Epilogue (3)

1.4K 45 46
                                    

"Why the hell did you say that?!" I shouted at Yrish who's now smiling triumphantly. Nakaupo siya habang nakatingin sa kakasara lang na pintuan, kung saan lumabas si Kreala.

"Oh, come on, Seany. Isn't it obvious? I'm making her jealous and it's working."

Inihilamos ko ang palad ko sa mukha ko at bumunot ng malalim na hininga. "Look, if you're bored with your life, go find yourself a boyfriend. Hindi yung lovelife ko ng ginugulo mo," mahinahon ngunit mariin kong wika sa kaniya.

Tumawa naman siya at kumagat sa pizza bago sumagot. "Oh, I'm fine alone. You rejected me a lot of times, na-trauma na ako."

Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumawa siya nang mahina.

"Oops, just kidding."

"Ewan ko sayo. Fix your mess. Susundan ko lang ang bebi ko."

"Bebi? Ew, so jejemon." She faked a vomit but stopped when I glared at her again.

"Fine, aalis na din naman ako. I just dropped by when I heard you're renovating your house. I mean, kakagawa lang ng bahay mo months ago." Binigyan niya ako ng nang-aasar na ngiti. "But when I saw Kreala earlier, I kind of understand the situation. Good luck on winning her back, Attorney. I heard she agreed on dating Alon Chavez."

"What?!" I can feel my fist shaking with rage. "Kanino mo narinig yan?"

"Who else? From Kael, syempre. Siya lang naman ang chismoso sa law firm. Anyways, go chase your woman before it's too late."

"Damn that motherfucker." I hissed.

"Hindi mo sinabing pumayag si Kreala na makipagdate sa pesteng Alon na yun." Napahigpit ang paghawak ko sa steering wheel.

[Hindi ka nagtanong, pre.] Sagot ni Kael sa kabilang linya sabay tawa.

"Alam mo? Ikaw ang tang sa tangina. Wala kang kwentang informer. Babawiin ko yung binayad ko sayo."

[H-hoy! Wala namang ganyana—]

Pinutol ko na ang tawag bago pa niya matapos ang sasabihin. Inis na tinanggal ko ang earpiece at ibinalik ang tingin sa daanan.

I'm now tailing Kreala's car and she's heading to... a hospital. Damn it! Makikipagkita ba siya sa dagat na yun? Nagmamadali ako sa pagbaba nang makita ko siyang pumasok sa loob.

I looked around when I couldn't find her. There were lots of patients in the hallway. Did I lose her? Fuck! I began walking while craning my neck from side to side.

"Pagod na pagod ka siguro, Doc."

That's her voice! Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at dinala ako sa isang office. Bahagyang nakabukas ang pintuan kaya nakita ko si Kreala habang nakangiti sa isang doktor. Iyon nga ang gagong dagat na yun!

"I had a lot of surgeries earlier. Anyways, napadalaw ka dito?"

Nakita kong umupo si Kreala sa swiveling chair nito. Huh! Mukhang mumurahin naman. Mas maganda at mas malambot pa yata ang swiveling chair ko sa opisina e.

"I... just want someone to talk about. My friends are busy with their life."

At talagang pumunta siya dito para makipag-usap? Nandito naman ako. Tsss.

"Okay, did something happen?"

"Wala naman. Well, I met Sean again."

Pakiramdam ko ay nanlaki ang mga tenga ko sa narinig. She mentioned my name!

"Oh, your ghoster ex?"

Nakanang! Ako? Ghoster? Upakan ko kaya siya nang makita niya ang hinahanap niya. Mas lalong uminit ang ulo ko nang marinig si Kreala na tumawa. Aba't iniisip niya rin bang ghoster ako? Si Jax lang ang ghoster sa amin!

Look Who I've LostWhere stories live. Discover now