Chapter 52: Just Call Me

1 0 0
                                    


Sophia

"Tss. Bigla ka naging magalang eh ano?!" Singhal niya at ibinaba ang kape niya. Tumayo siya at ibinaba sa kama ang maletang inaayos ko kanina.

Chamna.

"Akala ko na eh umuwi kana?" Tanong ko kaya napatigil siya. "Ah, eh.... Your dad told me that kailangan kita-- I mean, ko siyang samahan." Paliwanag niya.

"Takot ka sa lalaki eh ano? Ngayong kilala mo na ako, you don't have to worry!"

"I should." Bulong ko kaya natingin siya sa akin. "Why?" Tanong niya. "You freaking kissed me!"

There was a hint of surprise, guilt, at pagkailang sa mukha niya. Pagkatapos ng ilang segundo ay natauhan na siya at tumayo ng maayos.

Inilagay niya ang mga kamay niya sa bulsa ng tokong shorts niya at dahan-dahang lumapit sa akin. "What are you doing?" Mabilis na tanong ko pero hindi siya tumigil.

"What are you doing?" Tanong ko ulit. Ngumisi siya at tumigil nang halos isang inch nalang ang layo ng mga mukha namin. Sinamaan ko siya ng tingin at hindi pinansin ang maliit na pagitan namin. "Don't worry, walang hahalik sayo doon." Wika niya kaya naguluhan ako.

Akala ko ay lalayo na siya kaya aayusin ko sana ang tayo ko pero lalo pa siyang lumapit dahilan na tumama ang ilong niya sa pisngi ko. "Umalis ka nga dyaan!" Sigaw ko at pilit na tinulak siya. At uulitin ko. Pilit. Lumakas itong mokong na 'to!

Umismid siya at inilapit uli ang mukha niya sa akin. "You even mentioned Ivan" bulong niya at umayos ng tayo. Sinamaan niya ako ng tingin at lumabas ng kuwarto.

Yun ang mga nangyari.

Walang labis walang kulang!

Kung pwede lang ako magmura ginawa ko na! Ang kaso, may bata na naglalaro sa kabilang kama. Dyan ko siya pinagstay dahil nakita ko siyang may bali nung pauwi na kami dito.

Kaso, wala daw silang pera kaya sinabi ko na may saksak ako. Sinabi ko na kapag hindi siya sumama ay hindi ako pupunta sa hospital. Magdudugo ang sugat ko at mamamatay ako. Kaya sumama siya. Ganyan ako mamilit. Easy.

Wala siya kanina nung nag-usap kami ni Dad kasi binisita siya ng nanay niya. Todo pasalamat nga yung nanay niya sa akin. Pero sabi ko, wala lang 'yun. Well, yan ang mga naririnig kong sagot sa mga movies so yun na ang ang sinagot ko.

Nawawala daw kasi ang mayaman nilang tatay. Nung una, inisip ko na dahil nga mayaman. You know na. Pero i tried my best to convince Dad to find his Dad.

And because of that, I found Marlin! At syempre, todo din ang pasasalamat ni Marlin sa akin. Yes. Me not Dad. Dapat ay si Dad ang pinasasalamatan niya at hindi ako. I mean, hindi naman ako yung naghanap.

Sa sobrang daming iniisip ay nakatulog na ako.

-----

"Hey, maayos na ang kuwarto mo. Makiki-stay ka lang kaya bilisan mo" nagising ako nang may tumapik sa pisngi ko at sinabi iyan.

Napamura ako at umupo sa kama ko. Napatakip ako ng bibig nang makita ang batang lalake. "Ano ang sinabi ni Ate Sophia mo?" Malambing na tanong ni Captain kay...... Bata.

"Sh--"

"Pag sinabi mo daw 'yon, mamamatay ka. Sabihin mo nga." Pagputol ko sa kanya kaya isinara niya ang bibig niya.

"I should tell Kuya Zach to protect you Ate Sophia, you said that word!" Wika niya at lumapit kay Captain.

Nginiwian naman ako ni Captain at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

The Day that She SmiledWhere stories live. Discover now