang.

"M-Mag cocommute na lang ako, Maki. Huwag ka nang mag-abala."

Umiling siya. "Magsasayang ka lang ng pera. Heto na ang pambawi ko sayo ngayon."

"Okay naman nang ikaw na ang magpapaayos ng bisikleta ko. Sobra-sobra na kung ihahatid mo pa ako ."

"Ayos lang. Huwag ka nang magrereklamo. Sayang naman ang pagpapagawa ko ng upuan sa likod," pilit niya.

"L-Likod?" Akala ko sa harap ako sasakay...

"Sa likod nga. Saan mo ba gustong sumakay? Sa gulong?" Tumawa siya kaya napapahiya akong umiling. Calla, masyado kang assuming!

Tumayo kaming dalawa noong sumulpot si Mama sa harap namin suot-suot pa ang kaniyang apron.

"Aba, Calla, hindi mo ba ako ipapakilala sa bisita mo?" Napaigik ako noong kurutin niya ako sa tagiliran. "Mama naman..."

"S-Sorry. Mama, si Maki pala, kaklase ko po mula nung grade 10. Maki, ang Mama ko, huwag kang mabigla kasi hindi naman talaga kami magkamukha." Tinanggap nila ang kamay ng isa't-isa. Bahagya pang yumuko si Maki bilang pagbati.

"Magandang umaga po sa inyo, Tita," bati ni Maki.

Maarte lang na kinumpas ni Mama ang isang kamay. "Ay sus, napakagalang naman. Aba kegwapo pa ng batang ito. Sobrang tangkad rin. Magandang umaga rin sayo, hijo." Pagilid na tumingin si Mama sa akin. Napaubo lang ako nang may maalala.

"Kumain ka muna dito, hijo. Maaga pa naman."

"Salamat na lang po. Kumain na po ako," tipid niyang tanggi. Pero nang marinig namin ang pagkalam ng sikmura niya, nagtawanan kaming tatlo.

Magkatapat kami ni Maki sa mesa habang nasa kabisera naman nakaupo si Mama. Sa sobrang bait ni Maki, mabilis silang nagkapalagayang-loob.

"Kumain ka lang ng kumain, hijo. Mas magaling akong magluto kaysa kay Calla." Tuloy lang si Mama sa pagdagdag ng ulam sa plato niya, at si Maki naman ay hindi nagrereklamo.

Di ko na napigilang sitahin siya. "Ano ba, Mama! Baka hindi na niya maubos. Nahihiya lang 'yung tao kaya hindi makatanggi sa inyo."

"Okay lang, Calla. Kaya ko 'tong ubusin. Sa sobrang pagmamadali ko kasi na baka nauna ka na, nalimutan ko nang mag-agahan sa bahay."

"Tsaka, ano ba! Dapat nga at magpasalamat ka na mabait ako sa magiging manugang ko!"

Si Maki ay napahinto sa pagsubo. Ako naman ay nabulunan bigla, namumula ang pisngi at halos hindi na makatingin kay Maki sa sobrang hiya. Inabot niya sa akin ang isang baso ng tubig kaya ininom ko agad ito.

Tale Of A Hundred FirefliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon