CHAPTER 2

4.4K 64 5
                                    

Chapter 2

"Aba bakit wala ang gwapong si Tatang Nick?' bulong ko sa sarili ko habang papasok sa University. Di kaya nagkasakit si tatang dahil medyo inuubo sya nung huli ko siyang nakausap, sayang hindi ko alam ang bahay ni tatang para sana malaman ko kung ano na ang kalagayan nya. 

Sana ay okay lang si tatang. Malapit pa naman na ang Christmas break then isang semester na lang at gagraduate na ang beauty ko.

Huling isang linggo na lang para mag Christmas break, kaya naman ang ibig lang sabihin nito eh hello maraming exam at term papers. Sana may subjects kami mamya na magsasabi ang prof namin na ok class dahil mabait ako, hindi ko na kayo bibigyan ng exam or term papers na ipapasa nyo before the break! Shocks magdilang anghel sana ako at di lang naman ako mukhang anghel lang.

Natapos ang huling linggo ng klase nang hindi nagpakita si tatang sa kanyang pwesto. Nasaan kaya yun? Sayang ang kita niya sa isang linggong absent sa pwesto. Christmas break pa naman, paano na nun? Saan siya pupwesto para magtinda?

Bakit kaya wala si tatang Nick ha Zandy? Tanong ni Trisha habang nasa labas kami ng university, kumakain ng kwek-kwek at samalamig na mukha ng ice tea na malabnaw ang itsura.

Nagtataka nga rin ako, halos isang linggo ng hindi nagpapakita si Tatang Nick eh." Malalaki at mabibilis ang nguya ko sa kwek-kwek na kinakain.

"'Kawawa naman si tatang, nag aalala na ako talaga sa kanya, bigla na lang hindi nagpakita, huwag naman sanang may nangyaring masama sa matanda. Parang naiisip isip ko na nag iisa yun sa kanyang bahay, walang umaantabay sa kanya habang may sakit."

"Grabe ka Ghorl! Ang advance mo naman magi-isip, malay mo nakakita na si tatang ng lovelife at nasa honeymoon stage sila ngayon." Madamdaming wika ng gaga!

Napaubo ako! Ay mali! Nasamid ako ng todo, nakabara pa nga yung itlog ng pugo sa may lalamunan ko sa biglang turan ng magaling kong kaibigan! Napainom tuloy ako ng tubig, ay teka tubig ba to? Lasang tubig pero sa pagkakaalam ko gulaman ang binili naming ni Trisha!

"Wow! At ako pa ang grabe ang imagination sa lagay na yan?" Bakit di ka kaya sumulat sa wattpad? Malamang dami mong readers sa mga wild imaginations na tumatakbo sa utak mo!

"Shhhhhh! Gusto ko nga eh lalo pag wild!" sabay pang tawa ng bruha!

"Nanay mo nasa likuran mo!" seryosong turan ko sabay lingon na akala mo may matapang na propesora na maninigaw sa kanya!

"Grabe ka!" Kinabahan ako dun!"

Sarap talaga bumunghalit ng malakas at nakakalokong tawa para sa bruhang to!

Infairness talaga sa friend ko na to, ang ganda ganda, wavy ang brownish nyang buhok, ganda ng mga matang itim na itim ang kulay isama pa ang mahahabang pilikmata na hindi na kailangan pa ng pang curl dahil natural na ang pagkaarko nito. Tamang tangkad na sinamahan pa ng magandang hubog ng katawan at makinis na balat na kung masisinagan ng araw parang porselanang kumikintab sa kinang! Madalas ko pa ngang maisip kung tunay bang anak si Trisha ng mga magulang nito, hindi ko kasi Makita ang pagkakahawig niya sa mga parents niya. Siguro pinaglihi lang sya sa mga foreigner.

"Kailan naman ang luwas mo sa inyo?" Gulat kong narinig na tanung nya.

"Bukas ng maaga para before lunch eh nandun na ako!" "sasamahan ko pa ang naynay sa pagluluto sa masyon ng mga Monteclaro. Naka break daw ang kababata ko sa trabaho nya, arte arte pa naman nun sa mga pagkaing kinakain. Hay mayayaman nga naman." "Gusto mo bang sumama sa akin?"

"Gwapo pa naman si Altis, ipapakilala kita dun pero wag maiinlove!"

"Bakit naman? Anupat gwapo sya kung hindi ako mapofall!"

"Playboy yun! Guard your heart!"

"As if naman pwede talaga akong sumama sa iyo! Hello. My parents are so strict! Twenty-two years old na me but look naman NBSB pa rin! Its so Duh!"

"Yaan mo na, pareho lang naman tayo ng kapalaran! NBSB! Like duh!"

"Eh bat ikaw? Hindi mo type yung Altis?"

"No way! Kababata ko yun! Incest nun yun inday!"

"Pssst! Huwag kang lilingon at paparating ang prince charming mo!" nakakalokong bigkas ng gaga.

"Hi Trish, Hello Zandy my loves!"

Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga galing sa balon ng kabwisitan nang mapagtanto ko kung sino ang tinutukoy ni Trish! The nerve Anton! At Zandy pa talaga ang tawag sa akin! Close kami?

"May punyal ako sa loob ng bag ko!"

"Oh very Possessive! I like that! Don't worry Zandy my loves, no need to use that thing, I am yours! Huwag mong gamitin yan sa ibang babae na gusto akong makuha sa iyo!" sabay kindat ng bwisit!

"Possessive talaga ako sa sarili ko at hindi sa iyo!"

"Sshhh Zandy my loves, May gagawin ka ba bukas?"

"Uuwi na sya sa province nya bukas Mr. Papansin!"

"Huwag ka nang umuwi, magtanan na lang tayo!"

"Trisha! Ilabas mo bilis yung punyal! May papatayin ako! Isang saksak lang yan!"

Mabilis na tumakbo palayo si Anton habang humihiyaw ng "Zandy my loves, Im gonna miss you!"

"Gago din yun!"

"Trish! Bad Words!"

"Back to Altis, pwede kuhanan mo naman sya ng picture? I mean makipagselfie ka naman sa kababata mo!"

"Anong gagamitin kong pangselfie?"

"Haist! Bumili ka naman ng smart phone! OMG girl! Yung nagtitinda ng kwek-kwek naka iphone pa yata oh!"

"Ang bad mo talaga sa akin! Meron naman akong cellphone ah!"

"Ah yang de keypad na dinudutdut dutdut na pag hinagis mo eh mamatay ang matatamaan pero di pa rin masisira!" "Kagaleng!"

"Tatanong ko na lang yung fb account nya para ma stalk mo! Gwapo talaga yun, dami kayang padaan daan na mga dalaga sa harap ng masyon kapag nandyan si Altis. Kami nga lang yata ni Andeng ang di nahuhulog ang loob sa lalaking yun. Sabagay halos kami nuon ang kasa-kasama nya sa hacienda, kaya parang tropa na lang ang dating nun.

"Trisha, iha." Sabay baling naming sa ina ni Trish.

"Oh mauna na ako ha? Nandyan na sundo ko. Gonna miss you ghorl!" kiss sabay niyang hug,

"Sa akin na lang si Altis ha?" pahabol pang bulong nito.

"Bruhang gaga!"

"Hep! Bad words!" 

Men In Uniform  (MIU Series 1) Neith Vidar OliverosWhere stories live. Discover now