Chapter Five

155 16 1
                                    

PAGDATING ni Ash sa bahay galing sa trabaho ay si Rainer agad ang hinanap niya, pero pag-akyat sa third floor ay wala doon ang binata. Wala din ito sa dance studio at ibang dancers lang ang naroon. Kinuha niya ang cellphone at tinext ito, naghintay siya ng reply, pero wala siyang natanggap makalipas ang mahigit limang minuto.

"Baka may pinuntahan lang," aniya.

Nagpahinga lang siya saglit bago nagpalit ng jogging pants at t-shirt saka bumaba sa dance studio.

"Yeon-a-ya, Rainer eodisseo?" tanong niya agad sa kaibigan paglapit. Tinatanong niya dito kung nasaan na ang binata.

"Meolla."

Hindi daw nito alam.

"Why? Isn't he upstairs?" tanong nito.

"He's not there."

Ngumiti ito at tinapik siya sa balikat. "Don't worry, he'll be here soon."

Marahan siyang tumango at pinilit na ngumiti, kahit na ang totoo ay nagsisimula na siyang mag-alala. Mayamaya ay dumating ang assistant choreographer nila at sinabi na habang wala si Rainer ay ituturo na nito ang choreography ng isa pang kanta ng Blue Light kung saan kasama silang magpe-perform. Saglit na sinantabi ni Ash ang pag-iisip tungkol sa kinaroroonan ni Rainer at nag-concentrate sa ginagawa.

Lumipas ang mga oras at tuluyan nang nalibang sa pagsasayaw si Ash. Nang matapos ang rehearsal nila, napahiga sa sahig ang mga co-dancers niya dahil sa pagod. Ang mga kalalakihan, kahit malamig ang panahon ay naghubad ng t-shirt ang mga ito kaya bumalandra sa harapan niya ang matipunong mga katawan nito.

"Oh, my gad! Ang daming abs! What a view... I love it!"

Natawa si Ash sa sarili. Pero tuluyan siyang natawa kay Yeon-a dahil parang first time nitong nakakita ng abs at halos lumuwa ang mga mata nito.

"Ash."

Bigla nagpalis ang ngiti niya at mabilis na lumingon sa paligid. Sigurado siyang boses ni Rainer ang narinig niya, pero wala ang binata sa loob ng studio. Dahil tapos na naman ang rehearsal nila, agad siyang nagpaalam at mabilis na umakyat. Ganoon na lang ang sayang naramdaman niya ng makita si Rainer na nakasandal sa kitchen counter habang may hawak na isang baso ng tubig. Sinalubong naman siya agad ng magandang ngiti nito.

"Kanina ka pa nakabalik?" tanong niya agad.

"Ngayon lang," sagot nito.

Lumapit siya sa binata at naupo sa ibabaw ng kitchen counter.

"Saan ka ba pumunta? Nag-text ako sa'yo pero hindi ka sumasagot."

"Pasensiya ka na, nasa meeting kasi ako ng Blue Star Entertainment. Bukod kasi sa pagsasayaw, Music Producer din ako, kaya kasama ako sa pinatawag ni Boss," paliwanag nito.

Noon siya nakahinga ng maluwag at tuluyan nawala ang pag-aalala.

"Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo eh," sabi niya.

Naiatras ang mukha ng biglang ilapit ni Rainer ang mukha sa kanya.

"So, ibig sabihin nag-alala ka sa akin?" tanong nito na may halong panunudyo.

Iniwas niya ang tingin sabay pasimpleng tumikhim.

"Bakit? Masama bang mag-alala sa'yo?"

Heaven's Warriors: Series  3 "A Dance With An Angel"Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin