Chapter 8: Blackmail

20 5 2
                                    

Gabrielle's POV

'yung dating president namin sa Eagle Mountain University ang pinag-uusapan namin kanina'

No,no,no... Erase!

'Kaibigan namin yun sa EMU president siya sa room'

What a lame one. Tsk...

'Ex-boyfriend yun ni Arya nanalo siyang president sa school nila'

For real Gabriel?!

Naglalakad kami Papuntang Cafeteria ngayon at nag-iisip ng pwedeng idahilan mamaya. Feel ko kasi nay un yung pag-uusapan namin ehh.

Base na din sa mga naririnig ko sa mga students ay mag-kaibigan daw sila Leonel at Xavier kaya malamang na nag-sumbong na si Xavier at reresbakan nila kami ngayon. Overthink pa sige Briel.

"Oyy. Natatae ka?" biglang tanong sa akin ni Arya

My gulay!

Reminder: Ha-huntingin mamaya si Arya pag tulog na siya.

"Baliw hinde! Manahimik ka nga."

"Bakit ganyan mukha mo? Para kang namomroblema sa makakain ng sampu mong anak."

Ohh Precious Pumpkin Pie! Give me more patience to this Girl.

"Ayaw kong magka police record dahil sa'yo Arya."

"Ookie... chill, bakit nga?"

"Iniisip ko kung ano ang idadahilan ko mamaya."

"Saan?"

"Di ba nga narinig ni Xavier yung usapan natin kanina?"

"tapos?"

"May feel kasi ako na yung usapan natin kanina na narinig ni Xavier ang pag-uusapan natin ngayon."

Di kami naririnig nina Leonel at Xavier dahil nasa likod nila kami.

"ohh okay." Sabi niya at hinawakan ang kanyang baba na parang nag-iisip.

"Ganito may naisip ako." Sabi niya sa akin kaya tinignan ko siya.

"Kapag sinabi niya ang tungkol doon, sabihin mo na lang na e-"

"Ako na ang pupunta ng Counter, anong gusto niyo?" biglang sabi ni Leonel sa amin kaya naputol ang usapan namin ni Arya.

"Tsk. Nachos sakin." Sabi ni Arya

"Wala nun dito." Sagot naman ni Leonel sa kaniya.

"Tacos na lang."

"wala nun dito."

"Pizza sige."

"Wala nun dito."

"Nagtanong ka pa kung wala lahat?!" sabi ni Arya sa kaniya at pulang pula na ang mukha nito kay Leonel.

"Ehh hindi naman kasi ikaw ang tinatanong ko. Sina Gabby at Sey-sey kaya." Sagot ni Leonel kaya siniko siya ni Xavier.

Sasagot pa sana si Arya nang pigilan ko siya at pinaupo sa upuan ng cafeteria. Knowing this girl wala siyang di pinapatulan.

"Juice and sandwich nalang ang sa amin ni Arya, Thanks." Sabi ko kay Leonel.

"Same." Maikling sabi ni Xavier

"Di mo ko sasamahan?" sabi ni Leonel at nag pout pa siya na parang bata na nagpapabili ng laruan.

"Di mo ba mabuhat ang isang tray?" balik tanong naman ni Xavier sa kaniya.

"Fine! Basta wag ka munang magsisimula kay Gabby ahh." tumango lamang si Xavier dito.

What was that 'wag munang magsisimula kay Gabby' ?! feeling ko talaga ma lelechon ako ng buhay dito ehh.

Every MomentWhere stories live. Discover now