Chapter Eight

178 15 2
                                    

NAKITA ni Ash kung paano humugot ng malalim na hininga si Rainer. Lalapitan sana niya ang binata pero natigilan siya ng bigla itong napaliyad sa ere, kasunod ng biglang paglabas ng liwanag mula sa dibdib nito. Humangin ng malakas pagkatapos, nabalot ng manipis na usok at nakakasilaw na liwanag si Rainer. Hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng malay at mapahiga.

"Rainer," garalgal ang tinig na wika niya.

Mula sa lupa ay umangat ang katawan nito sa ere. Napatingala si Ash ng biglang kumulog at kumidlat. Umikot ang madilim na ulap sa kalangitaan at nag-form ng bilog na hugis iyon, mula doon, isang liwanag ang bumaba at bumalot sa buong katawan ni Rainer. Kasunod niyon ay narinig niya ang tila milyon mga boses na kumakanta at pumupuri sa Panginoon. Kaylamig at malamyos ang mga tinig na iyon. Napalingon siya kay Anane ng bigla itong sumigaw at sumugod at akma nitong sasaksakin si Rainer.

"Huwag!" sigaw niya.

Wala sa loob na napatakbo siya palapit. Pero biglang sumulpot si Justin sa harap niya at mabilis siyang hibalot palayo. Napatingin siya kay Justin. Wala itong sinabi ngunit marahan lang itong umiling. Tila pinapahiwatig na huwag siyang lumapit. Muli siyang napatingin kay Rainer.

Kasunod niyon, mula sa langit ay biglang bumagsak at tumusok sa lupa ang maraming pana at pumalibot kay Rainer dahilan para mapahinto si Anane at hindi naituloy ang balak.

Mula sa langit ay bumaba ang ilang lupon ng puting kalapit at lumipad ang mga iyon paikot sa walang malay na katawan ng binata. Kahit nakapikit ang mga mata ay kusang umangat ang isang kamay nito sa ere, tila may gustong abutin. Kakaibang damdamin ang bumalot sa buong katawan ni Ash, at umabot iyon sa kaibuturan ng kanyang puso, nang mula sa itaas ay bumaba ang isang espiritu na hugis tao. Mahaba at nakakasilaw sa puti ang suot nito, hindi niya makita ang mukha nito dahil sa sobrang liwanag, pagkatapos ay hinawakan nito sa kamay si Rainer. Sa puntong iyon, biglang nawala si Anane. Nagtaka si Ash ng biglang lumuhod at halos nakasubsob sa lupa ang mukha ni Adrian at Justin. Ilang sandali pa, isang malamyos na tinig ng isang lalaki ang kanyang narinig.

"Raphael, ang aking magiting na tagapaglingkod. Buksan mo ang iyong mga mata at bumangon ka, anak, at tanggapin ang pagpapala mula sa akin. Binibigyan kita ng kapangyarihan at lakas para ipagtanggol ang buong Sangkatauhan."

Sa isang kisapmata ay naglaho ang lalaking humawak sa kamay ni Rainer. Umagos ang luha ni Ash, kaylakas ng kabog ng kanyang dibdib, parang hindi anghel ang kanyang nakitang bumaba sa langit kung hindi ang Panginoon.

Ilang sandali pa ang lumipas, dahan-dahan minulat ni Rainer ang mga mata, at bumangon ito habang nakalutang sa hangin ang katawan. Bumaba ito sa lupa ng nakaluhod ang isang tuhod habang habol ang hininga. At mula sa likod nito ay lumabas ang kulay puti at matayog nitong mga pakpak. Ang simbolo ng lakas at kapangyarihan ng isang anghel.

"Rainer," usal niya.

Mula sa kung saan ay biglang sumulpot si Anane.

"Hindi!" galit na galit na sigaw nito.

Tumayo si Rainer at humarap sa kalaban. Mabilis na sumugod si Anane at binuka nito ang isang palad at agad lumitaw ang isang espada na nababalot ng kulay puti na kapangyarihan. Sa pagkakataon na iyon ay mas malakas na ang binata, kaya halos tumilapon si Anane sa malayo. Mabilis na nakabawi ang kalaban, at mula sa palad nito ay lumabas ang isang malaking bola ng apoy.

Tumayo ng magkakatabi sila Adrian, Justin at Rainer at mula sa mga palad nito ay lumabas ang isang puting ilaw. Magkakasamang nilabanan ng tatlo si Anane.

"Raphael, ngayon na," narinig ni Ash na sabi ni Adrian.

Lumipad si Rainer at napalitan ang espadang hawak nito ng isang pana at palaso. Inasinta nito si Anane at mabilis na pinakawalan ang palaso. Tumama iyon sa mismong puso ng kalaban. Humiwalay ang espiritu ni Anane sa katawan ni Sujin, walang malay itong napahiga sa semento. Samantala, sumigaw ang itim na anghel at mabilis na naging abo. Mula sa itaas ay bumaba si Rainer at sa wakas, lumingon sa kanya.

Heaven's Warriors: Series  3 "A Dance With An Angel"Where stories live. Discover now