Epilogue (2)

1K 22 6
                                    

"Hindi na kita pakakawalan," wika niya.

Umingos ako at tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. I looked at him and smirked. "And what makes you think that? I'm not even yours."

Akmang magsasalita siya nang unahan ko siya.

"Look, Mr. Hernaez. I can press charges from what you did earlier. That was sexual assault." I gritted my teeth.

"Oh, it wasn't." He smirked back. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"You kissed me without my permission!"

"But you kissed me back, Ms. Samonte. And you seemed to enjoy it."

Natahimik ako sa sinabi niya. What happened earlier played in my mind again. Damn, he's right! I did kissed him back. Tumikhim ako at nangapa ng  pwedeng sabihin.

"W-well, I was shocked. Siguro nawala ako sa sarili sa mga oras na yun." I tried to lie.

He looked at me with amusement.

"It's true!" I insisted but failed to do so. Huminga ako ng malalim upang takpan ang pagkapahiya. "Fine, I wont file c-charges anymore." I stuttered.

Narinig ko naman siyang natawa nang mahina kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"But next time, huwag kang manghahalik ng kung sino sino. I already have a boyfriend," wika ko sa tonong nagmamalaki.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Kapagkuwan ay nakabawi din siya at binigyan ako ng nang-aasar na ngiti. "You're lying, Ms. Samonte."

Tumawa ako nang mahina at sumagot, "Oh, I'm not."

Akmang sasagot pa siya nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa loob ng pouch at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Alon Chavez Calling...

Lihim akong napangiti at ini-swipe ang answer button. Nice timing.

"Hello, babe." I tried my best to sound flirty as possible.

[Babe? What's gotten into you, Kreala?] I heard him laugh on the other line. I mentally cursed at him. Lagot sa akin 'to mamaya.

"Oh, so nasa restaurant ka na? I'm sorry to keep you waiting." I glanced at Sean who's face is now darkening. Nagtatagis ang mga bagang niya habang nakatingin sa akin.

[I sent you a text earlier. May emergency surgery ako, hindi matutuloy ang dinner date natin mamaya. I will make it up to you.]

Oh, so he's busy. Again.

Kahit na na-disappoint at pinilit ko pa ring ngumiti. "Yes, I will be on my way. See you, babe."

Before Alon could answer, I ended the call. Hinarap ko si Sean na ngayon ay parang manununtok na.

"You heard what I said right? I have a date. Let's talk about the designs next time. I will let you know when. Bye." I smiled and turned my back on him.

Nang makalabas ako ng resto ay bigla ko nalang naramdaman ang panghihina ng mga tuhod ko. I barely made it outside. Hindi ko akalaing nakaya kong pakitunguhan siya na parang walang nangyari sa nakaraang apat na taon.

Right, it's been four long years since I last saw him. At sa loob ng apat na taon na yun ay nagpatuloy ako na wala siya. Hindi ko lubos maisip kung bakit naisipan niyang magpakita ngayon. And to think he's my client! Did he plan this beforehand?

Umuwi ako sa bahay na magulo ang isip. Nang makapasok sa kwarto ay ibinagsak ko ang sarili sa kama at tiningnan ang kisame. Biglang bumalik sa alaala ko ang halik na pinagsaluhan namin kanina.

Look Who I've LostWhere stories live. Discover now