Kabanata 1

119 6 0
                                    

"Rose, bangon na. Anong oras na oh, mahuhuli ka na naman niyan sa klase mo"

Minulat ko ang mga mata ko at nakitang may dalang lugaw si lolo para sa almusal ko, habang kinakapa ang aming lamesa at naghahanap ng mangkok at kutsara.

"Lolo, ako na po.", sambit ko na may munting ngiti na nakasilay sa mga labi ko.

"Ubusin mo yan, saka ka maligo", saka siya lumabas muli bitbit ang kanyang baston at binaybay ang daan kung saan madalas siya tumatambay.

Ganyan ang palaging eksena ko ngayong nasa baitang sampu na ako. Dito muna ako pinamalagi nina mama at papa upang may makasama si lolo mula ng namatay yung kapatid ni mama na siyang kasa-kasama ni lolo dito sa bahay. Siya yung bibili ng almusal ko, siya yung gigising sa akin sa umaga, at siya rin yung magbibitbit ng bag ko pagkauwi ko galing sa eskwela.

Tanaw ko pa lang yung paborito niyang tambayan, nakikita ko ng kinaukausap niya ang kapatid niya na tila nagtatanong kung nariyan na ba ako, sabay senysa sa akin ni Lolo Brad, kapatid niya, na bilisan ko raw at hinahanap ako.

"Rose, tara na sa bahay. Ako na magbibitbit ng bag mo.", sabay lagay niya ng kanyang kamay sa mga balikat ko at sabay naming tinahak ang daan pauwi.

"Oh magbihis ka muna, tapos eto yung pangmeryenda mo bago ka gumawa ng assignment mo ha.", madalas na linya niya pagtungtong namin sa bahay.

"Ikaw ba Lo, ano ba gusto mong meryenda?"
"Kahit tinapay na lang, tapos pagtimpla mo ko ng kape"

Sabay kaming nagmemeryenda, nagkukwentuhan, at yung paulit-ulit niyang hiling ang binabanggit niya.

"Gusto kong umabot ng 100 para yung matatanggap kong pera mabibigyan kita kasi diba pag nakaabot ng 100, may matatanggap galing sa gobyerno?"

Bakit ako na naman 'Lo? Bakit yung para sakin na naman? Bakit hindi yung pampagamot mo yung intindihin mo Lolo? Bakit puro sakin?

4:46 p.mWhere stories live. Discover now