Kabanata 6

22 1 0
                                    

Ilang araw na naman ang lumipas walang pinagbago, ganon pa rin. Na tila lumalala pa yung sakit mo. Sa lumilipas na araw na mas nagiging masungit ka, ni ayaw mo na akong makausap.

Sobrang sakit makita kang nagkakaganyan, sobrang hirap na maramdaman kong nahihirapan ka, sobrang bigat na yung dating malambing mong pakikipag-usap sakin ay tila nagiging daan upang mapalayo sakin.

Ayokong isipin na ayaw mo kong kasama, ayokong maramdaman na hindi mo na ko kailangan.

Nagdaan ang pasko, pasko na nakapapanibago. Kasi dati-rati pinipilit mo akong sumama na puntahan yung mga kaibigan mo, yung mga opisyales na nagpapapunta sayo upang mahandugan ka ng groceries o di kaya ay pamasko. Pero ngayon, paskong pasko nakahiga ka sa papag, minsan pa ay magpapaupo sa silyon, ni hindi ka nga makalabas kahit sa paborito mong tambayan.

Ang sakit lolo, kasi dati sa tuwing pasko nakangiti ka. Sabay pa tayong pupunta sa puntod ni ninang na siyang anak mo, at kay lola na wika mo ay miss na miss mo na. Kasama ka pa namin dati magsimba nila mama sa araw na 'to. At sa tuwing pasko ang di ko malilimutan ay yung kahit sa isang daang pisong bigay ko sayo labis na ang 'yong tuwa. Labis ka ng nagpapasalamat sa akin. 

2:00 p.m.

Nagpabili ka sakin ng ice cream, gustong-gusto mo kamo kasi ng malamig, kasi sa tuwing kumakain ka non laging nawawala yung kirot ng lalamunan mo. Ibinili kita, ngunit sa pagtapak ko sa pinto bitbit ang ice cream na hiniling mo, naabutan kita na umuubo, nasasamid at sa pagtanggal mo ng panyo sa bibig mo ay nakita ko rin ang dugo na lumabas nang umubo ka.

Hindi naman 'to yung unang beses na nakita kong nagdurugo yung lalamunan mo, pero parang laging bago, sa tuwingnakikita kitang nahihirapan, laging nanggigilid ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan na isipin paano kung magpaopera ka na lang. Kaso kahit ilang beses kong ipilit, alam kong ayaw mo.

Ang sakit na wala kaming ibang pagpipilian kundi alagaan at makita kang nahihirapan kaysa sa magpaopera ka pero 50/50 ang kasiguraduhan na mabubuhay ka.

"Kung magpapaopera ako, mamamatay ako. Kung hindi, dito lang ako sa bahay makakasama niyo pa ako bago ko mawala", ayokong pakinggan pero yun yung patutunguhan. Yun yung tanging dahilan para maging matatag kami, tayo. Na sa bawat araw na nabubuhay ka pa, laking pasasalamat namin dahil hindi ka sumusuko. Siguro iniintay mo talaga na makatuntong ako sa stage 'lo? Aabot ka dun, naniniwala ako.

4:46 p.mWhere stories live. Discover now