CHAPTER 36

1K 24 2
                                    

Lara Leigh

"'Yung mga kailangan mo lang 'yung dalhin mo, ha?" sabi ni Kuya at isinara ang pinto.

Nandito ako ngayon sa k'warto ko para mag-ayos ng mga gamit at damit na dadalhin ko. Binuksan ko ang maleta tapos pinatong sa kama. Isa-isa kong nilagay doon ang mga natupi ko ng damit.

Itong bagay na gagawin namin, lahat kami kinakabahan. Sabi sa akin ni Kuya na napasabi niya na raw sa isang bodyguard na sabihin kila lolo na uuwi na kami doon ngayon. Kaya expected na nila 'yung pagdating namin mamaya pero nakaka-kaba pa rin. Pagkatapos nung nangyari hindi ko alam kung paano ko sila haharapin.

Pero mas maganda na rin 'to. Kagaya nga ng sabi ni Kuya Kayden kagabi, ito lang 'yung paraan na hindi kami mapapahamak.

Nang matapos ko na ang paglalagay ng damit sa maleta, tumayo ako at tinignan ang cabinet kung may nakalimutan pa ba ako.

Natigilan naman ako ng makita ang dalawang handkerchiefs ni... ni Warren. Katabi non ay ang pabangong ibinigay niya sa akin dati.

-Flashback-

Napahawak ako sa noo ko ng bigla akong mauntog sa kung saan. Binuksan ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Warren. Sa dibdib niya pala ako nauntog!

"What are you doing, love?" tanong niya.

"Wala," sagot ko at inamoy ang balikat niya. "Nagpalit ka ng pabango?"

"Yes, mabango ba?"

"Ang manly masyado, love! Pero sakto sa 'yo. Saan mo nabili?" sabi ko at kumapit sa braso niya tapos sabay na kaming naglakad pabalik sa office niya.

"Regalo sa akin 'to ni Dad nung naging tayo. Ngayon ko lang ginamit."

"Ang bango niya, ah. Ayoko na tuloy humiwalay sa 'yo," banat ko na tinawanan niya.

"Gusto mo? Bigyan kita. Para kapag nami-miss mo 'ko, spray mo lang,"

"Puwede,"

"Pero may kapalit,"

Napatingin ako sa kaniya. "Ano?"

"Kiss," sagot niya at kumindat.

Mahina akong natawa. "Sira,"

-End of Flashback-

Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko at tumingin sa taas.

Hindi na dapat ako umiyak. Sapat na 'yung ilang araw kong pag-iyak, hindi na dapat ngayon.

"Ano ba! Huwag na kayong tumulo!" Sabi ko nang hindi ko na mapigilan ang luhang tumutulo. "Nakakainis naman, e."

Umupo ako sa kama at kinalma ang sarili. Nang magawa ko na, inilagay ko rin ang pabango at handkerchiefs sa maleta. Hindi naman masamang dalhin 'di ba?

Loving The C.E.O. Where stories live. Discover now