Chapter 11: Worried

5 1 0
                                    


Sophia

Hindi ko pwedeng sirain ang pinto ng kotse ni Zach kaya tinawagan ko si Xandre.

"Hello?"

"Anong ginagawa niyo?" Tanong ko na agad.

"Kakatapos lang namin sa unang base, nag break muna kami ng 15 minutes" wika niya, "Pwendeng pumunta ka dito?" Tanong ko.

"Bakit?" Tanong niya. "Ni-lock-an ako ng nakakainis na lalake sa loob ng sasakyan" wika ko.

"Okay" wika niya, "Sorry ha, break mo pa naman" wika ko.

"Okay lang yon" mabait na wika niya. Bigla akong may narinig akong hinihingal, "Okay ka lang?" Tanong ko at naputol ang linya.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng sasakyan.

"S-sino ka?" Tanong ko, nagulat ako nang hinila ako palabas ng sasakyan. Sinipa ko siya kaya natilapid siya.

Kinuha ko ang tsansang yon para hilahin ang kamay ko. Tinanggal ko ang mask niya, hindi pamilyar ang mukha niya kaya tinurukan ko siya ng pampatulog.

Iniakbay ko siya sa akin at dinala sa kotse. Hindi ko siya pwedeng iwan sa kotse kaya hindi ko nalang itinuloy ang plano ko.

Hinintay kong dumating ang anim na mokong na iniwanan ako sa kotse mag-isa. Tumingin ako sa relo ko at nakitang 5:23 PM na pala.

Tumingin ako sa lalakeng pinatulog ko kanina.

Mga....... Apat na oras ang epekto ng itinurok ko sa kaniya. Isang oras nalang ang natitira.

Guwapo ang lalake, medyo singkit ang mata, matangos ang ilong, at mapula ang labi.

Tumingin ako sa labas at nakita ang anim na mokong.

Padabog na lumabas ako sa kotse. Nakita ko si Xandre na nanghihina. "Anong nangyari sayo?" Tanong ko, "Ayos lang ako" nakangiting wika niya.

"Alam mo ba ang nangyari sa akin, Montevera?" Tanong ko, "Hindi" pang-aasar niya.

"Muntikan na akong maihi sa short ko kung hindi ako nambugbog!" Sigaw ko, nagulat sila sa sinabi ko. "Nambugbog?" Tanong niya.

Well, hindi ko naman pwedeng sabihin na nakipaglaban ako kasi hindi niya naman ako sinaktan.

Ngayon ko lang na-realize ang lahat nang ginawa ko. Dahil sa gulat ay napanganga ako at tinakpan ang bibig.

"Pano kung Agent yon?" Tanong ko kaya napakunot noo silang lahat.

Binuksan ko ang pinto ng kotse at nagulat sila ng makita ang lalake. "S-sino yan?" Tanong ni Hannah.

"S-si John Alpha Concepcion" wika ni Zach na mukhang nagulat din.

Kung kilala siya ni Montevera edi......

Nagulat ako dahil nagising na ang lalaki. "I thought you're gonna welcome me but....... Tinurukan mo ako" wika niya habang nakahawak sa ulo niya.

"H-he's our 8th member" wika ni Zach habang nakahawak sa batok niya.

Wow, panibagong punishment nanaman ito.

-----

Sumakay ako ng taxi dahil kailangan kong mag isip-isip. Kaso may lalakeng matigas ang ulo at sumama sa akin.

The Day that She SmiledTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang