CHAPTER 19

3.1K 46 0
                                    

"Congratulations iha." Don Nick greeted me, iniabot pa nito ang regalo para sa akin.

It was a simple celebration for my graduation. Nagpahanda ang Senyor Jandro sa kaniyang mansion at nandito lahat pati sina naynay at Andeng.

I was really happy that my mother and sister are here with me. Kulang na lang ay si Neith. As usual, call of duty.

"Ate, kumusta ang buhay may asawa? Wala pa ba akong pamangkin?" masayang tanong ni Andeng nang nakapagsolo kami sa may hardin.

"Wala pa." maikli ngunit nakangiti kong sagot sa kanya.

Walang nakakaalam na nagpupunta ako sa obygyne to take injectable contraceptives. Isa ito sa napag usapan namin ni Neith, we both agreed with it.

Nag-agree ako kasi gusto ito ni Neith kahit na gusto kong magkaanak sa kaniya. I can sense that he is not yet ready to be a father. As if naman ready siya noon na maging isang husband.

"Natanggap mo ba yung regalo ko sa iyo? Sorry hindi tuloy ako nakadalo nung graduation mo."

"Heto oh te!" sabay bunot sa cellphone na nakatago sa kanyang bulsa.

"Ang ganda nga ng gift mo te, magagamit ko sa college. Mahal to hindi ba?" Tuwang tuwang litanya pa nito. Ngumiti naman ako ng bahagya sa kanya.

"Sayang wala ang kuya Neith, hindi ka tuloy masaya."

"Andeng! Ano ba yang sinasabi mo?" kunwaring natatawa ako ng mahina.

"Halata ka kaya ate!" humahagikhik pang saad nito

"Tumigil ka nga! Baka may makarinig sa iyo!"

"Bakit ba kasi ate? Asawa mo naman si Neith."

"Isa pa!" napipikon kong turan

"Ate kahit ano pang pagpapanggap mo sa tunay na nararamdaman mo kay kuya, alam na alam ko yan!"

"At paano mo naman nasabi aber? May tinatangi naba ang puso ng aming bunso?" seryoso kong turan at parang kilala ko kung sino yung lalaking yun.

"Wala ha! Study first!"

"Ako Andeng huwag na huwag mong pinag sisinungalingan!"

Bumuntong hininga lang ito. Inaarok kung bibigkasin nito ang mga naglalarong salita sa kanyang isipan.

"Magkapatid nga tayo ate, pareho tayong may sakit sa puso!"

"Ano kamo?"

"Atleast ikaw te, sa iyo na siya. Kailangan mo na lang siyang mapaibig." "Eh ako? Hindi ko nga alam kung nakikita niya ako bilang isang babae!" "Maswerte na kung napapansin niya ang presensya ko, but I doubt it!" mahabang litanya nito na may lungkot sa mga mata.

"Andeng masyado ka pang bata sa pag-i pag-ibig na iyan." Marahang panabay ko sa aking bunsong kapatid at sabay pisil sa kanyang balikat.

"Alam ko ate, sinisikil ko na ang nararamdaman kong ito, wala naman kahahantungan eh." "Alam mo yun te? Doon sya at dito ako! Hindi kami pwede!"

"Maganda ka Andeng, maraming maghahabol sa iyo pero yung promise mo na hindi ka muna mag aasawa ha?"

"Ate, hindi talaga ako mag-aasawa, kasi ang puso ko naka commit na sa kanya."

"Isa pa at talagang matatamaan ka na!"

"Totoo naman te, wala akong balak mag-asawa! Buburuhin ko na lang ang pinakaiingatan ko kung hindi rin naman siya pupwede sa akin!" Hagikhik pa nito.

Men In Uniform  (MIU Series 1) Neith Vidar OliverosWhere stories live. Discover now