Path Of A Paper Plane

39 7 2
                                    

Chapter 7

He's still like a mystery to me, even though he already considered me as his friend.

Oo, ipinapakita ni Maki ang isang parte ng pagkatao niya na pilit niyang itinatago sa iba. Oo, ramdam ko lahat ng emosyong gustong kumawala sa kaniyang dibdib. Oo, sinasabi niya ang bigat ng mga problemang kaniyang dinadala. Ngunit kahit ganoon, siguro hindi ko pa rin siya ganoong kakilala.

Para siyang isang tuyong dahon na napulot ko sa isang daan. Alam kong naligaw siya ng landas, nawawala at nag-iisa. Ngunit walang nagtuturo sa akin kung paano ito napadpad sa daan, kung saang puno siya nagmula, kung bakit siya idinala ng hangin rito at kung ano ang kaniyang pinagdaanan.

Hindi ko alam kung anong mga kwento ang nasa likod ng bawat sakit na dinadala niya. Wala akong ideya kung bakit... ganito na ang Maki na nakilala ko dito ngayon.

Huminto ang mga bisikleta namin sa harap ng bahay ko. Kumaway ako sa kaniya bilang pamamaalam pero nakatitig lang siya sa akin, may intensidad na bitbit ang mga abo niyang mga mata.

Dahan-dahang nahinto sa ere ang aking kamay. Hindi ito ang unang pagkakataon na tinitigan niya ako ng ganito, maraming beses na nga kung tutuusin. Medyo nakakailang, pero ito ang isa sa mga pagkakataong naiisip ko na malaki ang tiyansang may nararamdaman siya sa akin.

Napaubo ako, pero hindi naputol ang pagkakatingin niya sa akin. Ang titig niya na parang ako lang ang nakikita niya at wala siyang pakialam sa paligid. Ang puso ko ay nagwawala sa sobrang lakas ng kabog at ang mga alitaptap sa tiyan ko ay nagkakagulo, na tipong gusto ko nang umamin sa kaniya ngayon. Pero sa huli, naduwag ako ulit.

"A-Aalis na ako, Maki." Hindi ko na siya hinintay sumagot at nauna nang tumalikod. Akay ang aking bisikleta, naglakad ako papalayo sa kaniya ngunit nahinto nang marinig na bumulong siya.

"I'm sorry... I can't."

Hindi ako sigurado sa narinig kaya lumingon ako pabalik. "Huh? Anong ibig mong sabihin, Maki?" Nabigla siya yata sa ginawa ko. Pero kinalaunan, umiling lang siya sa akin.

"Pasensiya na ulit kasi hindi ako nakahabol. Ni hindi ko pa maituturing na regalo ang ibinigay ko. Sorry ulit, Calla."

"Okay lang 'yun, Maki," ani ko na may maliit na ngiti sa labi. Ikaw na ang pinakamagandang regalong natanggap ko sa buong buhay ko.

"Sige. Happy birthday ulit, Calla. May the skies heard your wishes today..." Malamlam ang mga mata niyang tumuon sa akin. Hindi ko alam kung ang langit ang dapat na tumupad ng nag-iisang hiling ko ngayong araw.

Then can I stay by your side forever?

"Salamat, Maki..."

Hindi ako iniimik ni Mama na nagluluto ng tanghalian namin. Ilang araw na rin akong binabagabag ng mga nakita ko nung bumisita siya dito. Kailangan kong marinig mismo kay Mama ang totoo.

"Ma naman! Mahirap bang sagutin ang tanong ko? Kayo na ba ulit ng lalaking iyon?"

Inilapag niya na ang mga plato sa hapagkainan. "Huwag na huwag mong kakalimutang ama mo pa rin siya, Calla," malamig niyang sambit.

Inalis niya ang apron na suot saka lumabas ng kusina. Sinundan ko si Mama hanggang sa sala. "Bakit kayo nakipagbalikan? Porke't naghiwalay na sila ng totoong asawa niya, pwede na kanyong magsama? Mama, hindi niyo nga alam kung tunay talagang naghiwalay sila, e! Di pa ba sapat na simula't-sapul, hindi na kayo pwede?"

"Kulang pa ba ang isang beses niyong pagkakamali noon, talagang may lakas na loob pa kayong ulitin? Para ano? Manira ulit ng pamilya? Manira ng buhay ng isang anak na naghahangad lang ng kalinga ng ama't-ina? Baka nga may iba pa siyang babae at hindi lang kayo ang ginawa niyang kabit!"

Tale Of A Hundred FirefliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon