CHAPTER 26

1.2K 33 0
                                    

Lara Leigh

Mahal ko na siya, nakakagulat mang isipin pero, nakakatuwang aminin.

Malaki ang ngiti ko habang naglalakad papuntang office.

"Sana ol, blooming," sabi ni Jackie ng makasalubong ko siya.

"Araw-araw naman," natawa siya at pabiro pa akong inirapan.

"Magandang umaga sa inyong lahat." Bati ko sa Marketing team.

"Good morning, Lara. Ganda ng gising natin, ah?" sabi ni Nicole.

"Sana ol," sabi naman ni Chloe.

"Sana ol talaga." Dagdag ni Insan.

"Nasaan sila Sir Glenn?"

"Ta-da!"

Napatingin ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses nila. Nakangiti silang tatlo sa akin.

"Masaya kami para sa 'yo!"

"Congrats!"

"We wish you all the best!"

Kumunot ang noo ko sa mga pinagsasasabi nila.

"Bakit? Anong meron?"

Kahapon tinanong ko si Insan kung may nasabi ba ako sa kanila tungkol sa amin ni Warren at wala naman daw kaya, anong sinasabi nila ngayon?

Sasagot na dapat si Paolo ng may tumikhim sa likod nila. Humawi sila at pumunta sa gilid at doon nakita ko si Warren. Pinigilan ko ang sarili kong lumapit at yakapin siya.

"Ms. Reyes?" pagtawag niya sa akin.

Ngumiti at kumaway ako sa Marketing team tapos lumapit sa kaniya.

"Tara na, Sir?" nakangiti kong sabi saka naunang pumasok sa office.

"Have you eaten breakfast?" tanong niya ng maisara niya ang pinto.

"Oo, ikaw?"

"Of course." Nakangiti niyang sagot. Tumango naman ako at tinignan ang schedule niya.

"Puno schedules mo ngayong araw, gusto mo bang mag cancel ako para hindi ka gano'n mapagod?"

"Nope, I can handle it."

Magsasalita na dapat ako ng tumunog ang Iphone niya. Tinignan niya kung sino 'yon tapos tumingin sa akin. "I'll take this call," aniya at pumasok na sa office niya.

Sinundan ko siya ng tingin at napanguso ng makitang nakangiti siya habang kausap kung sino man'yung kausap niya.

Sino ba 'yun at bakit nakangiti siya? Hmp. Nagseselos ako. Charot.

------

"Here's your coffee," sabi ko at inilapag ang tasa ng kape sa table niya.

Ngumiti siya at kumindat pa. "Thanks, Love."

Natawa ako. "You're welcome."

Loving The C.E.O. Where stories live. Discover now