Kabanata 5

34 2 2
                                    

November 2018.
Sa buwan na 'to pinili kong alagaan si lolo, hindi na siya nakakatayo na gaya nung mga naunang buwan, ni pagpasok sa banyo nahihirapan na siya, pero pinapakita niya na kaya niya kahit nabubuwal na siya pipilitin niyang makapunta sa banyo. Kahit yung lingguhang pagpunta namin sa manggagamot at Soldiers of Christ, hindi na namib nagagawa.

Pero ito yung buwan na ang sakit, yung buwan na hindi ko makita yung dahilan lung bakit parang may nagbabago, bakit parang hindi na siya yung lolo na kinagisnan ko. Bakit parang nakakapanibago?

Dati ang lambing ng boses mo pag ako yung kausap mo, dati ni hindi mo ako mapagsalitaan ng kahit anong masakit na salita, pero ngayon tila tinutulak mo na ko palayo.

Isang araw ng nasa paggamutan tayo, (Hindi isang ospital pero maraming nagpapagamot dito kasi kilala bilang manggagamot dahil sa pagsama niya ng prayers para mapagaling, don kami nagtry kasi ayaw ni lolo magpaospital.)

"Rose samahan mo 'ko sa CR, iihi lang ako", bulong mo habang naghihintay tayo ng turn mo para ikaw na magpagamot.

"Tara 'lo", sabay patong mo ng kamay sa balikat ko, nakangiti ka pa sakin non.

At nung natapos kang magpagamot na umabot siguro ng 7 hours kaming naghihintay, umiinit yung ulo mo, nagdadabog sa pagsakay ng tricycle, and worst is

"Tangina Rose, bilisan mo at ng makauwi na tayo"

Alam mo yun, ang sakit.
Sobrang sakit, hindi ko masabi kasi alam ko epekto lang yan ng sakit mo. Baka nabigla ka lang sa sinabi ko. Baka hindi mo lang sinasadya.
Pero nitong mga sumunod na mga araw, laging ganon na lang, nakakapanibago 'lo pero wala akong magawa.

"Tangina nasan na ba si Rose?", minsan ko pang narinig ng nakauwi ako galing school, "Ayan na 'tay" wika naman ni mama na siyang bantay mo ng oras na 'yon. "Bakit po 'lo?", sagot ko na parang hindi narinig yung mura na palagi ko na lang naririnig sa'yo.

"Pagtimpla mo kong kape, saka bili kang noodles saka sprite at mefenamic para mawala yung kitot nitong nasa lalamunan ko", utos mo.

Kaya't bumili ako kahit alam kong napaparami na yung mefenamic na naiinom mo, kung hindi ako bibili baka kasi makagalitan mo ako. Araw-araw mefenamic na lang yung pampawala mo ng kirot, sasabayan mo pa po ng softdrinks. Na kahit anong sabi ko/namin sayo na bawal paulit-ulit na idadahilan mo'y

"Walang bawal-bawal, kung mamamatay edi mamamatay".

Para bang tumatak na sa isip ni lolo na dun din naman papunta. Siguro nawawalan ka na ng pag-asa 'lo? Pero pano yung sinabi mong aabot ka pa ng 100 year? Yung sinabi mong sasamahan mo sila papa paakyat sa stage, kayo pa 'kamo yung magsusuot ng medal ko e.

Minsan pa, inutusan mo ako, na natapat na medyo lutang ako dahil sa acads, performances, activities na kailangan sabay sabay maipasa, opo lutang ako non 'lo, kaya yung nabili ko ay hindi yung pinapabili mo,

"E putang ina, ang tanga mo naman.", mainit na naman yung ulo mo.

Lo, pasensya na po wala po ako sa huwisyo ng mga oras na yon. Masakit yung sinabi niya. Sobrang sakit na parang tinutusok ka sa dibdib ng paulit-ulit, hindi ko kinaya na paulit-ulit na tumatagos sakin, pinapunta ko sayo si mama at dun muna ako tumuloy sa bahay ng kapatid mo, na tita kung tawagin ko. Alam nilang lahat, na sa tuwing lilipat ako sa kabilang bahay, na may namumugtong mga mata, kahit walang nagtatanong, alam nila na nasigawan o namura ako ni lolo.

"Apo, intindihin mo na lang. May sakit na si lolo mo kaya ganon na yun.", paulit-ulit na sinasambit nila kahit naiintindihan ko naman.

Pero ang nagpapa-agos ng luha ko ay yung katotohanang nahihirapan ka na, yung hirap na hirap ka sa sakit mo. Kasi namimiss ko na yung dati nating samahan, yung dati mong malambing na boses kapag ako yung kausap mo, yung mga pakikipagkwentuhan mo sakin na parang tayong dalawa lang yung nagkakaintindihan.

Pero ngayon, bakit palagi mokong tinutulak palayo, palaging ako yung mali para sayo, lagi na lang pasigaw kung kausapin ako. Nais sana kitang alagaan at iparamdam sayo na hindi mangyayari lahat ng iniisip mo pero sa tuwing lalapit pa lang ako, iritang irita ka na.

Gusto ko na sanang isigaw minsan lahat nung sakit, pero alam kong mas nasasaktan ka sa sitwasyong ganito, na kahit anong luha yung lumabas sakin alam kong mas nahihirapan ka sa  sakit mo. Hindi namin kami ikaw maintindihan palagi, pero 'lo yung nahihirapan kang ganyan sobrang sakit makita.

Halos sa bahay na rin namalagi sila mama, kapag uuwi si Papa ikaw naman yung isasama namin sa kabilang baranggay para dun ka magpahinga. Pero yung nakita kang mahirapan ni Papa, pinilit niya na dun na lang matulog sa bahay natin, sa bahay ni lolo. Kasi hindi ka na makalakad ng maayos, pinilit ka pa ni Papa na magpadala ka sa ospital. Simula non sa tuwing uuwi si Papa, kasama na namin siyang nagbabantay sayo.

4:46 p.mWhere stories live. Discover now